“Pang-aabuso (Tulong para sa Biktima),” Counseling Resources (2020).
“Pang-aabuso (Tulong para sa Biktima),” Counseling Resources.
Pang-aabuso (Tulong para sa Biktima)
Mga Help Line
Ang mga bishop, branch president, at stake president ay dapat tumawag kaagad sa ecclesiastical help line ng Simbahan sa tuwing may napag-aalaman silang pang-aabuso. Ang resource na ito ay umaalalay sa pagtulong sa mga biktima at sa pagkumpleto sa mga kinakailangan sa pagrereport. Magpunta sa Help Line Numbers para sa help line number at iba pang impormasyon.
Hindi dapat balewalain ng sinumang lider ng Simbahan ang isang report ng pang-aabuso o payuhan ang isang indibiduwal na huwag isuplong ang isang krimen.
U.S. at Canada
Kung may napag-alamang pang-aabuso ang iba pang mga miyembro, dapat nilang kontakin kaagad ang mga awtoridad. Dapat din silang humingi ng payo sa kanilang bishop o stake president na tatawag sa abuse help line para magabayan sa pagtulong sa mga biktima at pagkumpleto sa mga kinakailangan sa pagrereport.
Mga Bansa sa Labas ng U.S. at Canada
Alamin kung paano at kailan mo dapat ireport ang pang-aabuso. Dapat tumawag kaagad ang mga stake president at bishop sa help line para magabayan kung mayroon nito sa kanilang bansa. Sa mga bansang walang help line, dapat kontakin ng bishop na nakaalam sa pang-aabuso ang kanyang stake president. Hihingi siya ng patnubay mula sa area legal counsel sa area office (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2020), 38.6.2.1, ChurchofJesusChrist.org). Dapat sumunod ang iba pang mga miyembro sa anumang legal na mga obligasyon sa pagrereport at humingi ng payo sa kanilang bishop.
Hindi Dapat Palagpasin ang Pang-aabuso
Ang pang-aabuso ay ang pagmamalupit o pagpapabaya sa iba (tulad sa isang bata o asawa, matanda, o may kapansanan) sa paraang nagiging sanhi ng pisikal, emosyonal, o seksuwal na pinsala. Ang posisyon ng Simbahan ay nagsasaad na hindi maaaring palagpasin ang anumang anyo ng pang-aabuso at na ang mga taong nang-aabuso ay mananagot sa harap ng Diyos. Mahatulan man ng pang-aabuso ang isang tao o hindi, sasailalim ang mga nagkasala sa pagdisiplina ng Simbahan at maaaring mawala sa kanila ang kanilang pagkamiyembro sa Simbahan (tingnan sa Mateo 18:6; Marcos 9:42; Lucas 17:2).
Ang mga unang responsibilidad ng Simbahan sa mga kaso ng pang-aabuso ay 1) tulungan, sa mabuti at sensitibong paraan, ang mga naabuso at 2) protektahan ang mga maaaring maabuso sa hinaharap. Bagama’t ang ilang uri ng pang-aabuso ay maaaring magdulot ng pisikal na pananakit, lahat ng uri ng pang-aabuso ay nakakaapekto sa isip at espiritu. Ang pang-aabuso ay madalas makasira sa pananampalataya at maaaring maging sanhi ng pagkalito, pag-aalinlangan, kawalan ng tiwala, panunurot ng budhi, at takot sa biktima. Tingnan sa “Alamin ang mga Palatandaan ng Pang-aabuso” at “Ano ang mga palatandaan na inaabuso ang isang tao?”
Ipaunawa sa biktima na hindi siya responsable sa mga ginawa ng taong nang-abuso at hindi inaasahang titiisin niya ang mapang-abusong pag-uugali.
Kailangan mong mabatid na ang mga nang-aabuso ay maaaring tuso, nagmamanipula, at nanloloko, kaya maaaring maiba ang bersyon nila ng mga kaganapan sa bersyon ng biktima. Sa lahat ng kaso, unahing isaalang-alang ang kaligtasan at proteksyon ng biktima.
Ang mga lider ng Simbahan ay hindi inaasahan ni hinihikayat na suriin o bigyan ng lunas ang mga taong nahihirapan sa mga problema sa pag-iisip na nauugnay sa pang-aabuso. Kung kailangan, hikayatin ang tao na isiping humingi ng tulong mula sa mga propesyonal. Ang Family Services (kung saan man mayroon) ay nakapaglalaan ng konsultasyon at nakapagbibigay ng impormasyon sa mga lider tungkol sa resources sa kanilang mga komunidad.
Habang binabasa mo ang sumusunod na impormasyon, maghangad ng inspirasyon sa pag-aangkop ng mga mungkahing ito sa sitwasyon ng biktima, na maaaring magbago kung ang biktima ay asawa, anak, matandang magulang, o taong may kapansanan.
Hangaring Makaunawa
Ang pagpapadama sa biktima na siya ay pinakikinggan at nauunawaan ay maaaring kasinghalaga ng anumang payo na maibibigay mo. Habang nakikipag-usap ka sa mga biktima, sikaping magpakita ng pagmamahal at pagdamay na tulad ng ginagawa ng Tagapagligtas. Ang pagtalakay sa pang-aabuso ay nangangailangan ng malaking katapangan sa panig ng biktima, at maaari siyang mangailangan ng pagpapanatag at pag-aliw.
Manatiling mahinahon at handang mag-ukol ng panahon para pakinggan ang mga pangamba, pag-aalinlangan, at alalahanin ng biktima. Mapanalanging isiping itanong ang mga bagay na katulad nito sa mabuti at sensitibong paraan upang mas maunawaan mo ang sitwasyon ng biktima at mahiwatigan ang kanyang mga pangangailangan. Tiyaking tulutan ang biktima na ilarawan ang sitwasyon gamit ang sarili niyang mga salita sa halip na imbestigahan siya.
-
Ano ang nangyayari?
-
Gaano ka kaligtas sa pakiramdam mo?
-
Gaano kaligtas ang iba pang nasa paligid mo?
-
Sino pa ang nakausap mo tungkol dito (tulad ng pamilya, mga magulang, mga lider ng Simbahan, o mga awtoridad ng gobyerno)?
-
Ano ang mga agaran mong pangangailangan?
-
May iba pa bang bagay tungkol sa pang-aabusong ito na dapat kong malaman?
Ang mga biktima ng pang-aabuso ay maaaring humingi ng tulong mula sa mga lider ng Simbahan para sa espirituwal na pagpapagaling. Maaaring mas komportable ang kababaihan at mga kabataan na makipag-usap sa bishop o iba pang mga lider kung may kasama silang kaibigan, magulang, o pinagkakatiwalaang lider ng Simbahan. Tiyakin na alam ng biktima na maaari siyang magsama ng isang taong sumusuporta sa kanya.
Tulungan ang Indibiduwal
Habang naglalaan ka ng tulong o suporta sa biktima, isipin ang sumusunod na mga mungkahi. Tandaan na maging mahabagin at mapagmahal sa iyong mga mungkahi.
Tulungan ang tao na maunawaan kung paano magkaroon ng paggaling sa pamamagitan ng Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala (tingnan sa Alma 7:11–12; 2 Nephi 9:21; Doktrina at mga Tipan 88:6).
Purihin siya sa pagkakaroon ng tapang na magbahagi tungkol sa pang-aabuso.
Tiyaking muli sa biktima na hindi niya kailangang magsisi sa pagiging biktima ng pang-aabuso.
Hikayatin ang tao na humingi ng basbas ng priesthood.
Maging sensitibo sa sariling proseso ng pagpapagaling ng biktima, na maaaring tumagal. Huwag tangkaing bilisan o diktahan ang proseso.
Tulutan ang biktima na harapin ang sarili niyang mga damdamin at hamon na nauugnay sa pang-aabuso bago payuhan ang tao na patawarin ang nagkasala.
Ipadama sa tao na siya ay ligtas.
Tingnan sa artikulong “Paano Ako Mananatiling Ligtas?” para sa iba pang impormasyon.
Hikayatin ang biktima na lumapit sa iba pang pinagkakatiwalaan niya para sa tulong at suporta, pati na sa mga propesyonal na tagapayo kung kinakailangan.
Suportahan ang Pamilya
Ang pang-aabuso ay nakakaapekto sa mga miyembro ng pamilya at maging sa indibiduwal. Alamin ang epekto sa asawa o pamilya ng indibiduwal at tugunan ang mga problemang iyon. Tulad ng pagpapakita mo ng pagmamahal at malasakit sa biktima, tiyaking magpakita ng pagmamahal at malasakit sa mga miyembro ng pamilya na maaaring nahihirapan o nasasaktan.
Isiping gamitin ang resources ng komunidad o propesyonal na tulong para sa mga miyembro ng pamilya na maaaring mangailangan ng payo o suporta.
Tulungan ang mga miyembro ng pamilya na maunawaan kung paano sila personal na matutulungan ng Tagapagligtas na gumaling (tingnan sa Alma 7:11 at Mateo 11:28–30).
Magbigay ng patuloy na suporta sa pamilya ng biktima.
Gamitin ang Resources ng Ward at Stake
Kung binibigyan ka ng inabusong indibiduwal ng pahintulot na talakayin ang sitwasyon sa iba, kumilos ayon sa patnubay ng bishop sa pagtukoy sa mga lider ng ward o iba pang mga taong mapagkakatiwalaan na maaaring magbigay ng patuloy na suporta, patnubay, at tulong. (Tingnan ang outline ng mga tagubilin sa “Pagpigil at Pagtugon sa Pang-aabuso” para sa iba pang impormasyon.)
Talakayin sa bishop kung paano susuportahan ang indibiduwal o pamilya at paano tutugon sa sitwasyon sa positibong mga paraan.
Tulungan ang biktima na makahanap at makakontak ng mga makukuhang resource o propesyonal na tulong. Tingnan sa “Dapat ba akong humingi ng propesyonal na tulong?”
-
Maaaring kabilang sa resources ang mga tirahan, tagapayo, serbisyong medikal, serbisyong legal, at iba pang suporta.
-
Depende sa kalubhaan ng sitwasyon at iba pang mga konsiderasyon, maaaring kailanganin ng tao na isiping isali ang mga awtoridad ng pamahalaan o humingi ng legal na proteksyon.
Maging madasalin at sensitibo sa mga pangangailangan ng biktima at kung sino ang maaaring atasan bilang mga ministering sister at ministering brother. Isiping isama ang biktima sa pagpapasiya kung naaangkop. Maaaring mas komportable ang ilang biktima sa isang ministering couple sa halip na sa dalawang ministering brother.
Isiping makipagtulungan sa bishop para mag-ukol ng oras sa ward council o iba pang miting para sanayin ang mga lider sa pagpigil at pagtugon sa pang-aabuso.
-
“Pagpigil at Pagtugon sa Pang-aabuso” resource document