“Lesson 11: 1 Nephi 7,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher (2019)
“Lesson 11: 1 Nephi 7,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher
Mga Video ng Aklat ni Mormon
Lesson 11: 1 Nephi 7
Pag-isipan nang may panalangin kung paano makakatulong ang Mga Video ng Aklat ni Mormon sa iyong mga estudyante na matukoy, maunawaan, madama ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina at alituntuning itinuro sa Aklat ni Mormon, at maipamuhay ang mga ito.
“Inanyayahan ng mga Anak ni Lehi ang Pamilya ni Ismael na Sumama sa Kanila” (4:40)
Paggamit sa Video na Ito
Sundin ang lesson hanggang sa bahagi na nagsasabing:
“Ano ang ipinagawa ng Panginoon sa mga anak ni Lehi?”
Pagkatapos masagot ng mga estudyante ang tanong, maaari mong ipalabas ang video na ito at anyayahan ang klase na panoorin kung paano tinulungan ng Panginoon si Nephi at ang kanyang kapatid na masunod ang utos na mag-asawa at magpalaki ng mga anak sa Kanya. Pagkatapos ng video, sabihin sa mga estudyante na hanapin at markahan ang mga parirala sa 1 Nephi 7–2 na naglalarawan kung paano tinulungan ng Panginoon si Nephi at ang kanyang mga kapatid na sumusunod sa utos na magpakasal at magpalaki ng mga anak. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang minarkahan nila.
“Iniligtas ng Panginoon si Nephi mula sa Kanyang mga Suwail na Kapatid” (6:55)
Paggamit sa Video na Ito
Maaari mong ipalabas ang video na ito kapag nasa bahagi na kayo ng lesson na nagsasabing:
“Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang 1 Nephi 18:11. Sabihin sa klase na kunwari ay nasa sitwasyon sila ni Nephi.”
Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na reperensya sa banal na kasulatan at tanong mula sa lesson bago ipalabas ang video na ito. Sabihin sa mga estudyante na panoorin ang video na hinahanap ang mga sagot sa mga tanong:
“Ano ang madarama ninyo kung kayo ang nasa sitwasyon ni Nephi? Ano ang gagawin ninyo?”
Ano ang ipinagdasal ni Nephi? Ano ang nakita ninyong mahalaga sa kanyang panalangin?”
Matapos ipalabas ang video, hikayatin ang mga estudyante na markahan ang mga parirala mula sa mga talata na tumutulong na masagot ang mga tanong. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang minarkahan nila. Pagkatapos ay ituloy ang pagtuturo sa natitirang bahagi ng lesson na nakasaad sa materyal ng titser.