“Helaman 1–6: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Helaman 1–6,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Helaman 1–6
Buod
Hindi nagtagal matapos ang pagpanaw nina Kapitan Moroni, Helaman, at ng punong hukom na si Pahoran, naranasan ng mga Nephita ang mga bunga ng labis na alitan. Naalala ng mga anak ni Helaman, sina Nephi at Lehi, kung paano ipinahayag ng kanilang ama na yaong mga nagtayo ng saligan ng kanilang buhay “sa bato na ating Manunubos” (Helaman 5:12) ay magkakaroon ng kapangyarihang labanan ang kasamaan at manatiling tapat. Nang maliliman ng kadiliman ang isang grupo ng masasamang Lamanita, tinuruan silang magsisi at manampalataya kay Jesucristo. Makalipas ang maraming taon, habang pinaiikli ng propetang si Mormon ang kasaysayan ng mga Nephita at itinatala niya ito sa mga laminang ginto, paminsan-minsan ay binibigyang-diin niya ang mahahalagang katotohanan gamit ang mga pahayag na tulad ng “sa gayon nakikita natin.” Ang mga katotohanang binigyang-diin niya ay makatutulong sa atin sa mga hamong kinakaharap natin ngayon.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Helaman 1–4; 6
Paalala: Ang cycle ng kapalaluan sa Aklat ni Mormon ay tinalakay sa outline para sa pag-aaral ng Helaman 1–6 sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Aklat ni Mormon 2024. Sa manwal na ito, ang cycle ng kapalaluan ay bibigyang-diin sa lesson sa Helaman 11–12.
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang mga bunga ng alitan at kung paano makasusumpong ng kapayapaan kay Cristo sa isang mundong puno ng alitan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na ipagdasal ang isang tao o ang isang bagay na pinagmumulan ng alitan sa kanilang buhay.
-
Nilalamang ipapakita: Isang bubble diagram na kokopyahin ng mga estudyante sa kanilang journal
-
Video: “Ang Kapangyarihan ng Espirituwal na Momentum” (17:17; panoorin mula sa time code na 1:38 hanggang 3:31)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaaring ipakita ng mga estudyante ang natapos nilang mga bubble diagram at ang pahayag ng alituntunin na natukoy nila mula sa kanilang pag-aaral. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagkuha ng digital na larawan ng kanilang bubble diagram at pag-share ng kanilang screen, o maaari nilang itapat ang kanilang diagram sa kanilang camera.
Helaman 3; 6
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy ang mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan at masuri kung paano makakaimpluwensya ang mga katotohanang iyon sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng isa o dalawang mahahalagang katotohanan sa kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan o pag-aaral ng mga banal na kasulatan kasama ang pamilya. Sabihin sa kanila na maghandang ipaliwanag kung paano sila nakahanap ng makabuluhang katotohanan sa mga banal na kasulatan.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi sa chat ang iba’t ibang alituntunin na natukoy nila sa Helaman 3 at Helaman 6.
Helaman 5:1–13
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mapaglabanan ang diyablo at maitayo ang kanilang mga saligan kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Helaman 5:12 at markahan ang mga salita o parirala na makabuluhan sa kanila. Maaari mo ring sabihin sa mga estudyante na simulang isaulo ang buong passage.
-
Larawan: Isang larawan ng Salt Lake Temple
-
Mga Video: “Ang Templo at ang Inyong Espirituwal na Pundasyon” (18:59; panoorin mula sa time code na 3:19 hanggang 4:26); “Mga Espirituwal na Buhawi” (2:24)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Habang nagbabahagi ang mga estudyante ng mga paraan para maitayo ang kanilang mga saligan kay Jesucristo, maaari mong gamitin ang whiteboard feature para ilista ang kanilang mga sagot at tulungan silang suriin ang ilan sa mga ito.
Doctrinal Mastery: Helaman 5:12
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Helaman 5:12, maipaliwanag ang doktrinang itinuturo sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na patuloy na magsikap na isaulo ang buong passage ng Helaman 5:12.
-
Video: “Si Cristo ay Nagbangon; Ang Pananampalataya sa Kanya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok” (16:22; panoorin mula sa time code na 8:42 hanggang 9:43)
-
Mga larawan: Larawan ng isang kabataan na nakatayo sa ibabaw ng isang bato
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Maliliit na bato, mga piraso ng papel, pandikit, tape, mga goma, at mga marker
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong ilagay ang mga estudyante sa mga breakout group para talakayin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaari mo silang ilagay sa iba’t ibang grupo para sa bawat alituntunin.
Helaman 5:14–52
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na umasa kay Jesucristo na alisin ang nadaramang takot at kadiliman at palitan ang mga ito ng Kanyang kagalakan, kapayapaan, at liwanag.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paanong si Jesucristo ay katulad ng ilaw (tingnan sa Juan 8:12).
-
Object lesson: Isang flashlight
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para masimulan ang klase, isiping talakayin kung paano nakakaapekto ang maliwanag na ilaw at malamlam na ilaw sa paglabas ng mga estudyante sa camera. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magbukas pa ng mga ilaw para matulungan silang mas makita sa screen.