“3 Nephi 1–7: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“3 Nephi 1–7,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
3 Nephi 1–7
Buod
Hinintay at inabangan ng mga naniniwalang Nephita ang mga palatandaang darating na ipinropesiya ni Samuel, ang Lamanita (tingnan sa Helaman 14), ngunit nagbanta ang mga hindi naniniwala na papatayin sila kung hindi makikita ang mga palatandaan. Nagsumamo ang propetang si Nephi sa Diyos, at nang gabing iyon, natupad ang propesiya. Kalaunan, tinangka ng mga tulisan ni Gadianton na lipulin ang mga Nephita. Gayunpaman, ang mga Nephita ay “nakahanda [na] harapin sila … sa lakas ng Panginoon” (3 Nephi 4:10). Bumalik ang mga Nephita sa kanilang mga tahanan at nagsimulang muling isaayos ang kanilang buhay. Sa pamamagitan ng kapalaluan at pagkakahati, inudyukan ni Satanas ang mga tao na maghimagsik laban sa Diyos. Napakatindi ng mga ibinunga nito kung kaya’t bumagsak ang pamahalaan, at nahati-hati sa mga lipi ang mga tao.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
3 Nephi 1
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na mas magtiwala na tutuparin ng Panginoon ang lahat ng salitang sinasabi Niya sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaaring maghanda ang mga estudyante na magbahagi ng isang halimbawa kung paano o bakit mapapalakas ng pagkakaroon ng pananampalataya kay Jesucristo ang isang tao sa mga walang katiyakan o magulong panahon.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari kang magpakita ng listahan ng mga sitwasyon na maaaring magdulot ng kawalang-katiyakan o takot sa mga tao. Makatutulong ito sa mga estudyante na pagnilayan kung paano sila magkakaroon ng pananampalataya kay Jesucristo sa pagtugon nila sa gayong mga sitwasyon
3 Nephi 2–5
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matanggap ang lakas ng Panginoon sa pamamagitan ng pagiging handa sa espirituwal at temporal.
-
Paghahanda ng estudyante: Hikayatin ang mga estudyante na talakayin sa mga kapamilya o lider ng Simbahan ang mga pagpapalang nagmumula sa pagiging handa sa temporal o espirituwal.
-
Video: “Temporal Preparedness Resources” (3:09)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kapag inanyayahan ang mga estudyante na ilista ang mga paghahanda ng mga Nephita at pagkatapos ay ilista ang mga pagkakatulad ng mga ito sa panahon ngayon, maaari mong gamitin ang whiteboard feature para maibahagi nila ang kanilang mga sagot.
3 Nephi 6–7
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang epekto ng kapalaluan at kung paano daigin ang kapalaluan sa pamamagitan ng pagsunod sa Tagapagligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na manalangin at hilingin sa Ama sa Langit na tulungan silang matukoy ang mga espirituwal na pahiwatig habang nag-aaral sila ng mga banal na kasulatan.
-
Object lesson: Mga popcorn kernel, ilang lutong popcorn, at isang mangkok ng tubig
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para sa sitwasyon tungkol kay Jim, maaari mong paghiwa-hiwalayin ang mga estudyante sa mga breakout room na may dalawa o tatlong estudyante upang talakayin ang mga tanong. Tiyaking bigyan sila ng malinaw na mga tagubilin bago magsimula, kabilang ang haba ng oras na ibibigay sa kanila para sa kanilang talakayan.
I-assess ang Iyong Pagkatuto 7
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maalala at masuri kung paano nakatulong sa kanila ang pag-aaral nila ng Alma 53–3 Nephi 7 na espirituwal na umunlad.
-
Paghahanda ng estudyante: Hikayatin ang mga estudyante na rebyuhin ang kanilang natutuhan sa mga nakalipas na linggo at pumasok sa klase na handang magbahagi ng idurugtong nila sa sumusunod na pahayag: “Ang isang aral mula sa Alma 53–3 Nephi 7 na sa palagay ko ay mahalagang matandaan at maalala ko ay … dahil …”
-
Mga larawan: Nananalangin si Nephi sa tore; Si Samuel, ang Lamanita, sa ibabaw ng pader
-
Nilalamang ipapakita: Isang diagram ng cycle ng kapalaluan; mga drowing na si Lehonti sa bundok, isang lunsod na napapalibutan ng pader, at isang tahanan na nakatayo sa pundasyon
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room upang ipaliwanag ang tungkulin ng mga propeta. Maaaring gamitin ng mga estudyante ang chat feature upang ibahagi ang ginawa nila para maitayo ang kanilang espirituwal na pundasyon o saligan kay Jesucristo.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 19
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maipamuhay ang mga katotohanan sa mga doctrinal mastery passage mula sa pangalawang bahagi ng Aklat ni Mormon.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isa o dalawang doctrinal mastery passage at isaulo ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.
-
Mga Handout: “Pagkakaroon ng Espirituwal na Momentum sa pamamagitan ng Doctrinal Mastery”; “Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni”
-
Video: Ang Kapangyarihan ng Espirituwal na Momentum (17:17; panoorin mula sa time code na 5:11 hanggang 5:55)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong gamitin ang whiteboard function para idrowing ang larawan mula sa handout na “Pagkakaroon ng Espirituwal na Momentum sa pamamagitan ng Doctrinal Mastery.” Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang doctrinal mastery passage na sumusuporta sa isa sa tatlong aspeto ng pagkakaroon ng espirituwal na momentum. Hikayatin ang mga estudyante na ibahagi kung paano nakaimpluwensya sa kanila ang pinili nilang passage.