Pang-aabuso
Saan Ako Makakahingi ng Suporta?


“Saan Ako Makakahingi ng Suporta?” Tulong para sa mga Biktima (2018).

“Saan Ako Makakahingi ng Suporta?” Tulong para sa mga Biktima.

Saan ako makakahingi ng suporta?

Maraming uri ng pagsuporta at iba’t iba ang mga pinagkukunan nito. Madalas na sinasagot ng ating Ama sa Langit ang ating mga panalangin sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa pamamagitan ng ibang tao. Ang Tagapagligtas mismo ay tumanggap ng suporta mula sa mga disipulo at mga kaibigan. Nakatanggap rin Siya ng lakas mula sa isang anghel habang nagdurusa sa Halamanan ng Getsemani (tingnan sa Lucas 22:43). Ang pagtanggap ng pagmamahal at suporta ay napakahalaga sa pagtulong sa iyo na maghilom.

Mga Pinagkukunan ng Suporta

Kung pakiramdam mo ay nag-iisa ka, dapat mong malaman na may mga taong nagmamahal sa iyo at gusto kang tulungan, kabilang na ang iyong mga Magulang sa Langit, ang Tagapagligtas na si Jesucristo, at ang Espiritu Santo. Maaari silang maging pinakamalalaking mapagkukunan mo ng suporta o tulong. Naranasan ng Tagapagligtas ang lahat ng iyong mga pasakit at paghihirap, pati na ang idinulot ng iba, at alam Niya kung paano ka matutulungan (tingnan sa Alma 7:11–12). Ang Espiritu Santo ay makapagbibigay sa atin ng kapanatagan, kapayapaan, at espirituwal na lakas upang patuloy na sumulong. Sa pamamagitan ng pagdarasal sa iyong Ama sa Langit, humingi ng tulong, at aakayin ka sa mga taong makapagbibigay sa iyo ng suporta.

Ikaw na ang magpapasiya kung kailan at kung kanino ka hihingi ng suporta. Sa una, maaaring mahirapan kang humingi ng tulong sa mga kapamilya at kaibigan o mga lider ng Simbahan. Maaaring mas madaling magbahagi sa isang support group o tagapayo (tingnan sa “Dapat ba akong humingi ng tulong sa propesyonal?”). Ang paghingi ng tulong ay maaaring nakakatakot, pero kapag ginawa mo ito, maaaring magulat ka sa laki ng pagmamahal at pagtanggap na iyong madarama.

Pumili ng mga taong sumusuporta sa mga alituntunin ng ebanghelyo. Ang propesyonal na tagapayo ay dapat lisensyado (kung angkop) at kwalipikadong tumulong sa mga kaso ng pang-aabuso.

Resources o mga Sanggunian sa Simbahan at Komunidad

(Ilan sa resources na nakalista sa ibaba ay hindi ginagawa, pinapanatili, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Bagama’t ang mga materyal na ito ay ginawa para maging karagdagang resources o sanggunian, ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang nilalaman na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)

Kaugnay na mga Artikulo

Print