Seminaries and Institutes
Lesson 9: 1 Nephi 5


“Lesson 9: 1 Nephi 5,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher (2019)

“Lesson 9: 1 Nephi 5,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher

Mga Video ng Aklat ni Mormon

Lesson 9: 1 Nephi 5

Pag-isipan nang may panalangin kung paano makakatulong ang Mga Video ng Aklat ni Mormon sa iyong mga estudyante na matukoy, maunawaan, madama ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina at alituntuning itinuro sa Aklat ni Mormon, at maipamuhay ang mga ito.

Nagalak si Saria sa Pagbabalik ng Kanyang mga Anak” (4:05)

Paggamit sa Video na Ito

Sabi ng lesson:

“Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang 1 Nephi 5:1–3. Sabihin sa klase na alamin ang mga dahilan kung bakit nagsimulang dumaing o magreklamo si Saria.”

Sa halip na gawin ang mga aktibidad sa pagkatuto, sabihin sa mga estudyante na alamin ang mga dahilan kung bakit dumaing si Saria kay Lehi habang pinanonood nila ang video na ito. Matapos matukoy ng mga estudyante ang mga dahilan kung bakit, hikayatin silang hanapin at markahan ang mga dahilang iyon sa kanilang mga banal na kasulatan.

Print