“Mga Missionary na Umuwi Nang Maaga,” Counseling Resources (2020).
“Mga Missionary na Umuwi Nang Maaga,” Counseling Resources.
Mga Missionary na Umuwi Nang Maaga
Ang mga missionary na umuwi o natapos ang kanilang misyon nang mas maaga kaysa inaasahan ay maaaring dumanas ng mga kakaibang hamon. Sa kanilang paghahanda para sa kanilang misyon at pag-alis para maglingkod, malamang na punung-puno sila ng pag-asa at hangaring maglingkod sa Panginoon. Sa pag-uwi nila nang maaga sa anumang dahilan (halimbawa, problema sa kalusugan ng katawan o isipan o pagkakasala), maaring makadama sila ng pagkabigo, kahihiyan, o panghihina-ng-loob. Maaari nilang pagdudahan ang inspirasyon na nagtulak sa kanila na magmisyon. Maaaring alalahanin ng mga returned missionary kung ano ang tingin sa kanila ng ibang tao o maging ng Panginoon. Maaaring madama nila na sila ay nabigo o hindi karapat-dapat at maaaring maging negatibo ang paghusga sa sarili. Maaari din silang makadama ng kawalan at maaaring makaranas pa ng iba’t ibang yugto ng dalamhati.
Ang mga missionary na umuwi nang maaga ay nangangailangan ng pagkakaisa ng pamilya, mga kaibigan, mga lider, at mga miyembro ng ward para tulungan sila sa mahirap na panahong ito. Tumulong nang may pagmamahal para aluin, hikayatin, at kalingain ang bawat returned missionary at ang kanilang pamilya. Hikayatin ang missionary, ang kanyang pamilya, at mga miyembro ng ward na tawagin siya na isang “returned missionary” at hindi “early-returned” o “early-released missionary.” Ang paggamit ng mga katagang ito ay makakatulong na mabawasan ang kahihiyan na nauugnay sa mga maagang pag-uwi.
Hangaring Makaunawa
Sa pakikipag-usap mo sa mga indibiduwal, tiyaking magpakita ng pagmamahal at pagdamay na tulad ng gagawin ng Tagapagligtas. Dahil ang bawat sitwasyon ng bawat tao ay magkakaiba, mapanalanging isipin ang pagtatanong ng mga tulad nito upang makatulong sa iyo na mas maunawaan ang mga problema ng missionary at malaman ang kanyang mga pangangailangan.
-
Ano ang nararamdaman mo tungkol sa iyong misyon?
-
Anong mga pagpapala ang tinanggap mo mula sa iyong paglilingkod?
-
Ano ang pinakamalalaking alalahanin o pangamba mo sa ngayon?
-
Ano ang nararamdaman mo tungkol sa pag-release sa iyo?
-
Ano ang reaksyon ng pamilya mo tungkol sa pag-release sa iyo?
-
Ano ang mga plano mo para harapin ang mga hamon na naging dahilan ng pag-uwi mo?
-
Ano ang mga nakapagbibigay sa iyo ng suporta?
-
Paano ka mapapalakas ng mga aral na natutuhan mo sa iyong misyon sa panahong ito ng transisyon?
-
Kumusta na ang iyong ugnayan sa Panginoon ngayon?
Tulungan ang Indibiduwal
Sa pagtulong mo sa returned missionary sa kanyang sitwasyon, pag-isipan ang ilan sa mga mungkahing ito:
Kung makakatulong, palagiang kausapin ang returned missionary upang tulungan siyang makahanap ng pag-asa at paggaling.
-
Tulungan ang missionary na maunawaan ang kapangyarihan ng Tagapagligtas na tulungan siya sa anumang hamon (tingnan sa Alma 7:11–12; Doktrina at mga Tipan 88:6; Mosias 24:13–15).
-
Tulungan ang missionary na makita ang kanyang pagkatao at halaga bilang anak ng Diyos at mabatid ang kanyang sariling mga kalakasan, talento, kakayahan, at espirituwal na kaloob (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 18:10–11; Mga Gawa 17:28–29).
-
Hikayatin ang missionary na humingi ng basbas ng priesthood.
-
Kung umuwi ang missionary dahil sa problema sa kalusugan ng katawan o isipan, tulungan siyang mabigyan ng agaran at angkop na lunas.
Tulungan ang missionary na maunawaan na pinahahalagahan at tinatanggap ng Panginoon ang paglilingkod niya bilang missionary, kabilang na ang pagtanggap niya sa tawag na maglingkod (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 124:49).
-
Pasalamatan ang paglilingkod na ibinigay ng tao bilang isang missionary.
-
Kung na-release ang returned missionary dahil sa problema sa kalusugan ng katawan o isipan, maaari siyang papuntahin ng bishop sa stake high council para mag-report.
-
Maghanap ng mga paraan na mararamdaman niyang malugod siyang tinatanggap sa ward o magbahagi ng mga karanasan tungkol sa misyon. Kung naaangkop, tanungin ang missionary kung gusto niyang mag-alay ng panalangin, magbahagi ng kanyang patotoo, o magsalita sa simbahan.
-
Tulungan ang missionary na maunawaan na siya ay magkakaroon ng maraming pagkakataon na maglingkod sa gawain ng Panginoon, kahit hindi na niya suot ang missionary name tag.
Bigyang-diin na ang unang priyoridad ng returned missionary ay ang pagpapagaling at ang pagpapasiya tungkol sa pagbalik sa paglilingkod bilang missionary ay maaaring gawin kalaunan.
-
Huwag pilitin ang missionary na bumalik sa mission field. Magagawa lamang ang desisyong ito kapag lubos na siyang nakabawi mula sa mga hamon na naging dahilan ng kanyang pag-uwi.
-
Para sa mga naghahangad na makabalik sa paglilingkod bilang missionary o naghahanap ng iba pang mga oportunidad na makapaglingkod, tingnan ang artikulong “Pagbalik sa Paglilingkod.”
Hikayatin ang missionary na makipag-ugnayan sa mission president at sa asawa nito habang pinagdaraanan niya ang transisyong ito.
Kung ang missionary ay hindi bumalik sa full-time na paglilingkod, hangaring magbigay ng suporta at malasakit. Kapag ang returned missionary ay nagsisimula nang magtakda ng mga mithiin para sa kanyang kinabukasan, magbigay ng payo tungkol sa:
-
Edukasyon
-
Trabaho
-
Ugnayan (pakikipagdeyt)
-
Mga oportunidad na maglingkod
-
Pagdalo sa Institute
-
Pagdalo sa templo at pagiging karapat-dapat para dito
Para sa bishop: Kung lumipat o nagpalit ng ward ang missionary matapos makauwi, makipag-usap sa bagong bishop ng missionary at tiyakin na alam niya ang kalagayan ng returned missionary.
-
Kung umuwi ang missionary dahil may problema sa pagiging karapat-dapat, tulungan siya sa proseso ng pagsisisi (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw [2020], kabanata 32).
-
Kung na-release ang missionary dahil sa problema sa kalusugan ng katawan o isipan, maaari siyang sabihan ng bishop na magreport sa stake high council.
Suportahan ang Pamilya
Ang maagang pag-uwi ng returned missionary ay nakakaapekto rin sa buhay ng mga miyembro ng kanyang pamilya. Alamin ang epekto sa pamilya ng miyembro at hangaring matugunan ang mga problemang iyon.
Payuhan at tulungan ang mga miyembro ng pamilya sa kanilang sariling mga paghihirap, alalahanin, o tanong na dulot ng maagang pag-uwi ng missionary.
-
Tulungan ang mga miyembro ng pamilya na maunawaan kung paano magagawa ng Tagapagligtas na mapagaling, mapayapa, at mapanatag sila at ang returned missionary.
Hikayatin ang pamilya na sama-samang pag-usapan ang mga pangangailangan ng returned missionary at ang resources na makakatulong sa kanya.
-
Tulungan ang mga miyembro ng pamilya na ituon ang kanilang pagmamalasakit sa missionary at sa kanyang pagpapagaling sa halip na sa maaaring pagtingin ng iba sa sitwasyon.
-
Tulungan ang mga magulang ng missionary na maunawaan na ang maagang pag-uwi ng kanilang anak ay hindi nangangahulugang may nagawa silang kamalian bilang mga magulang.
-
Tulungan ang mga magulang na maunawaan na hindi nila kailangang parusahan o sisihin ang kanilang sarili o ang iba sa maagang pag-uwi ng missionary.
Sabihin sa mga miyembro ng pamilya na huwag pilitin ang missionary na bumalik sa paglilingkod bilang missionary kung siya ay hindi pa handa o kung hindi niya nais na bumalik.
Gamitin ang Resources ng Ward at Stake
Isiping makipagtulungan sa mga lider ng ward o iba pang mga mapagkakatiwalaang indibiduwal sa pagbibigay ng patuloy na suporta, patnubay, at tulong. Hingin ang pahintulot ng indibiduwal bago talakayin ang sitwasyon sa iba.
Maaaring talakayin ng mga lider ang sitwasyon ng returned missionary sa ward council upang matukoy ang resources at mga oportunidad na makakatulong sa kanya.
-
Humanap ng mga paraan na masigasig na mapaglingkuran at masuportahan ng mga lider ng Simbahan ang returned missionary at ang kanyang pamilya sa napakahalagang panahong ito.
Hikayatin ang missionary na tumukoy ng isang mapagkakatiwalaang tao na maging mentor, at hikayatin silang regular na magkita.
-
Ang mentor ay maaaring ang ministering sister o ministering brother ng returned missionary.
-
Isiping pumili ng isa pang returned missionary na may ganito ring karanasan na nagkaroon ng pag-asa at lakas sa pamamagitan ng Tagapagligtas na si Jesucristo at ng Kanyang ebanghelyo.
Isali ang missionary sa mga calling at oportunidad na maglingkod at magsalita sa angkop na mga paraan kapag handa na siyang gawin ito.
Kung angkop, isiping humiling ng karagdagang tulong mula sa resources ng Simbahan at resources sa komunidad na nakaayon sa mga alituntunin ng ebanghelyo.
-
Sa ilang lugar, ang Family Services ay nagbibigay ng konsultasyon para sa mga lider ng Simbahan at mga counseling session para sa mga missionary na umuwi nang maaga.
-
Kung walang Family Services, isaalang-alang ang karagdagang resources sa komunidad.