Pang-aabuso
Makabubuo ba Ako ng Ligtas at Mabubuting Relasyon?


“Makabubuo ba Ako ng Ligtas at Mabubuting Relasyon?” Tulong para sa mga Biktima (2018).

“Makabubuo ba Ako ng Ligtas at Mabubuting Relasyon?” Tulong para sa mga Biktima.

Makabubuo ba ako ng ligtas at mabubuting relasyon?

Maaari kang bumuo ng mabubuti at ligtas na relasyon, kahit na sa tingin mo ay hindi ito mukhang posible dahil sa pang-aabusong naranasan mo. Sa paglipas ng panahon at sa iyong pagsisikap, makararanas ka ng kasiyahan at kagalakan sa iyong pakikipag-ugnayan sa iba.

Pagbuo ng Mabubuting Relasyon

Ang pagbuo ng mga relasyon ay tulad ng pagtatanim at pagpapalago ng mga binhi. Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball na ang isang relasyon “ay gaya ng isang bulaklak, at, tulad ng katawan, kailangan nito ng palagiang pagpapakain” (“Marriage and Divorce” [debosyonal sa Brigham Young University, Set. 7, 1976], 6, speeches.byu.edu). Ang pagpapabaya o maling pagdadala sa isang relasyon ay nagiging sanhi ng paghina at maaaring pagkamatay nito, katulad ng naidudulot na pagkamatay sa isang halaman ng kawalan ng pangangalaga at pagkalinga. Ang dalawang panig sa isang relasyon ay kailangang gumawa ng patuloy na pagsisikap para makabuo ng ligtas at makabuluhang ugnayan. Ang lahat ng relasyon ay nangangailangan ng pagsisikap para mabuo, mapanatili, o maayos ang ugnayang iyan.

Ang mabubuting relasyon ay kinabibilangan ng sumusunod na mga katangian:

  • Paggalang sa kalayaang pumili at awtonomya ng bawat isa

  • Katapatan

  • Pagtitiwala

  • Pagbibigayan upang matugunan ang mga pangangailangan ng isa’t isa

  • Bukas na pag-uusap tungkol sa mga naiisip at nadarama

  • Paggalang sa mga pagkakaiba at kalakasan

  • Suporta sa isa’t isa

  • Responsibilidad at pananagutan

  • Malinaw, at naitakdang mga hangganan

  • Paggalang sa hangganang itinakda ng iba

Marahil ang pinakamahalagang magagawa mo para makabuo ng mga relasyon sa ibang tao ay ang patatagin ang iyong relasyon sa iyong sarili at sa Diyos. Simulang tingnan ang iyong sarili tulad ng pagkakita sa iyo ng Diyos—na ikaw ay may malaking walang-hanggang potensyal.

Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf: “Bigyan ng kaunting panahon na mas makilala ang iyong sarili. … Matutuhang tingnan ang sarili tulad ng pagtingin sa inyo ng Ama sa Langit—bilang Kanyang mahal na anak na babae o lalaki na may dakilang potensyal” (“Sa mga Bagay na Pinakamahalaga,” Ensign o Liahona, Nob. 2010, 22).

Sa paglipas ng panahon at sa tulong ng iba, mababago mo ang iyong pananaw sa iyong sarili at itatrato ang iyong sarili nang may pasensya, kabaitan, paggalang, at pagpapatawad. Magagawa mong baguhin ang hindi mabubuting paniniwala at emosyon. Kung nahihirapan ka sa iyong mga pagsisikap, maaari kang sumangguni sa isang propesyonal na tagapayo. Maaaring kailanganin mo ring bumuo o muling bumuo ng isang support system.

Kapag pinatatatag mo ang iyong relasyon sa iyong sarili at sa Diyos, malalaman mo kung paano isabuhay ang katulad na mga alituntunin sa pagbuo ng mabubuting relasyon sa iba. Ang pagsisikap na bumuo ng nakasisiya, nangangalaga, at nagbibigayang relasyon ay magdudulot sa iyo ng kagalakan.

Resources o mga Sanggunian sa Simbahan at Komunidad

(Ang ilan sa resources o mga sangguniang nakalista sa ibaba ay hindi nililikha, pinananatili, o kinokontrol ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Bagama’t ang mga materyal na ito ay ginawa para maging karagdagang resources o sanggunian, ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang nilalaman na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)

Kaugnay na mga Artikulo

Print