Seminaries and Institutes
Lesson 27: 2 Nephi 5


“Lesson 27: 2 Nephi 5,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher (2019)

“Lesson 27: 2 Nephi 5,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher

Mga Video ng Aklat ni Mormon

Lesson 27: 2 Nephi 5

Pag-isipan nang may panalangin kung paano makakatulong ang Mga Video ng Aklat ni Mormon sa iyong mga estudyante na matukoy, maunawaan, madama ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina at alituntuning itinuro sa Aklat ni Mormon, at maipamuhay ang mga ito.

Namuhay ang mga Nephita nang Maligaya” (3:01)

Paggamit sa Video na Ito

Maaari mong ipalabas ang video kapag nasa bahagi na kayo ng lesson na nagsasabing:

“Basahin ninyo ng buong klase ang 2 Nephi 5:27 nang malakas. Maaari mong imungkahi sa mga estudyante na markahan ang talatang ito. Isulat sa pisara ang salitang maligaya.

  • Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng ‘namuhay nang maligaya’?”

Ipalabas muna ang video, na sa una pa lang ay sinabi na sa mga estudyante na alamin ang mga elemento ng tunay na maligayang lipunan at buhay. Anyayahan ang mga estudyante na isulat sa pisara ang mga nahanap nila. Pagkatapos ay hikayatin silang pag-aralang muli ang 2 Nephi 5:6, 10–18, at 26–27, at markahan ang kaugnay na mga pariralang makikita nila sa kanilang mga banal na kasulatan. Pagkatapos ay ipagpatuloy na ang lesson ng titser.