Pang-aabuso
Dapat ba Akong Humingi ng Propesyonal na Tulong?


“Dapat ba Akong Humingi ng Propesyonal na Tulong?” Tulong para sa mga Biktima (2018).

“Dapat ba Akong Humingi ng Propesyonal na Tulong?” Tulong para sa mga Biktima.

Dapat ba akong humingi ng propesyonal na tulong?

Ang paghingi ng tulong ay maaaring magpabuti ng iyong buhay, magdagdag sa iyong nadaramang pagpapahalaga sa sarili, at magpalakas ng iyong mga relasyon. Hindi mo kailangang pasaning mag-isa ang sakit na dulot ng pang-aabuso, at hindi mo kailangang pasanin ito habambuhay.

Dahil sa pang-aabusong nangyari sa iyo, maaari kang mahirapang magkaroon ng kagalakan. Gayunman, nais ng Ama sa Langit na maranasan mo ang kagalakan. Sinabi ni Pangulong Dallin H. Oaks: “Ang isa sa mga pinakadakila sa lahat ng paghahayag ng Diyos ay ang turo ni Amang Lehi na ‘ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.’ (2 Ne. 2:25.) Ang kagalakan ay higit pa sa kaligayahan. Ang kagalakan ay ang pinakamatinding pakiramdam ng kagalingan” (“Joy and Mercy,” Ensign, Nob. 1991, 73).

Maraming uri ng tulong. Maaaring kabilang dito ang proteksyon ng mga awtoridad, patnubay mula sa mga propesyonal na tagapayo, o suporta mula sa iba (tingnan sa “Saan ako makakahingi ng suporta?”).

Tulong Kung Ikaw ay Nakaranas ng Pang-aabuso

Kung ikaw ay naabuso o inaabuso o kung sa tingin mo ay hindi ka ligtas, maaari kang mangailangan ng agarang tulong mula sa mga awtoridad, child protective services, adult protective services, o mga propesyonal sa medisina. Maaari ka ring humingi ng tulong mula sa isang abogado o victim advocate. Makatutulong ang mga serbisyong ito sa pagprotekta sa iyo at para maiwasan ang mga karagdagang pang-aabuso (tingnan sa “Nakaranas Ka ba ng Pang-aabuso” para sa agarang tulong).

Tulong sa Kapanatagan, Suporta, at Paghilom

Kailan ka man naabuso, maaari kang makinabang mula sa suporta at propesyonal na tulong. Karamihan sa mga biktima ay gumagaling sa pinakamainam na paraan kapag may isang taong naniniwala sa kanila, kinikilala ang kanilang mga nararamdaman, nakakaramdam sila na sila ay ligtas at protektado, at nauunawaan nila kung paano sila naapektuhan ng pang-aabuso. Ang suporta ay makatutulong sa iyo na magkaroon ng kapayapaan at hindi makadama ng pag-iisa habang nagsisikap kang maghilom.

Ang paghingi ng tulong ay maaaring makapagbigay din sa iyo ng mga sumusunod:

  • Koneksiyon sa ibang tao

  • Isang tao na maaaring makinig nang may habag

  • Isang taong makakatulong sa iyo

  • Isang paniniwala na ang paghilom ay posible

  • Pakiramdam na ikaw ay minamahal at tinatanggap

  • Patnubay habang nasa proseso ng paghilom

  • Tapang at kakayahang magpatuloy sa proseso ng paghilom

  • Mas positibong mga kaisipan

Ang paghingi ng suporta ay maaaring makatulong sa iyo na magsimulang makadama ng pag-asa. Makatutulong din ito sa iyo na makasumpong ng kaligayahan at kagalakan.

Resources o mga Sanggunian sa Simbahan at Komunidad

(Ilan sa resources na nakalista sa ibaba ay hindi ginagawa, pinapanatili, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Bagama’t ang mga materyal na ito ay ginawa para maging karagdagang resources o sanggunian, ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang nilalaman na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)

Kaugnay na mga Artikulo