Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 19: Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 19: Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 19,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 19

Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage

mga dalagitang nag-aaral ng mga banal na kasulatan nang magkasama

Ang matutuhang ipamuhay ang mga salita ng Panginoon sa mga banal na kasulatan ay magpapala sa iyo sa maraming paraan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maipamuhay ang mga katotohanan sa mga doctrinal mastery passage mula sa pangalawang bahagi ng Aklat ni Mormon.

Pagsasanay na ipamuhay ang mga doctrinal mastery passage. Magbigay ng iba’t ibang pagkakataon para maipaliwanag at maipamuhay ng mga estudyante ang natutuhan nila mula sa mga doctrinal mastery passage. Tulungan ang mga estudyante na matuklasan ang personal na kaugnayan sa mga scripture passage at hikayatin silang ipamuhay ang mga itinurong alituntunin.

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isa o dalawang doctrinal mastery passage at isaulo ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailangang ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Momentum

dalagita na masayang nagbibisikleta

Upang simulan ang klase, pag-isipang anyayahan ang isang estudyante na magpagulong ng bola o laruang kotse sa harap ng klase. Maaari kang gumawa ng isang dalisdis kung saan maaaring gumulong pababa ang bola para mailarawan ang tumaas na momentum.

Ipagpalagay na pinagulong o sinipa mo ang isang bola. Ano ang maaaring makaimpluwensya kung gaano kalayo o kabilis gugulong ang bola?

Ang momentum ay isang paraan para ilarawan ang lakas o puwersa ng isang gumagalaw na bagay. Halimbawa, gagalaw ang isang bisikleta kapag pinaandar ito ng nakasakay, at nagpapatuloy ang momentum nito habang pinapanatili ng nagbibisikleta ang balanse at patuloy siyang pumapadyak. Nagkakaroon ng momentum ang bisikleta kapag bumibilis ang pagpadyak ng nagbibisikleta o kung pababa ang daan

  • Ano ang ilan pang halimbawa ng positibong momentum?

Maaari mong i-display ang sumusunod na pahayag. Maaaring makatulong na markahan ang mahahalagang salita at parirala habang tinatalakay ng mga estudyante ang mga sumusunod na tanong.

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

17:18

Higit kailanman, ngayon natin kailangan ang positibong espirituwal na momentum, para malabanan ang bilis ng pagtindi ng kasamaan at kadiliman ngayon. Ang positibong espirituwal na momentum ang tutulong atin na patuloy na sumulong sa kabila ng pangamba at kawalang-katiyakan na likha ng mga pandemya, tsunami, pagputok ng bulkan, at [digmaan]. Ang espirituwal na momentum ay makatutulong sa atin na mapaglabanan ang walang-tigil at masasamang pagsalakay ng kaaway at labanan ang kanyang mga pagsisikap na sirain ang ating espirituwal na pundasyon. (Russell M. Nelson, “Ang Kapangyarihan ng Espirituwal na Momentum,” Liahona, Mayo 2022, 98)

  • Paano mo ilalarawan kung ano ang espirituwal na momentum at kung bakit natin ito kailangan?

    Maaaring makatulong para sa mga estudyante na isulat ang kanilang mga naiisip tungkol sa mga sumusunod na tanong sa self-assessment. Sa pahiwatig ng Espiritu, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga ideya.

  • Sa iyong palagay, sa anong mga aspeto ng iyong buhay mo kinakailangan ang higit pang espirituwal na momentum? Anong mga kapakinabangan ang inaasahan mong matanggap?

Pagdaragdag ng espirituwal na momentum

Ang mga doctrinal mastery scripture passage ay nagtuturo ng totoong doktrina na tumutulong sa atin na matuto tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Kapag sinusunod natin Siya nang may pananampalataya, makagagawa at makapagdaragdag tayo ng espirituwal na momentum sa ating buhay.

icon ng handout Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras upang makumpleto ang sumusunod na aktibidad. Maaari mong payagan ang mga estudyanteng may pangangailangan sa pag-aaral na makipagtulungan sa isang kapartner. Maaari kang gumawa ng mga kopya ng inilaang handout para magamit ng mga estudyante sa aktibidad.

Kung pipiliin mong hindi gamitin ang handout, maaari mong idrowing sa pisara ang sumusunod na larawan.

Pagkakaroon ng Espirituwal na Momentum sa pamamagitan ng Doctrinal Mastery

Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)—“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 19: Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage”

drowing ng isang taong nakasakay sa bisikleta sa isang daan na may mga balakid at burol

Ipagpalagay na ikaw ang nagbibisikleta, at kinakatawan ng daan ang iyong buhay. Maaari mong mapansin na patag ang unang bahagi ng iyong daan, ngunit pagkatapos ay mahaharap ka sa mga balakid at dalisdis na nangangailangan ng mas malaking pagsisikap upang malampasan ang mga ito. Isipin ang espirituwal na momentum na kinakailangan mo upang matagumpay na makasulong sa buhay at malampasan ang mga balakid at hamon na maaari mong maranasan.

Pag-aralan ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng doctrinal mastery na natututuhan mo, at maghanap ng mga passage na may kaugnayan sa iyong personal na paglalakbay. Sa tabi ng mga katugmang numero sa iyong drowing, isulat ang reperensya sa isang doctrinal mastery passage na nakatulong o maaaring makatulong sa iyo:

  1. Panatilihin ang espirituwal na momentum at progreso sa araw-araw.

  2. Iwasan o daigin ang isang balakid nang may pananalig at kumilos ayon sa katotohanang itinuturo ng passage.

  3. Humugot ng lakas sa Tagapagligtas at kumilos upang makamit ang iyong mga espirituwal na mithiin.

Para sa bawat doctrinal mastery passage na pinili at isinama mo sa iyong drowing, isulat ang mga naiisip mo tungkol sa kahit isa sa mga sumusunod na ideya:

  • Isang karanasan kung kailan nadama mo ang katotohanan at kahalagahan ng doctrinal mastery passage.

  • Paano mo mas maipamumuhay ang doktrina o alituntunin ng passage.

  • Sa palagay mo, bakit pagpapalain ka ng kapangyarihan ng Tagapagligtas at madaragdagan ang iyong espirituwal na momentum dahil sa passage na ito.

  • Paano pinag-iibayo ng doktrina ang iyong pagmamahal sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Upang matulungan ang mga estudyante na magkaroon ng kumpiyansa na gumawa nang mag-isa, maaari mo silang bigyan ng halimbawa sa pamamagitan ng pagsusulat ng scripture reference sa tabi ng angkop na numero at pagtalakay sa mga estudyante kung paano maipamumuhay ang scripture passage sa aspetong iyon.

Maaari mong i-display o ibigay sa mga estudyante ng sumusunod na chart bilang resource habang patuloy nilang pinag-aaralan ang lesson na ito.

Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

Kapag tapos na ang mga estudyante, maaari mo silang anyayahang ibahagi ang mga passage na lubos na nakaimpluwensya sa kanila. Makinig nang mabuti at magbigay ng mga follow-up na tanong upang matulungan ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pagpapahalaga sa kung paano sila matutulungan ng Panginoon na maragdagan ang kanilang espirituwal na momentum. Hikayatin silang ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa Panginoon at kung paano sila nagiging higit na katulad Niya.