Pang-aabuso
Paano Ako Mananatiling Ligtas?


“Paano Ako Mananatiling Ligtas?” Tulong para sa mga Biktima (2018)

“Paano Ako Mananatiling Ligtas?” Tulong para sa mga Biktima

Paano Ako Mananatiling Ligtas?

Ang iyong kaligtasan ang pinakamahalagang isinasaalang-alang kapag may pang-aabuso. Hindi inaasahan na tiisin ng sinuman ang mapang-abusong pag-uugali. Maaari kang humingi ng tulong sa mga nagbibigay ng serbisyo at bumuo ng planong pangkaligtasan para matulungan kang maging ligtas mula sa iba pang pang-aabuso. May mga sitwasyon na mas mabuti ang umalis.

Mga Serbisyo

Maraming grupo at serbisyo na makakatulong na protektahan ka at pigilan ang iba pang pang-aabuso. Maaaring kabilang dito ang:

  • Mga awtoridad sa pamahalaan

  • Child protective services

  • Adult protective services

  • Victim advocates

  • Medikal o propesyonal sa pagpapayo

  • Mga bahay-kanlungan

Kung hindi ka sigurado kung aling resources ang kokontakin, tingnan ang Nakaranas Ka ba ng Pang-aabuso? Makipag-usap Ngayon o kontakin ang Family Services. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong bishop.

Mga Planong Pangkaligtasan

Ang planong pangkaligtasan ay isang personalized na plano para tulungan kang malaman kung ano ang gagawin mo kapag nagkaroon ka ng problema ukol sa pang-aabuso. Ang planong ito ay maaaring gumabay sa iyo at sa iyong mga kapamilya sa sitwasyon na kinasasangkutan ninyo para mabawasan ang pinsala nito sa inyo.

Kabilang ngunit hindi limitado sa mga plano ng pangkaligtasan ang:

  • Pagtukoy sa mga kapamilya at kaibigan na mapagkakatiwalaan mo

  • Pagtipon sa mga numero ng telepono ng resources sa oras ng emergency (mga awtoridad, kapamilya, o kaibigan)

  • Pagtiyak na may perang magagastos para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan

  • Pagpaplano kung saan sasakay para makarating sa ligtas na lugar, kung kinakailangan

  • Pag-alam sa mga lugar na maaari mong puntahan kung kinakailangang lumayo (tulad ng mga kapamilya, kaibigan, o isang bahay-kanlungan)

  • Pagtukoy sa mga gagawin mo sa mapanganib na mga sitwasyon

  • Pagkausap sa iyong mga anak at iba pang kapamilya kung ano ang magagawa nila sa mapanganib na mga sitwasyon

Ang resources o mga sanggunian sa ibaba ay makatutulong sa iyo na malaman pa ang tungkol sa mga planong pangkaligtasan at bumuo ng isang plano na akma sa iyong partikular na sitwasyon at mga pangangailangan.

Resources o mga Sanggunian sa Simbahan at Komunidad

(Ang ilan sa resources o mga sangguniang nakalista sa ibaba ay hindi nililikha, pinananatili, o kinokontrol ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Bagama’t ang mga materyal na ito ay ginawa para maging karagdagang resources o sanggunian, ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang nilalaman na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)

Kaugnay na mga Artikulo