Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Enero 15–21: “Lumapit at Kumain ng Bunga.” 1 Nephi 6–10


“Enero 15–21: ‘Lumapit at Kumain ng Bunga.’ 1 Nephi 6–10,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Aklat ni Mormon 2024 (2023)

“Enero 15–21. 1 Nephi 6–10,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: 2024 (2023)

pangitain ni Lehi tungkol sa punungkahoy ng buhay

Lehi’s Dream [Panaginip ni Lehi], ni Steven Lloyd Neal

Enero 15–21: “Lumapit at Kumain ng Bunga”

1 Nephi 6–10

Ang panaginip ni Lehi—na may gabay na bakal, abu-abo ng kadiliman, maluwang na gusali, at punungkahoy na may “napakatamis” na bunga—ay isang nagbibigay-inspirasyong paanyaya na tanggapin ang mga pagpapala ng pagmamahal at nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas. Gayunman, para kay Lehi, ang pangitaing ito ay tungkol din sa kanyang pamilya: “Dahil sa nakita kong bagay, may dahilan ako upang magalak sa Panginoon dahil kay Nephi at gayon din kay Sam. … Subalit masdan, Laman at Lemuel, labis akong natatakot dahil sa inyo” (1 Nephi 8:3–4). Matapos ilarawan ni Lehi ang kanyang pangitain, nagsumamo siya kina Laman at Lemuel na “makinig sila sa kanyang mga salita, na baka sakaling maawa ang Panginoon sa kanila” (1 Nephi 8:37). Kahit maraming beses mo nang napag-aralan ang pangitain ni Lehi, sa pagkakataong ito ay isipin iyon ayon sa paraan ni Lehi—isipin ang isang taong mahal mo. Habang ginagawa mo iyon, ang seguridad ng gabay na bakal, ang mga panganib ng maluwang na gusali, at ang tamis ng bunga ay magkakaroon ng bagong kahulugan. At mas mauunawaan mo ang “lahat ng damdamin [ng] nagmamahal na magulang” na nakatanggap ng kahanga-hangang pangitaing ito.

Mga Ideya para sa Pag-aaral sa Tahanan at sa Simbahan

1 Nephi 7:6–21

Maaari kong patawarin ang iba.

Ano ang natanim sa isipan mo tungkol sa halimbawa ni Nephi sa 1 Nephi Job 7:6–21? Paano tayo pinagpapala kapag “tahasan [nating] pinatatawad” ang isa’t isa? Ang video na “Iniligtas ng Panginoon si Nephi mula sa Kanyang mga Suwail na Kapatid” (Gospel Library) ay maaaring makatulong sa iyong pag-aaral.

6:55

Iniligtas ng Panginoon si Nephi mula sa Kanyang mga Suwail na Kapatid | 1 Nephi 7:6–22

Naghimagsik sina Laman at Lemuel laban kay Nephi at iginapos siya ng lubid. Mahimalang nakaligtas si Nephi at nagkasundo ang magkakapatid.

1 Nephi 8

Inaakay ako ng mahigpit na paghawak sa salita ng Diyos patungo sa Tagapagligtas at tinutulungan akong madama ang Kanyang pagmamahal.

Ang pangitain ni Lehi ay nag-aanyaya na pagnilayan kung nasaan ka sa iyong personal na paglalakbay para maging katulad ni Cristo. Sabi ni Pangulong Boyd K. Packer: “Kasama kayo rito; lahat tayo ay kasama rito. Nasa panaginip o pangitain ni Lehi na tungkol sa gabay na bakal ang lahat ng kailangan ng isang … Banal sa mga Huling Araw upang maunawaan ang pagsubok ng buhay” (“Lehi’s Dream and You,” New Era, Ene. 2015, 2).

Habang nag-aaral ka, isiping punan ang isang chart na katulad nito.

Simbolo mula sa pangitain ni Lehi

Mga Kahulugan

Mga tanong na pagninilayan

Simbolo mula sa pangitain ni Lehi

Punungkahoy at ang bunga nito (1 Nephi 8:10–12)

Mga Kahulugan

Mga tanong na pagninilayan

Ano ang ginagawa ko para anyayahan ang iba na makibahagi sa pagmamahal ng Diyos?

Simbolo mula sa pangitain ni Lehi

Ilog (1 Nephi 8:13)

Mga Kahulugan

Mga tanong na pagninilayan

Simbolo mula sa pangitain ni Lehi

Gabay na bakal (1 Nephi 8:19–20, 30)

Mga Kahulugan

Mga tanong na pagninilayan

Simbolo mula sa pangitain ni Lehi

Abu-abo ng kadiliman (1 Nephi 8:23)

Mga Kahulugan

Mga tanong na pagninilayan

Simbolo mula sa pangitain ni Lehi

Malaki at maluwang na gusali (1 Nephi 8:26–27, 33)

Mga Kahulugan

Mga tanong na pagninilayan

Maaari mo ring saliksikin ang sumusunod na mga talata para malaman ang tungkol sa apat na grupo ng mga tao na nakita ni Lehi: 1 Nephi 8:21–23, 24–28, 30, and 31–33. Anong mga pagkakaiba ang napapansin mo sa pagitan ng mga grupong ito? Bakit umalis ang ilang tao matapos makarating sa punungkahoy at matikman ang bunga (tingnan sa mga talata 24–28)? Ano ang matututuhan mo mula sa karanasang ito?

Tingnan din sa Kevin W. Pearson, “Manatili sa Punongkahoy,” Liahona, Mayo 2015, 114–16; “Nakakita si Lehi ng Isang Pangitain ng Punungkahoy ng Buhay” (video), Gospel Library.

Para sa isang interactive na karanasan para matulungan kang malaman ang tungkol sa pangitain ni Lehi, mag-klik dito.

12:58

Nakakita si Lehi ng Isang Pangitain ng Punungkahoy ng Buhay | 1 Nephi 8

Si Lehi ay nagkaroon ng pangitain na puno ng simbolismo. Mahalagang bahagi ng kanyang pangitain ang punungkahoy ng buhay at ang pagkain ng bunga nito.

Hayaang ibahagi ng mga mag-aaral ang sarili nilang mga tuklas. Isiping anyayahan ang mga mag-aaral na saliksiking mag-isa ang mga banal na kasulatan para sa mga katotohanang makikita nila. Halimbawa, maaari mo silang anyayahang saliksiking mag-isa o sa maliliit na grupo ang mga scripture reference sa chart. Maaalala at pahahalagahan nila ang mga katotohanang matutuklasan nila.

mga taong nakahawak sa gabay na bakal papunta sa punungkahoy ng buhay

Common Thread [Karaniwang Tema], nina Kelsy at Jesse Barrett

1 Nephi 10:2–16

Alam ng mga sinaunang propeta ang tungkol sa misyon ni Jesucristo at nagpatotoo sila tungkol sa Kanya.

Sa palagay mo, bakit nais ng Panginoon na malaman ng pamilya ni Lehi—at nating lahat—ang mga katotohanang matatagpuan sa 1 Nephi 10:2–16? Isipin kung paano mo matutulungan ang iyong mga mahal sa buhay na anyayahan ang Tagapagligtas sa kanilang buhay.

1 Nephi 10:17–19

icon ng seminary
Ihahayag sa akin ng Diyos ang katotohanan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Paano ka tutugon kapag hinilingan kang ipamuhay ang isang alituntunin ng ebanghelyo na hindi mo nauunawaan? Sa sumusunod na mga talata, pansinin ang mga pagkakaiba sa pagitan ng tugon ni Nephi sa pangitain ni Lehi (tingnan sa 1 Nephi 10:17–1911:1) at ng tugon nina Laman at Lemuel (tingnan sa 1 Nephi 15:1–10). Anong mga katotohanan ang naunawaan ni Nephi na umakay sa kanya na tumugon nang gayon?

Nasasaisip ang halimbawa ni Nephi, ilista ang mga alituntunin ng ebanghelyo na gusto mong mas maunawaan. Ano ang magagawa mo para mahanap ang mga sagot para sa iyong sarili? (Tingnan din sa “Ang Katotohanan ay Magpapalaya sa Inyo” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili, 30–33.)

Tulad ng nalaman ni Nephi para sa kanyang sarili na totoo ang mga salita ng kanyang ama, magagawa rin natin ito kapag narinig natin ang mga salita ng mga makabagong propeta at apostol. Ano ang itinuro sa atin ng mga propeta at apostol sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya? Paano ka nagtamo ng personal na patotoo sa itinuro nila?

Tingnan din sa 1 Nephi 2:11–19; Doktrina at mga Tipan 8:1–3; “Babasahin, Uunawain, at Mananalangin,” Aklat ng mga Awit Pambata, 66; Mga Paksa ng Ebanghelyo, “Paghahayag,” Gospel Library.

Para sa iba pang mga ideya, tingnan sa mga isyu ng mga magasing Liahona at Para sa Lakas ng mga Kabataan sa buwang ito.

Mga Ideya para sa Pagtuturo sa mga Bata

1 Nephi 8

Ang pagkapit nang mahigpit sa salita ng Diyos ay umaakay sa akin patungo sa Kanya at tinutulungan akong madama ang Kanyang pagmamahal.

  • Maaaring masiyahan ang iyong mga anak na idrowing ang pangitain ni Lehi habang binabasa ninyo ang 1 Nephi 8 nang sama-sama. Hayaan silang ibahagi ang kanilang mga drowing, at tulungan silang tuklasin kung ano ang kinakatawan ng mga simbolo sa panaginip (tingnan sa 1 Nephi 11:21–22; 12:16–18; 15:23–33, 36 at ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito). Hilingin sa kanila na magbahagi ng maraming sagot sa tanong na ito hangga’t kaya nila: Ano ang matututuhan natin mula sa pangitain ni Lehi?

  • Mayroon ka bang isang bagay na maaaring kumatawan sa gabay na bakal sa pangitain ni Lehi, tulad ng isang tubo o patpat? Hayaang kumapit dito ang iyong mga anak habang inaakay mo sila sa paligid ng silid papunta sa isang larawan ng Tagapagligtas. Bakit mahalaga ang gabay na bakal sa pangitain ni Lehi? (Tingnan sa 1 Nephi 8:20, 24, 30). Paano naging katulad ng salita ng Diyos ang gabay na bakal?

  • Anyayahan ang ilan sa iyong mga anak na basahin ang 1 Nephi 8:10–12 at ilarawan kung ano ang nakita ni Lehi. Hilingin sa iba pa na basahin ang 1 Nephi 11:20–23 at ilarawan ang nakita ni Nephi. Bakit ipinakita ng anghel kay Nephi ang sanggol na si Jesus para turuan siya tungkol sa pagmamahal ng Diyos? Kausapin ang iyong mga anak kung paano nila nadama ang pagmamahal ng Diyos sa buhay nila. Ang isang awiting tulad ng “Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 42–43) ay makakatulong sa kanila na mag-isip ng mga halimbawa.

1 Nephi 10:17–19; 11:1

Ihahayag sa akin ng Diyos ang katotohanan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

  • Paano mo maipauunawa sa iyong mga anak ang itinuro ni Nephi sa 1 Nephi 10:19? Marahil ay maaari mong itupi ang isang larawan ng Tagapagligtas o ang isa pang espesyal na bagay sa loob ng kumot at anyayahan ang iyong mga anak na buklatin iyon. Habang binabasa mo ang 1 Nephi 10:19, maaari silang magtaas ng kamay kapag narinig nila ang mga salitang “ilalahad” at “Espiritu Santo.” Pagkatapos ay maaari kang magbahagi ng isang karanasan kung kailan tinulungan ka ng Espiritu Santo na tuklasin ang katotohanan.

  • Anyayahan ang iyong mga anak na pag-usapan kung ano ang ginagawa nila para mahanap ang mga sagot sa isang tanong. Ano kaya ang maaaring sabihin ni Nephi kung may nagtanong sa kanya kung paano mahanap ang mga sagot sa isang tanong tungkol sa ebanghelyo? Hikayatin ang mga bata na alamin iyon sa pamamagitan ng pagbasa sa 1 Nephi 10:17–19; 11:1.

  • Nadama na ba ng iyong mga anak na tinulungan sila ng Espiritu Santo na malaman na totoo ang isang bagay? Hayaan silang ibahagi ang kanilang karanasan. Ano ang sasabihin natin sa isang kaibigan na nag-aakala na hindi siya makatatanggap ng mga sagot sa pamamagitan ng Espiritu Santo? Ano ang makikita natin sa 1 Nephi 10:17–19 at 11:1 na makakatulong sa kaibigang iyon?

Para sa iba pang mga ideya, tingnan sa isyu ng magasing Kaibigan sa buwang ito.

pangitain ni Lehi

The Tree of Life [Ang Punungkahoy ng Buhay], ni Avon Oakeson