Seminary
Alma 39–42: Buod


“Alma 39–42: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Alma 39–42,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Alma 39–42

Buod

Matapos siyang anyayahan ng kanyang ama na magsisi, may ilang tanong si Corianton tungkol sa plano ng Diyos, kabilang na ang mangyayari sa atin pagkatapos nating mamatay. Itinuro ni Alma kay Corianton ang mahahalagang katotohanan upang tulungan siyang maunawaan ang plano ng pagpapanumbalik ng Ama sa Langit. Nahihirapan din si Corianton na maunawaan ang katotohanan ng katarungan at awa ng Diyos. Tinulungan siya ni Alma na palawakin ang kanyang pananaw tungkol sa ating mapagmahal na Ama sa Langit at sa Kanyang plano para sa atin.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Alma 40

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mapalalim ang kanilang pagpapahalaga sa ginawa ng Tagapagligtas para sa kanila at magbibigay sa kanila ng pagkakataong ipaliwanag kung ano ang mangyayari pagkatapos nating mamatay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga tanong nila tungkol sa mangyayari pagkatapos nating mamatay at dumating sa klase na handang magbahagi.

  • Mga Video:Hindi Nagtagumpay ang Libingan” (9:18; panoorin mula sa time code na 4:21 hanggang 5:13)

  • Mga Handout:Ang Daigdig ng mga Espiritu”; “Pagkabuhay na Mag-uli”

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Matapos pagpartner-partnerin ang mga estudyante at pagkatapos nilang magkaroon ng oras na maihanda ang ituturo nila sa isa sa dalawang paksa, ilagay ang bawat magka-partner sa isang breakout room kasama ang isang magka-partner na ang isa pang paksa ang pinag-aralan. Sabihin sa magkaka-partner na magsalitan sa pagtuturo sa isa’t isa. Kapag nagsama-sama na ulit ang mga estudyante, sabihin sa kanila na ibahagi kung ano ang nagustuhan nila sa kung paano sila tinuruan ng isa pang magka-partner.

Alma 41

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makita kung paanong ang kasamaan ay hindi hahantong sa kaligayahan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nagdulot sa kanila ng kaligayahan ang pagsunod sa mga kautusan at kung paano ito nakatutulong sa kanila na madamang handa silang humarap sa Diyos pagkatapos ng buhay na ito.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong gamitin ang feature na “whiteboard” para makagawa ng dalawang listahan na may pamagat na “Kaligayahan” at “Kalungkutan” at pahintulutan ang mga estudyante na magdagdag ng mga katangian sa bawat listahan na humahantong sa kaligayahan o kalungkutan.

Doctrinal Mastery: Alma 41:10

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery passage at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Alma 41:10, maipaliwanag ang doktrina, at masanay na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isaulo ang Alma 41:10.

  • Item na ipapakita: Ang sitwasyon sa pagsasanay ng pagsasabuhay

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong ipakita at gamitin ang feature na “isaulo” ng Doctrinal Mastery app upang tulungan ang mga estudyante na sanaying isaulo ang buong doctrinal mastery passage. Sa tuwing bibigkasin ng mga estudyante ang passage, maaari mong gamitin ang slide function sa ibaba ng screen para alisin ang isang salita hanggang sa unang titik na lang ng bawat salita ang matira.

Alma 42, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang katangian ng Ama sa Langit bilang isang makatarungan at maawaing nilalang.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na makipag-usap sa isang kapamilya o kaibigan tungkol sa ilan sa iba’t ibang ideya na mayroon ang mga tao tungkol sa katangian ng Diyos.

  • Video:Malaya Magpakailanman, na Kumilos para sa Kanilang Sarili” (14:51; panoorin mula sa time code na 5:40 hanggang 6:50)

Alma 42, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano nagbibigay-daan sa kanila ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo na matanggap ang awang ipinangako sa plano ng Ama sa Langit.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng halimbawa sa mga banal na kasulatan ng isang tao o grupo ng mga tao na nagpakita ng taos-pusong pagsisisi.

  • Mga item na ipapakita: Isang drowing ng timbangan

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference:Maaari mong ipakita ang larawan ng timbangan at lagyan ito ng label sa oras ng presentasyon. Maaari mong gamitin ang “whiteboard” feature o maaari kang gumawa ng presentasyon na magpapakita ng timbangan at pagkatapos ay maglalagay ng mga label nang paisa-isa.