Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto 7: Alma 53–3 Nephi 7


“I-assess ang Iyong Pagkatuto 7: Alma 53–3 Nephi 7,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“I-assess ang Iyong Pagkatuto 7,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

I-assess ang Iyong Pagkatuto 7

Alma 533 Nephi 7

binatilyong nagninilay-nilay habang pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan

Ang pagninilay at pagsusuri ng iyong espirituwal na natutuhan ay makatutulong sa iyo na mas mapalapit sa Tagapagligtas. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maalala at masuri kung paano nakatulong sa iyo ang pag-aaral mo ng Alma 533 Nephi 7 na espirituwal na umunlad.

Sabihin sa mga estudyante na palaging i-assess ang kanilang pagkatuto. Sa pamamagitan ng regular na pagninilay tungkol sa kanilang natututuhan at pag-unlad, mas masusuri nang mabuti ng mga estudyante kung paano nila ipinapamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo. Magbigay ng mga pagkakataon para maunawaan at madama ng mga estudyante ang kahalagahan ng mga pagbabagong magagawa ng ebanghelyo ni Jesucristo sa kanilang buhay.

Paghahanda ng estudyante: Hikayatin ang mga estudyante na rebyuhin ang kanilang natutuhan sa mga nakalipas na linggo at pumasok sa klase na handang magbahagi ng idurugtong nila sa sumusunod na pahayag: “Ang isang aral mula sa Alma 533 Nephi 7 na sa palagay ko ay mahalagang matandaan at maalala ko ay … dahil …”

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Sa lesson na ito, magkakaroon ang mga estudyante ng mga pagkakataong ipaliwanag ang tungkulin ng mga propeta, suriin ang kanilang mga pag-uugali at hangarin, at pag-isipan ang mga planong ginawa nila para maipamuhay ang mga turo ng ebanghelyo. Ang pag-aaral ng iyong klase ng Alma 533 Nephi 7 ay maaaring nakapagbigay-diin sa mga katotohanan maliban pa sa mga katotohanan sa mga sumusunod na aktibidad. Kung gayon, maaari mong iangkop ang mga aktibidad para maisama ang mga katotohanang iyon.

Ang kahalagahan ng pag-alala

Ang bahaging ito ng lesson ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng pag-alala sa mahahalagang aral na natutuhan nila habang pinag-aaralan ang Alma 533 Nephi 7. Maaaring magandang pagkakataon ito upang ipabahagi sa mga estudyante ang kanilang mga sagot mula sa aktibidad sa paghahanda.

Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball na maaaring ang pinakamalahagang salita sa diksyunaryo ay ang alalahanin. (Tingnan sa “Circles of Exaltation” [mensahe sa Church Educational System religious educators, Hunyo 28, 1968], 5.)

  • Sa iyong palagay, bakit ganoon ang sinabi ni Pangulong Kimball tungkol sa salitang alalahanin?

  • Ano ang ilang aral na natutuhan mo mula sa Alma 533 Nephi 7 na mahalagang matandaan mo? Bakit?

Maaalala mo na hinikayat ni Helaman ang kanyang mga anak na sina Nephi at Lehi na pakatandaan ang mahahalagang aral at tao (tingnan sa Helaman 5:4–14). Gayundin, ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang matandaan ang mga katotohanang natutuhan mo at ang mga ipinangako mo sa mga nakaraang linggo.

Ipaliwanag ang tungkulin ng mga propeta

Sa bahaging ito ng lesson, sasabihin mo sa mga estudyante na ipaliwanag ang tungkulin ng mga propeta gamit ang mga salaysay ni Nephi (Helaman 7–11) o ni Samuel, ang Lamanita (Helaman 13–16). Maaari mong pagpartner-partnerin ang mga estudyante at hayaang pumili ang bawat kapartner ng ibang propeta para isadula ang sitwasyon sa ibaba o iba pang sitwasyon na pipiliin mo.

Ipagpalagay na nabigyang-inspirasyon kang anyayahan ang isang kaibigan na samahan kang panoorin ang pangkalahatang kumperensya. Habang mapanalangin kang naghahandang kumilos ayon sa pahiwatig na ito, nagpasiya kang ipaliwanag sa iyong kaibigan kung ano ang propeta at kung bakit nasasabik kang makinig sa kanya. Naaalala mo na nalaman mo ang tungkol sa ilang dakilang propeta sa Aklat ni Mormon na makatutulong sa iyo na ipaliwanag ang tungkulin ng isang propeta sa iyong kaibigan.

nagdarasal si Nephi sa kanyang tore sa halamanan
Si Samuel, ang Lamanita, sa pader

Maaaring tingnan ng mga estudyante ang mga entry sa journal sa ilalim ng “Mga katotohanan tungkol sa mga propeta ng Panginoon” mula sa lesson na “Helaman 7–10.”

Piliin ang salaysay ni Nephi (Helaman 7–11) o ni Samuel, ang Lamanita (Helaman 13–15). Rebyuhin ang kanilang mga kuwento sa mga nauugnay na kabanata sa pamamagitan ng mabilis na pagbabasa sa mga talata at pagtingin sa mga heading ng kabanata o sa mga tala na maaaring isinulat mo sa iyong study journal.

  • Paano mo magagamit ang kuwentong ito para ipaliwanag ang tungkulin ng mga propeta sa iyong kaibigan?

  • Anong mga talata mula sa mga banal na kasulatan ang maaari mong isama bilang bahagi ng iyong paliwanag?

    Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa pagtukoy ng mga banal na kasulatan, maaari mo silang ituro sa mga talatang tulad ng Helaman 7:29; 8:22–23; 10:4–7; 11:23; 13:5; at 14:11–12.

  • Ano ang ilang karagdagang katotohanan o personal na karanasan na maibabahagi mo para matulungan ang kaibigan mo na maunawaan ang kahalagahan ng mga propeta?

Kapag natapos na ng mga estudyante ang pag-aaral nila tungkol sa mga propeta, maaari mo silang anyayahang isadula ang sitwasyon sa itaas gamit ang natutuhan nila.

Suriin ang iyong pag-uugali at mga hangarin

Ang aktibidad na ito ay makatutulong sa mga estudyante na masuri ang kanilang mga pag-uugali at hangarin na mapagkumbabang ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo. Maaari mong ipadrowing sa isang boluntaryo ang cycle ng kapalaluan sa pisara nang walang kopya. Maaari mong hikayatin ang mga kaklase na tumulong kung kinakailangan.

diagram ng cycle ng kapalaluan

Habang tinitingnan mo ang diagram na ito, maaaring naaalala mo ang katibayan ng cycle ng kapalaluan sa buong Helaman 1–16 at 3 Nephi 1–7. Maaari mo ring matukoy ang mga halimbawang nakita mo sa sarili mong buhay o sa mundong nakapaligid sa iyo.

Gamitin ang anumang pag-aangkop na maaaring ginawa mo sa bahagi ng self-assessment ng “lesson na Helaman 11–12” para makumpleto ang sumusunod na aktibidad.

Nang pag-aralan mo ang Helaman 11–12, maaaring nasuri mo na ang iyong mga pagsisikap na magpakumbaba. Maaaring nagsulat ka rin ng pangako sa iyong study journal na mas magpakumbaba at daigin ang kapalaluan. Rebyuhin ang isinulat mo at pag-isipan ang nagawa mo sa pagtupad mo sa pangakong iyon. Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong, at isulat ang mga sagot mo sa iyong study journal.

Dahil personal ang aktibidad na ito, dapat malaman ng mga estudyante na hindi nila ibabahagi ang kanilang mga sagot.

  • Ano ang nagawa mo nitong mga nakaraang linggo para alalahanin ang Panginoon at ang lahat ng ginawa Niya para sa iyo? Sa palagay mo, paano nakatulong sa iyo ang pag-alala sa Panginoon para manatili kang mapagpakumbaba?

  • Mayroon bang anumang pagbabago na gusto mong gawin para matulungan kang maalala ang Panginoon araw-araw at mas maging mapagkumbaba?

Pagnilayan ang iyong mga plano para maitayo ang iyong saligan kay Jesucristo

Ang bahaging ito ng lesson ay makatutulong sa mga estudyante na pagnilayan ang mga planong ginawa nila upang maitayo ang kanilang mga saligan kay Jesucristo at mapaglabanan ang mga tukso ng diyablo.

Sa nakaraang mga lesson, napag-aralan mo ang maraming salaysay tungkol sa mga taong nadaig ang pagtuligsa sa kanilang buhay, relihiyon, at mga patotoo tungkol kay Jesucristo. Habang nag-aaral ka, maaaring gumawa ka ng mga pangako para matulungan kang magtayo ng mas matibay na saligan kay Jesucristo upang makayanan ang mga pag-atake ni Satanas.

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan at ibahagi ang mga salaysay na napag-aralan nila na nakatulong na mapatibay ang kanilang saligan kay Jesucristo at madaig ang mga pag-atake ni Satanas. Kung kailangan nila ng tulong sa pagtukoy ng mga halimbawa, maaari mong i-display ang mga sumusunod na larawan na may mga kalakip na reperensya. Maaari mong hatiin ang klase sa tatlong grupo at anyayahan ang bawat grupo na magrebyu ng ibang salaysay at ibahagi sa klase ang natutuhan nila.

Lehonti at Amalikeo

Lehonti at Amalikeo (Alma 47:10–18)

lunsod na napalilibutan ng pader na may malalim na kanal

Nagtatayo si Kapitan Moroni ng mga muog (Alma 50:1–6)

bahay na nakatayo sa ibabaw ng isang saligan

Ang payo ni Helaman sa kanyang mga anak (Helaman 5:12)

  • Ano ang ilang aral na matututuhan natin mula sa mga salaysay na ito na makatutulong sa atin na mapaglabanan ang tukso?

Ipaliwanag sa mga estudyante na aanyayahan silang i-assess at suriin ang mga mithiing ginawa nila upang maitayo ang kanilang mga saligan kay Jesucristo. Pagkatapos ay tatalakayin nila ang ilan sa kanilang mga karanasan at obserbasyon bilang klase.

Maaari kang magdala ng mga building block, plastic cup, o iba pang item sa klase na magagamit ng mga estudyante sa pagtatayo ng saligan. Bigyan ang bawat estudyante ng isa sa mga item sa pagtatayo, at sabihin sa kanila na pag-isipan ang mga tanong sa ibaba at suriin ang kanilang progreso. Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa bawat estudyante na ibahagi ang anumang sagot na kumportable silang ibahagi. Habang nagbabahagi sila, maaari nilang idagdag ang kanilang item sa istruktura ng klase, upang sa huli ay makapagtayo ng matibay na saligan. Kung walang available na bagay para sa pagtatayo, maaari mong anyayahan ang bawat estudyante na magdrowing ng isang ladrilyo o brick sa pisara habang nagbabahagi sila, na dinadagdagan ang mga idinrowing ng iba pang estudyante upang makagawa ng matibay na saligan. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na masusuportahan nila ang isa’t isa habang pinagsisikapan nilang itayo ang kanilang mga saligan kay Jesucristo.

Pagnilayan ang mga mithiing ginawa mo kamakailan para maitayo ang iyong saligan kay Jesucristo.

  • Anong mga tagumpay ang naranasan mo dahil sa mga pagsisikap mong itayo ang saligan mo kay Jesucristo?

  • Anong mga balakid ang nakita mo sa pagtatayo ng matibay na saligan? Paano mo pinagsikapang madaig ang mga ito?

  • Paano ka napagpala sa pagsisikap na itayo ang iyong saligan kay Jesucristo? Ano ang kaibhang nagawa nito para sa iyo?

Basahing muli ang Helaman 5:12, at mapanalanging pag-isipan kung may anumang bagay na dapat mong simulan, itigil, o ipagpatuloy na gawin para makapagpatayo ng mas matibay na saligan kay Jesucristo. Kung sa palagay mo ay kailangan mong baguhin ang anumang mithiing ginawa mo, maaari mong isulat ang mga ito sa iyong study journal o sa ibang lugar kung saan regular mong mapag-iisipan ang mga ito.