Seminaries and Institutes
Lesson 44: Jacob 2:12–35


“Lesson 44: Jacob 2:12–35,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher (2019)

“Lesson 44: Jacob 2:12–35,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher

Mga Video ng Aklat ni Mormon

Lesson 44: Jacob 2:12–35

Pag-isipan nang may panalangin kung paano makakatulong ang Mga Video ng Aklat ni Mormon sa iyong mga estudyante na matukoy, maunawaan, madama ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina at alituntuning itinuro sa Aklat ni Mormon, at maipamuhay ang mga ito.

“Jacob Teaches about Pride and Chastity” Bahagi 2 (5:57)

Ipakita lamang ang 2:10 ng buong 5:57 na video.

Paggamit sa Video na Ito

Maaari mong ipalabas ang unang bahagi ng video na ito (mula sa timecode 3:34 hanggang sa 5:44) kapag nasa bahagi na kayo ng lesson na nagsasabing:

“Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Jacob 2:12–13. Sabihin sa iba pa sa klase na tahimik na sumunod sa pagbasa, na inaalam kung ano ang hinahanap ng marami sa mga Nephita.

“Pagkatapos sumagot ang mga estudyante, ipaliwanag na sinabi ni Jacob sa kanyang mga tao na nagtamo sila ng kayamanan sa pamamagitan ng ‘mapagpalang kamay.’ Maaari mong ipaliwanag na ang salitang mapagpala ay tumutukoy sa Diyos.

  • Bakit mahalagang maalala natin na lahat ng mga pagpapala sa atin ay nagmula sa ating Ama sa Langit?

  • Ayon sa Jacob 2:13, bakit marami sa mga Nephita ang iniangat sa kapalaluan?”

Ipalabas muna ang video, na inaanyayahan ang mga estudyante na maglista ng mga parirala mula sa video na nagpapakita kung ano ang nagtulak sa ilan sa mga Nephita na ikumpara ang kanilang sarili sa iba. Pagkatapos ng video, hikayatin ang mga estudyante na basahin ang Jacob 2:12–13, at markahan ang makikita nilang mga kaugnay na parirala sa kanilang mga banal na kasulatan. Pagkatapos ay ipagpatuloy na ang lesson ng titser.