“Lesson 17: 1 Nephi 16,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher (2019)
“Lesson 17: 1 Nephi 16,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher
Mga Video ng Aklat ni Mormon
Lesson 17: 1 Nephi 16
Pag-isipan nang may panalangin kung paano makakatulong ang Mga Video ng Aklat ni Mormon sa iyong mga estudyante na matukoy, maunawaan, madama ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina at alituntuning itinuro sa Aklat ni Mormon, at maipamuhay ang mga ito.
“Naglaan ang Panginoon ng Liahona” (3:02)
Paggamit sa Video na Ito
Maaari mong ipalabas ang video na ito pagdating mo sa bahagi ng lesson na nagsasabing:
“Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang 1 Nephi 16:9-10. Idispley ang larawang Ang Liahona (62041; Aklat ng Sining ng Ebanghelyo [2009], blg. 68). Ipaliwanag kung paano inilarawan ng pintor ang Liahona.
-
Sa inyong palagay, paano nakatulong ang ganitong kaloob kay Lehi at sa kanyang pamilya sa kanilang mga kalagayan?
“Anyayahan ang ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng 1 Nephi 16:16–19.
-
Paano nakatulong ang Liahona sa pamilya ni Lehi?
-
Pagkatapos matanggap ng pamilya ni Lehi ang Liahona, naging madali o mahirap ba ang paglalakbay nila? Ano ang sinabi ni Nephi sa 1 Nephi 16:17–19 na susuporta sa inyong sagot?”
Sa halip na basahin ang mga talata at idispley ang mga larawan, maaari mong ipalabas ang video na ito, anyayahan ang mga estudyante na alamin ang sagot sa mga tanong sa bahaging ito ng lesson. Maaari mong ipakita ang mga tanong at mga talata nang mas maaga. Pagkatapos ipalabas ang video, anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang mga isinagot nila sa mga tanong. Hikayatin ang mga estudyante na markahan sa kanilang mga banal na kasulatan ang mga makabuluhang pariralang makikita nila sa mga binanggit na talata. Pagkatapos ay ipagpatuloy na ang lesson.
“Nabali ni Nephi ang Kanyang Busog” (4:46)
Ipakita lamang ang 2:22 ng buong 4:46 na video.
Paggamit sa Video na Ito
Maaari mong ipalabas ang video na ito pagdating mo sa bahagi ng lesson na nagsasabing:
“Anyayahan sa kalahati ng klase na basahin nang tahimik ang 1 Nephi 16:20–22, at alamin ang naging reaksyon ng ilan sa pamilya ni Lehi nang mabali ang busog ni Nephi. Anyayahan ang natitirang kalahati ng klase na basahing mabuti ang 1 Nephi 16:23–25, 30–32, at alamin ang itinugon at ginawa ni Nephi sa pagsubok na ito at paano ito nakaapekto sa kanyang pamilya. Matapos maibahagi ng bawat grupo ang nalaman nila, itanong:
-
Ano ang matututuhan natin kapag pinaghambing natin ang dalawang tugon o reaksyong ito sa parehong pagsubok?
-
Bakit mahalaga na nagtanong si Nephi sa kanyang ama kung saan mangangaso, kahit bumulung-bulong o nagreklamo si Lehi?”
Sa halip na basahin ang mga talata, maaari mong ipalabas ang video na ito, anyayahan ang mga estudyante na alamin ang sagot sa mga tanong sa bahaging ito ng lesson. Maaari mong ipakita ang mga tanong at mga talata nang mas maaga. Pagkatapos ng video, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot sa mga tanong at hikayatin silang rebyuhin ang mga talatang nakalista, markahan ang mga kaugnay na mga kataga kapag nakita nila ito sa kanilang mga banal na kasulatan. Pagkatapos ay ipagpatuloy na ang lesson.