“Alma 40: Ang Daigdig ng mga Espiritu at Pagkabuhay na Mag-uli,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Alma 40,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Alma 40
Ang Daigdig ng mga Espiritu at Pagkabuhay na Mag-uli
Matapos siyang anyayahan ng kanyang ama na magsisi, may ilang tanong si Corianton tungkol sa plano ng Diyos, kabilang na ang mangyayari sa atin pagkatapos nating mamatay. Sinagot ng kanyang amang si Alma ang kanyang mga tanong at nagpatotoo ito tungkol sa mahalagang tungkulin ni Jesucristo sa plano ng Ama sa Langit. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mapalalim ang iyong pagpapahalaga sa ginawa ng Tagapagligtas para sa iyo at magbibigay sa iyo ng pagkakataong ipaliwanag kung ano ang mangyayari pagkatapos nating mamatay.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga Tanong
Si Sister Reyna I. Aburto, tagapayo sa Relief Society General Presidency, ay nagbahagi ng isang personal na karanasan na naglalarawan ng mga tanong natin tungkol sa mangyayari pagkatapos nating mamatay. Panoorin ang video na “Hindi Nagtagumpay ang Libingan,” matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, mula sa time code na 4:21 hanggang 5:13, o basahin ang sumusunod na pahayag:
Noong ako ay siyam na taong gulang, namatay ang aking kuya dahil sa mapaminsalang lindol. Dahil nangyari ito nang hindi inaasahan, matagal bago ko napagtanto ang realidad ng pangyayari. Nanlumo ako sa lungkot, at tinanong ang aking sarili, “Anong nangyari sa kapatid ko? Nasaan siya? Saan siya pumunta? Makikita ko ba siyang muli?”
Hindi ko pa alam noon ang plano ng kaligtasan ng Diyos, at gusto kong malaman kung saan ako nanggaling, ano ang layunin ng buhay, at ano ang mangyayari sa atin matapos tayong mamatay. Hindi ba’t inaasam nating lahat iyan kapag nawalan tayo ng mahal sa buhay o kapag dumaranas tayo ng mga paghihirap sa ating buhay? (Reyna I. Aburto, “Hindi Nagtagumpay ang Libingan,” Liahona, Mayo 2021, 86)
May alalahanin din ang anak ni Alma na si Corianton tungkol sa kabilang buhay.
Basahin ang Alma 40:1, at alamin kung ano ang ipinag-alala ni Corianton.
-
Sa iyong palagay, bakit kaya siya nag-alala tungkol dito?
Alalahanin na nilabag ni Corianton ang mga kautusan ng Diyos, kabilang na ang batas ng kalinisang-puri. Dahil sa kanyang mga pinili, maaaring nag-alala siya tungkol sa kanyang kalagayan pagkatapos ng buhay na ito. Para matugunan ang mga alalahanin ni Corianton at matulungan siyang magsisi, itinuro sa kanya ni Alma ang doktrina. Ang tugon ni Alma sa mga alalahanin ni Corianton ay makatutulong din sa isang taong may mga tanong na tulad ng kay Sister Aburto.
Kalaunan ay tinuruan si Sister Aburto ng mga missionary na tumulong sa kanya na mahanap ang mga sagot sa kanyang mga tanong. Kunwari ay isa ka sa mga missionary na iyon at naghahanda kang turuan siya. Gamitin ang sumusunod na resources sa paghahanda ng maikling paliwanag para makatulong sa pagsagot sa mga tanong ni Sister Aburto.
ChurchofJesusChrist.org
-
Bakit mahalaga sa iyo ang natutuhan mo tungkol sa daigdig ng mga espiritu at pagkabuhay na mag-uli?
-
Paano nakakaapekto ang kaalamang ito sa nadarama mo para sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?
-
Ano ang ilang tanong mo na nasagot ngayon?
-
Anong mga tanong ang gusto mong patuloy na hanapan ng mga sagot?