Kaya kang panatagin at pagalingin ng Tagapagligtas. Naranasan ng Tagapagligtas ang ating pasakit, mga paghihirap, tukso, kahinaan, at lahat ng uri ng karamdaman (tingnan sa Alma 7:11–12). Alam Niya kung paano ka tulungan, suportahan, pagalingin, at panatagin sa oras ng iyong pangangailangan. Kaya Niyang alisin ang iyong pasakit at kalungkutan.