Mga Calling sa Ward o Branch
Pagbalik sa Paglilingkod


“Pagbalik sa Paglilingkod,” Counseling Resources (2020).

“Pagbalik sa Paglilingkod,” Counseling Resources.

Pagbalik sa Paglilingkod

Ang mga missionary na umuwi nang maaga ay maaaring maghangad na bumalik sa paglilingkod bilang missionary o humanap ng iba pang mga oportunidad na maglingkod. Sa ganitong mga sitwasyon, isipin ang mga sumusunod na opsiyon:

1. Reinstatement o pabalikin sa full-time proselyting mission.

Mahalagang isiping mabuti ng missionary ang dahilan kung bakit siya maagang ini-release at ang posibilidad na maulit ang mga problema kung pababalikin siya sa misyon. Kadalasan, kapag maagang umuwi ang mga missionary, nabawasan na ang stress ng misyon at bumubuti ang kundisyon ng kalusugan ng kanilang katawan o isipan. Tandaan na ang mga ipinagagawa at nakaka-stress sa isang misyon ay kadalasang nagpapalala sa mga kundisyong ito.

Tulad ng itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley, “Ang magandang kalusugan ng katawan at isipan ay mahalaga. … Anumang karamdaman o problema ng isang missionary sa katawan o isipan pagdating niya sa field ay lumalala lamang dahil sa stress ng gawain. … Kailangan natin ng mga missionary, ngunit kailangan ay may kakayahan silang gawin ang gawain. … Kailangan ay malusog at malakas, kapwa ang katawan at isipan, sapagkat maraming gagawin, mahaba ang oras, at ang stress ay maaaring mabigat” (“Missionary Service,” First Worldwide Leadership Training Meeting, Ene. 11, 2003, 17–18). Kailangang tiyakin ng tao na kaya niyang pangasiwaan ang kundisyon pagbalik niya sa mission field. Kung magbabalik sa isang proselyting mission, kailangang ipadala ng stake president ang sumusunod sa Missionary Department:

  • Isang liham mula sa stake president na hinihiling ang reinstatement at ipinahihiwatig na ang missionary ay karapat-dapat na maglingkod, na tuluyan nang nalutas ang lahat ng isyung nauugnay sa release, at nainterbyu niya ang missionary at nadama niya at ng missionary na kaya nitong kumilos nang epektibo sa field.

  • Isang liham mula sa missionary na nagpapahayag ng kanyang damdamin tungkol sa pagbalik sa paglilingkod bilang missionary.

  • Isang liham mula sa propesyonal na manggagamot, para sa mga umuwi nang maaga dahil sa problema sa kalusugan ng katawan o isipan, na ipinaliliwanag ang kalagayan, panggagamot na ibinigay, tugon sa panggagamot, mga gamot o iba pang panggagamot na maaaring kailangan sa mission field, at isang pagsusuri sa kakayahan ng missionary na kumilos sa kabila ng mga hirap na maglingkod bilang missionary at makisama sa kompanyon.

  • Kakailanganin ng na-update na mga medical at dental form kung na-release ang missionary nang lampas na sa isang taon.

2. Service mission (SM).

Maaaring isaalang-alang ang mga pagkakataong maglingkod sa iba-ibang kapasidad at sa loob ng iba-ibang haba ng panahon. Mangyaring sumangguni sa website na ChurchofJesusChrist.org/service-missionary para sa iba pang impormasyon.

3. Iba pang mga calling.

Sa mga lugar kung saan walang mga oportunidad na maglingkod bilang service missionary, o kapag hindi ito magiging isang angkop na gawain para sa missionary, isiping magbigay ng calling bilang isang ward missionary o temple worker o tumukoy ng isang angkop na lokal na oportunidad na maglingkod bilang boluntaryo.