Seminaries and Institutes
Lesson 12: 1 Nephi 8


“Lesson 12: 1 Nephi 8,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher (2019)

“Lesson 12: 1 Nephi 8,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher

Mga Video ng Aklat ni Mormon

Lesson 12: 1 Nephi 8

Pag-isipan nang may panalangin kung paano makakatulong ang Mga Video ng Aklat ni Mormon sa iyong mga estudyante na matukoy, maunawaan, madama ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina at alituntuning itinuro sa Aklat ni Mormon, at maipamuhay ang mga ito.

Nakita ni Lehi ang Punungkahoy ng buhay” (4:32)

Paggamit sa Video na Ito

Ituro ang lesson hanggang nasa bahagi na kayo na nagsasabing:

“Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng 1 Nephi 8:5–12.”

Sa halip na basahin ang mga talatang ito, anyayahan ang mga estudyante na panoorin ang video na ito at pagkatapos ay talakayin nang may kapartner ang mga sagot sa mga sumunod na tanong sa lesson. Maaari mong ipakita ang mga tanong bago ipalabas ang video na ito. Anyayahan ang mga estudyante na markahan ang mga salita o parirala sa mga talata 5–12 na sumusuporta sa kanilang mga sagot.

Nakakita si Lehi ng Gabay na Bakal at ng mga Taong Nagsilayo” (3:30)

Paggamit sa Video na Ito

Maaari mong ipalabas ang video na ito sa halip na magpakita ng larawan gaya ng nakasaad sa lesson kung saan sinasabi nito:

“Idispley ang larawang Panaginip ni Lehi (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo [2009], blg. 69), at ituro ang mga simbolo na natalakay na ng mga estudyante: ang punungkahoy at ang bunga. Ipaliwanag na sa pangitaing ito, gumamit din ang Panginoon ng iba pang mga simbolo para ituro kay Lehi kung paano lumapit kay Jesucristo at tanggapin ang mga pagpapala ng Kanyang Pagbabayad-sala. Itanong sa mga estudyante kung ano pang mga simbolo ang nakikita nila sa larawan.”

Ipagpatuloy ang lesson tulad ng nakasulat sa materyal ng titser.

Mga Karagdagang Video

Kapag natapos mo nang ituro ang natitira bang bahagi ng lesson na nakasulat sa materyal ng titser, kung may oras pa, maaari mong ipalabas ang mga natitirang video na ito na nagpapakita ng pangitain ni Lehi tungkol sa punungkahoy ng buhay. Kung walang sapat na oras, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na panoorin na lang ito nang sila na lamang kalaunan.

  • Inanyayahan ni Lehi ang Kanyang Pamilya na Kumain ng Bunga ng Punungkahoy” (3:23)

  • Ang Matatapat ay Kumain ng Bunga ng Punungkahoy” (3:28)