Pang-aabuso
Paano Kung Nahihirapan Akong Magtiwala?


“Paano Kung Nahihirapan Akong Magtiwala?” Tulong para sa mga Biktima (2018).

“Paano Kung Nahihirapan Akong Magtiwala?” Tulong para sa mga Biktima.

Paano kung nahihirapan akong magtiwala sa iba?

Kung ikaw ay naging biktima ng pang-aabuso, maaaring maramdaman mong hindi mo na ganap na mapagkakatiwalaang muli ang sinuman. Maaaring nagdududa ka kung makakaasa ka pa sa ibang tao, sa iyong sarili, o maging sa Diyos upang panatilihin kang ligtas. Ang pakiramdam na pinagtaksilan ka na idinulot ng pang-aabuso ay maaaring mas lalong mahirap daigin kapag ang maysala ay isang taong malapit sa iyo, at ang mas malala kung minsan ay kapag isa itong taong inaasahan mong poprotekta sa iyo.

Maipaliliwanag ng bigat ng ilang kasalanan kung bakit maaaring kailangan mo ng mahabang panahon para muling magtiwala at ibalik ang pakiramdam na ligtas ka pagkatapos ng pang-aabuso. Gayon din, ang mapanirang katangian ng pang-aabuso sa iyo ay maaaring humadlang sa iyo para muling magkaroon ng tiwala sa nagkasala. Alalahanin na ang pagpapatawad sa isang tao ay hindi nangangahulugang dapat mo siyang pagkatiwalaan.

Pagbuo ng Tiwala sa mga Bago at Dati pang mga Relasyon

Ang mabubuting relasyon, kapwa bago at dati pa, ay nakasalig sa pagtitiwala. Maaari kang magtiwala sa iba kung handa silang gawin ang mga bagay na nagpapalakas o muling nagpapatatag ng tiwala mo. Ang pagbuo ng tiwala sa iba ay nangangailangan ng panahon at patuloy na pag-aalaga.

Ang pagbuo ng tiwala ay tulad ng isang bank account na lumalaki o lumiliit depende sa deposito o withdrawal na ginagawa. Sa pagbuo mo ng iyong account ng pagtitiwala sa isang tao, tandaan ang sumusunod na alituntunin:

  1. Ikaw ang may-ari ng account—ikaw ang pumipili kung sino ang pagkakatiwalaan mo.

  2. Bumuo ng tiwala ayon sa sarili mong bilis—hindi ka dapat mapilitang magtiwala sa isang tao kung hindi ka pa handa.

  3. Alamin kung anong pag-uugali ang maituturing na deposito (tulad ng pagiging magalang at tapat) at withdrawal (tulad ng pagiging hindi tapat at malihim o pagkukubli ng mga pagkakamali).

  4. Linawin sa iba kung anong mga pag-uugali ang nakadaragdag o nakababawas sa iyong pagtitiwala.

  5. Magkaroon ng tiwala sa katumpakan ng iyong sariling obserbasyon sa pag-uugali ng iba.

  6. Iakma ang pagiging malapit sa iba batay sa antas ng nabuong pagtitiwala.

Kung nagpasiya kang magkaroon ng tiwala sa isang tao, alamin ang mga limitasyon na kailangan upang manatili kang ligtas. May mga taong maaaring hindi gumawa ng kanilang bahagi para maging katiwa-tiwala at hindi nararapat sa pagtitiwala mo. Pinayuhan tayo ng Panginoon na maging “matalino gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati” (Mateo 10:16).

Kahit na maaaring hindi mapagkakatiwalaan ang iba, maaari kang palaging magtiwala na mamahalin at tutulungan kang maghilom ng Panginoon. Kung hihingin mo ang tulong ng Diyos, matutuklasan mo ang “nag-uumapaw niyang magiliw na awa” (1 Nephi 8:8) na katibayan na maaari kang magtiwala sa Kanya. “Ang Kanyang awa ang [mabisang] tagapagpagaling, maging sa sugatang walang-muwang” (Boyd K. Packer, “Ang Dahilan ng Ating Pag-asa,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 7).

Kung ikaw ay nahihirapan pa rin na magkaroon ng tiwala, humingi ng tulong mula sa isang nasa hustong gulang at mapagkakatiwalaang indibiduwal, tulad ng isang magulang, kapamilya, kaibigan, lider ng Simbahan, guro, o mentor. Maaari ka ring humingi ng tulong mula sa isang propesyonal na tagapayo para mabuong muli ang iyong tiwala sa sarili at sa iba.

Resources o mga Sanggunian sa Simbahan at Komunidad

(Ang ilan sa resources o mga sangguniang nakalista sa ibaba ay hindi nililikha, pinananatili, o kinokontrol ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Bagama’t ang mga materyal na ito ay ginawa para maging karagdagang resources o sanggunian, ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang nilalaman na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)

Kaugnay na mga Artikulo