Sa Alma 41:10, nalaman mo na “ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.” Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery passage at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Alma 41:10, maipaliwanag ang doktrina, at masanay na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Isaulo at ipaliwanag
Mag-isip ng isang sitwasyon kung saan makatutulong sa isang tao na malaman ang doktrinang itinuro sa Alma 41:10. Pagkatapos ay ipaliwanag kung paano makatutulong ang doktrina sa sitwasyon.
Pagsasanay ng pagsasabuhay
Basahin ang bawat isa sa tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa Doctrinal Mastery Core Document (2022). Pagkatapos ay itugma ang mga pahayag na A–F sa naaangkop na alituntunin. Bawat alituntunin ay may dalawang pahayag na nauugnay rito.
“Ang Unang Panguluhan at ang Korum ng Labindalawang Apostol—ang mga propeta ng Panginoon sa mundo ngayon—ay isang mahalagang source o pinagmumulan ng katotohanan.”
“Kapag hinahangad natin na pagbutihin ang ating pang-unawa at malutas ang mga problema, mahalagang umasa tayo sa ating patotoo kay Jesucristo.”
“Isinasaalang-alang natin ang [mga tanong] sa konteksto ng plano ng kaligtasan at sa mga turo ng Tagapagligtas.”
“Ang matutong matukoy at maiwasan ang di-mapagkakatiwalaang sources ay maaaring magprotekta sa atin laban sa mga maling impormasyon at mula sa mga naghahangad na sirain ang ating pananampalataya.”
“Hinahangad natin ang tulong ng Espiritu Santo para makita ang mga bagay-bagay tulad sa kung paano nakikita ng Panginoon ang mga ito.”
“Kapag patuloy nating hinahanap ang mga sagot, dapat tayong mamuhay nang may pananampalataya—nagtitiwala na kalaunan ay matatanggap natin ang mga sagot na hinahanap natin.”
Si Carlos, isang miyembro ng Simbahan, ay nahihirapang makita ang kahalagahan ng pagsunod sa mga kautusan ng Diyos. Sinabi niya sa iyo kamakailan, “Marami akong kilalang tao na lumalabag sa mga kautusan at tila maayos naman ang kanilang buhay. Paano mo masasabi na kailangan mong sundin ang mga kautusan upang maging maligaya?” Nakikita mo ang katapatan ng tanong ni Carlos ngunit nadarama mo na kailangan mo ng kaunting panahon para maiayos ang lahat ng iyong naiisip para masagot ang kanyang tanong. Nagkasundo kayong dalawa na pag-uusapan pa ninyo ang kanyang tanong kinabukasan.
Gamitin ang natutuhan at nadama mo habang pinag-aaralan mo ang Alma 41:10 at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang maghandang talakayin ang tanong ni Carlos.
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos
Ang mga banal na kasulatan ay sources na itinalaga ng Diyos na makatutulong sa atin na sagutin ang ating mga tanong. Basahin ang Alma 41:10 at maghanap ng isa pang doctrinal mastery passage na makatutulong sa pagsagot mo.
Isipin ang ilang sources na sasabihin mo kay Carlos na pag-aralan para sa karagdagang impormasyon. Maaari mo ring ipaliwanag kung bakit mapagkakatiwalaan ang isang source tungkol sa mga espirituwal na bagay.
Suriin ang mga konsepto o tanong nang may walang-hanggang pananaw
Ang mga sumusunod na tanong ay makatutulong sa iyo na matukoy ang mga palagay ni Carlos:
Anong mga palagay ang maaaring mayroon siya tungkol sa mga kautusan o kaligayahan?
Anong mga turo ng ebanghelyo ang nauugnay o nagbibigay ng mga sagot sa kanyang tanong?
Ano sa palagay mo ang kailangang malaman ni Carlos tungkol sa Ama sa Langit, sa Kanyang plano, at kung paano Siya makitungo sa Kanyang mga anak?
Kumilos nang may pananampalataya
Si Carlos ay maaaring kumilos nang may pananampalataya sa pamamagitan ng paghahangad na mas maunawaan ang mga kautusan ng Ama sa Langit. Ang pagpiling sundin ang mga kautusan kapag hinangad niyang mas maunawaan ang kahalagahan ng mga ito ay pagkilos din nang may pananampalataya. Pumili ng kahit dalawang kautusan at tukuyin kung paano makatutulong kay Carlos ang pagsunod sa mga ito na makadama ng kaligayahan o kung paano hahantong ang paglabag sa mga ito sa kalungkutan. Maaari mo ring ibahagi kung paano nagdulot sa iyo ng kaligayahan ang pagsunod sa mga kautusang ito.