“Doctrinal Mastery: Alma 39:9—‘Huwag nang Sundin pa ang Pagnanasa ng Iyong mga Mata,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Doctrinal Mastery: Alma 39:9,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Doctrinal Mastery: Alma 39:9
“Huwag nang Sundin pa ang Pagnanasa ng Iyong mga Mata”
Sa iyong pag-aaral ng Alma 39, nalaman mo ang kahalagahan ng pagsunod sa batas ng kalinisang-puri at kung paano labanan ang tukso sa pamamagitan ng pag-asa kay Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery passage at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Alma 39:9, maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ipaliwanag at isaulo
Ang mahalagang parirala ng doctrinal mastery para sa Alma 39:9 ay “Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.” Gamitin ang sumusunod na paraan, o iba pa na pipiliin mo, para matulungan kang isaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.
Isipin kunwari na isa kang missionary na nagtuturo sa isang tao tungkol sa batas ng kalinisang-puri sa unang pagkakataon. Maikling ilarawan kung ano ang batas ng kalinisang-puri, at gamitin ang Alma 39:9 upang maipaliwanag kung paano ito susundin.
Pagsasanay para sa pagsasabuhay
Nasisiyahan si Ivan sa paggugol ng oras sa social media. Siya ay malikhain at gumagamit ng iba’t ibang social media platform para magbahagi ng mga positibong mensahe. Gayunpaman, nakakakita rin siya ng maraming content na hindi angkop at kung minsan ay pornograpiko pa nga. Noong una, nakakabagabag ito sa kanya, ngunit sa paglipas ng panahon ay nasisiyahan na siya rito. Nitong mga nakaraan, naghahanap na siya ng ganitong uri ng content. Sa kasalukuyan, hindi siya nag-aalala sa mga pagpiling ginagawa niya.
Pag-isipan kung paano makatutulong ang pag-unawa at paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para makita ni Ivan ang mga nakababahala sa kanyang mga ginagawa sa kasalukuyan. Maaaring makatulong ang mga sumusunod na tanong at resources.
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
-
Paano masusuri ni Ivan ang kanyang sitwasyon nang may walang-hanggang pananaw?
-
Paano makagagawa ng kaibhan ang kanyang pagsisikap na panatilihing malinis ang kanyang isipan sa buong buhay niya sa lupa at sa kabilang buhay?
-
Paano maaaring makaapekto ang kanyang mga pagsisikap sa kanyang kaugnayan sa Ama sa Langit?
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos
-
Ano ang ilang halimbawa ng sources na itinalaga ng Diyos na makatutulong kay Ivan? Paano tayo matutulungan ng Alma 39:9?
-
Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili (buklet, 2022), “Ano ang gagawin sa sandaling iyon”
-
Mosias 4:30; 3 Nephi 12:28–30; Doktrina at mga Tipan 42:23; 121:45
-
Mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya tungkol sa kadalisayan ng puri, pornograpiya, o social media na makikita mo sa Gospel Library app o ChurchofJesusChrist.org
Kumilos nang may pananampalataya
-
Ano ang magagawa ni Ivan para kumilos nang may pananampalataya at “huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng [kanyang] mga mata”? (Alma 39:9).
-
Paano makatutulong sa kanyang mga pagsisikap ang pagpupursiging bumaling kay Cristo?
-
Anong doktrina mula sa plano ng Ama sa Langit ang makatutulong kay Ivan at bakit?
-
Sa iyong palagay, paano makatutulong kay Ivan ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para matukoy niya ang panganib ng mga ginagawa niya sa kasalukuyan?
-
Ano ang magagawa niya para magkaroon ng patuloy na pagbabago?