“Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 4: Paghahanap ng mga Sagot sa mga Espirituwal na Tanong,“ Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 4,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 4
Paghahanap ng mga Sagot sa mga Espirituwal na Tanong
Kung minsan, maaaring mayroon kang mga espirituwal na tanong o alalahanin tungkol sa mga paksang doktrinal, personal, panlipunan, o pangkasaysayan. Kapag mayroon kang mga ganoong tanong o alalahanin, magagawa mong kumilos nang may pananampalataya, suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw, at hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos. Ang lesson na ito ay ginawa upang tulungan kang rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Mga hamon sa pananampalataya
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. ChurchofJesusChrist.org
Si Ashlyn ay isang dalagita na nakarinig mula sa isang kaibigan ng isang bagay na bumagabag sa kanya tungkol sa Simbahan. Nadama niyang itinago ang impormasyon sa kanya at nagsinungaling sa kanya sa pamamagitan ng hindi pagsasabi sa kanya ng mga bagay na ito nang mas maaga pa sa kanyang buhay. Nagsimula siyang makipag-usap sa iba na gayon din ang nadarama, at nagbasa siya ng negatibong komentaryo tungkol sa paksa.
Nalaman ni Hugo ang tungkol sa isang mahirap na paksa ng doktrina sa seminary at nag-online siya para matuto pa. Nakakita siya ng mga source na binabatikos ang Simbahan tungkol sa paksang ito. Dahil sa pag-uusisa, nanood siya ng isang video na negatibong inilalarawan ang mga turo ng Simbahan tungkol sa paksa. Dahil sa karanasang ito, pinagdudahan niya ang katotohanan ng Simbahan sa unang pagkakataon sa kanyang buhay.
-
Ano ang mararamdaman mo sa mga sitwasyong ito?
-
Sa palagay mo, paano ka tutugon?
Maaaring maging mahirap kapag hindi nasagot ang mga espirituwal na tanong tungkol sa mga paksang doktrinal, personal, panlipunan, o pangkasaysayan. Pag-isipan ang gayong mga tanong na maaaring mayroon ka at maaari mong isulat ang mga ito para sa lesson na ito.
May mga bagay kang matututuhan at magagawa na makatutulong sa iyo na sumagot sa mga tanong o alalahanin nang may integridad at pananampalataya. Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, pag-isipan kung paano makatutulong sa iyo ang impormasyong natututuhan mo sa pamamagitan ng pagsagot sa sarili mong mga tanong nang may tiwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman
Magagabayan ka ng mga sumusunod na alituntunin sa iyong mga pagsisikap na tumanggap ng patnubay at pag-unawa hinggil sa mga espirituwal na tanong:
-
Kumilos nang may pananampalataya.
-
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.
-
Maghanap pa ng impormasyon sa sources na itinalaga ng Diyos.
Kumilos nang may pananampalataya
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. ChurchofJesusChrist.org Maaari mo ring basahin ang mga talata 5–7 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022) bago basahin ang mga sitwasyon.
Matapos malaman ang bagay na iyon, labis na nadismaya si Ashlyn kaya tumigil siya sa pagsisimba. Sa loob ng mahigit isang taon, inilayo niya ang kanyang sarili sa Simbahan. Kalaunan, tinanong siya ng isang malapit na kaibigan kung bakit siya tumigil sa pagsisimba. Ibinahagi niya kay Ashlyn ang isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya na naisip niyang makatutulong at inanyayahan itong ipagdasal ang binasa niya.
Tahimik lang si Hugo tungkol sa kanyang mga pag-aalinlangan at alalahanin ngunit patuloy pa rin siyang nagsimba. Subalit hindi nawala ang kanyang pagkalito. Sa isang punto, nagkaroon siya ng matinding damdamin na dapat niyang kausapin ang kanyang mga magulang tungkol sa kanyang mga alalahanin. Iyon ang unang espirituwal na damdaming nadama niya mula nang may mabasa siya sa internet.
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
Pag-aralan ang mga talata 8–10 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document.
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos
Rebyuhin ang mga talata 11–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document.
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. ChurchofJesusChrist.org
Nagpasiya si Ashlyn na basahin ang mensahe sa pangkalahatang kumperensya na inirekomenda sa kanya ng kanyang kaibigan. Habang nagbabasa siya, nakadama siya ng kapayapaan at katiwasayan na lubhang naiiba sa nadama niya nang magbasa siya ng negatibong komentaryo tungkol sa Simbahan. Nakadama siya ng personal na katiyakan na may kabutihan at katotohanan sa binabasa niya. Kalaunan, sa pamamagitan ng panalangin at matapat na pag-aaral, nadama niya na lumalakas ang kanyang patotoo, bagama’t may mga tanong pa rin siyang hindi nasasagot.
Kinausap ni Hugo ang kanyang mga magulang at nalaman niya na napakabait at napakamaunawain nila tungkol sa kanyang mga alalahanin. Itinuro nila sa kanya ang resource na Mga Paksa ng Ebanghelyo sa Gospel Library, at magkakasama nilang binasa ang tungkol sa mga paksang ikinababalisa niya. Nakadama siya ng kapanatagan na naalaman niya na may mga sagot ang mga propeta na maaari niyang tingnan para sa mga sagot sa kanyang mga tanong.