Seminaries and Institutes
Lesson 6: 1 Nephi 1


“Lesson 6: 1 Nephi 1,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher (2019)

“Lesson 6: 1 Nephi 1,” Mga Video ng Aklat ni Mormon: Mga Tagubilin sa Seminary Teacher

Mga Video ng Aklat ni Mormon

Lesson 6: 1 Nephi 1

Pag-isipan nang may panalangin kung paano makakatulong ang Mga Video ng Aklat ni Mormon sa iyong mga estudyante na matukoy, maunawaan, madama ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina at alituntuning itinuro sa Aklat ni Mormon, at maipamuhay ang mga ito.

Tinawag ng Panginoon si Lehi bilang Propeta” (2:57)

Paggamit sa Video na Ito

Maaari mong ipalabas ang unang bahagi ng video na ito (huminto sa 1:42) sa halip na basahin ang pahayag na ito sa lesson na nagsasabing:

“Ipaliwanag na nagsimula ang unang tala sa Aklat ni Mormon sa panahong ang maraming tao sa Jerusalem ay masasama.”

Bago mo i-play ang video, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na alamin ang mga halimbawa ng laganap na kasamaan. Pagkatapos ipalabas ang video, anyayahan ang mga estudyante na ibahagi kung ano ang napansin nila.

Nagbabala si Propetang Lehi sa mga Tao ng Jerusalem” (4:59)

Paggamit sa Video na Ito

Maaari mong ipalabas ang video na ito upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang alituntuning ito sa lesson:

“Ang mga propeta ay nagbibigay ng babala laban sa kasalanan at nagtuturo ng kaligtasan sa pamamagitan ni Jesucristo.”

Bago mo i-play ang video, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na alamin kung paano tumugon ang mga tao sa Jerusalem na propesiya at patotoo ni Lehi.