Seminaries and Institutes
Lesson 7: 1 Nephi 2


“Lesson 7: 1 Nephi 2,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher (2019)

“Lesson 7: 1 Nephi 2,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher

Mga Video ng Aklat ni Mormon

Lesson 7: 1 Nephi 2

Pag-isipan nang may panalangin kung paano makakatulong ang Mga Video ng Aklat ni Mormon sa iyong mga estudyante na matukoy, maunawaan, madama ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina at alituntuning itinuro sa Aklat ni Mormon, at maipamuhay ang mga ito.

Lumisan ang Pamilya ni Lehi patungo sa ilang” (3:47)

Paggamit sa Video na Ito

Ang unang bahagi ng video na ito (mula sa timecode 00:00 hanggang 02:31) ay magagamit upang matulungan ang mga estudyante na talakayin ang tanong na ito sa aralin:

“Ano ang matututuhan ninyo sa desisyon ni Lehi tungkol sa kung ano mga dapat dalhin at ano ang mga iiwan?”

Ang pangalawang bahagi ng video na ito (mula sa timecode 02:32 hanggang sa 03:47) ay magagamit upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mga komentaryo at pinagmulang impormasyon:

“Maaaring isinama ni Lehi ang kanyang pamilya patungong Dagat na Pula malapit sa Golpo ng Aqaba, mga 180 milya (290 kilometro) mula sa Jerusalem. Kailangan nilang dumaan sa isang mainit at tigang na lupain na kilalang pinamumugaran ng mga tulisan na nag-aabang na mandambong sa mga manlalakbay. Pagkatapos makarating sa Dagat na Pula, naglakbay pa nang tatlong araw ang pamilya bago tumigil sa lambak sa tabi ng isang ilog. Ang paglalakbay mula sa Jerusalem patungo sa lambak ay maaaring tumagal nang mga 14 na araw. Maaari mong ipaalala sa iyong mga estudyante ang mga distansya at panahong ito kapag binasa na nila ang tungkol sa paglalakbay nina Nephi at ng kanyang mga kapatid pabalik sa Jerusalem.”

Maaari mong ipalabas ang video matapos ibigay ang pinagmulang impormasyon.

Nanalangin si Nephi para kina Laman at Lemuel” (6:02)

Paggamit sa Video na Ito

Maaari mong ipalabas ang video kapag nasa bahagi na kayo ng lesson na nagsasabing:

“Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang 1 Nephi 2:11–14.”

Isiping ipakita ang mga tanong na ito mula sa lesson at sabihin sa mga estudyante na alamin ang mga posibleng sagot sa mga ito habang pinanonood nila ang video.

“Ano ang ilang dahilan kung bakit bumulung-bulong sina Laman at Lemuel laban sa kanilang ama?

“Sa 1 Nephi 2:11, ang katigasan ng leeg ay tumutukoy sa kapalaluan o katigasan ng ulo. Bakit ang kapalaluan ay humahantong kung minsan sa pagbulung-bulong o pagrereklamo ng mga tao?

“Sa inyong palagay, bakit may pagbulung-bulong o pagrereklamo kung minsan kapag hindi nauunawaan ng mga tao ang mga layunin at gawain ng Diyos?”

Matapos panoorin ng mga estudyante ang video, anyayahan silang markahan sa kanilang mga banal na kasulatan ang mga parirala mula sa mga talata na sumusuporta sa kanilang mga sagot. Pagkatapos ay ipagpatuloy ang lesson tulad nang nakasaad sa manwal.