Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hulyo 1–7: “Gagawin Ko Kayong Kasangkapan.” Alma 17–22


“Hulyo 1–7: ‘Gagawin Ko Kayong Kasangkapan.’ Alma 17–22,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Aklat ni Mormon 2024 (2023)

“Hulyo 1–7. Alma 17–22,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: 2024 (2023)

si Ammon na kausap si Haring Lamoni

Ammon and King Lamoni [Sina Ammon at Haring Lamoni], ni Scott M. Snow

Hulyo 1–7: “Gagawin Ko Kayong Kasangkapan”

Alma 17–22

Isipin ang lahat ng maaaring idahilan ng mga tao sa hindi pagbabahagi ng ebanghelyo: “Hindi sapat ang alam ko” o “Hindi ako sigurado kung magiging interesado sila” o siguro’y “Natatakot ako na baka tanggihan nila ako.” Naiisip mo siguro ang mga bagay na ito kung minsan. May dagdag na dahilan ang mga Nephita sa hindi pagbabahagi ng ebanghelyo sa mga Lamanita: inilarawan sila bilang “mababangis at matitigas at malulupit na tao; mga taong nagagalak sa pagpaslang [sa] mga Nephita” (Alma 17:14; tingnan din sa Alma 26:23–25). Pero may mas matinding dahilan pa ang mga anak ni Mosias kung bakit nila nadama na kailangan nilang ibahagi ang ebanghelyo sa mga Lamanita: “Sila ay nagnais na ipahayag ang kaligtasan sa bawat nilikha, sapagkat hindi nila maatim na ang sinumang kaluluwa ng tao ay masawi” (Mosias 28:3). Ang pagmamahal na ito na nakahikayat kay Ammon at sa kanyang mga kapatid ay makakahikayat din sa iyo na ibahagi ang ebanghelyo sa iyong pamilya, mga kaibigan, at mga kakilala—maging doon sa mga tao na malamang na hindi tumanggap dito.

Mga Ideya para sa Pag-aaral sa Tahanan at sa Simbahan

Alma 17:1–4

Ang simple at patuloy na pagpapakita ng katapatan kay Cristo ay tumutulong sa akin na matanggap ang Kanyang kapangyarihan.

Ano ang natututuhan mo mula sa Alma 17:1–4 tungkol sa kung paano panatilihing malakas ang iyong patotoo at katapatan kay Jesucristo? Ano ang ginawa ng mga anak ni Mosias, at paano sila pinagpala ng Panginoon?

Habang nagbabasa ka tungkol sa mga karanasan ng mga anak ni Mosias sa Alma 17–22, pansinin kung paano nakaapekto ang kanilang espirituwal na paghahanda sa kanilang paglilingkod sa mga Lamanita (halimbawa, tingnan sa Alma 18:10–18, 34–36; 20:2–5; 22:12–16). Ano ang nahihikayat kang gawin para matularan ang kanilang halimbawa?

Alma 17:6–12; 19:16–36

icon ng seminary
Maaari akong maging kasangkapan sa mga kamay ng Diyos.

Ang mga salaysay ng pagbabalik-loob na nababasa natin sa mga banal na kasulatan ay madalas kapalooban ng matitinding pangyayari, pero kadalasan, sa pinakamahalagang bahagi ng mga ito ay nakakakita tayo ng mga taong nagkaroon ng lakas-ng-loob na magsalita at ibahagi ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo. Pag-isipan ito habang nagbabasa ka tungkol kay Abis at sa mga anak ni Mosias sa linggong ito.

Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng maging kasangkapan sa mga kamay ng Diyos? Maaaring makatulong na mag-isip ng mga instrumento o kagamitang magagamit mo sa iyong pang-araw-araw na buhay. Sa Alma 17:6–12, alamin kung ano ang ginawa ng mga anak ni Mosias upang maging kasangkapan sila sa mga kamay ng Diyos. Paano ka maaaring maging mas epektibong kasangkapan sa pagtulong sa iba na lumapit kay Cristo?

Ano ang hinahangaan mo tungkol kay Abis sa Alma 19:16–36? Ano ang natututuhan mo mula sa kanya tungkol sa pagtulong sa iba na magkaroon ng pananampalataya kay Cristo? Halimbawa, ano sa palagay mo ang makakatulong sa mga taong mahal mo na “maniwala sa kapangyarihan ng Diyos”? (Alma 19:17).

Maaari mo ring ikumpara ang karanasan ni Abis sa mga alituntuning itinuro ni Elder Dieter F. Uchtdorf sa “Gawaing Misyonero: Pagbabahagi ng Nasa Puso Mo” (Liahona, Mayo 2019, 15–18). Paano ipinakita ni Abis ang “Limang Simpleng Mungkahi” ni Elder Uchtdorf? Sikaping isulat ang ilang bagay na maaari mong sabihin tungkol kay Jesucristo. Halimbawa, “Para sa akin, si Jesucristo ay …” o “Tinutulungan ako ng Tagapagligtas na …”

Tingnan din sa Mga Paksa ng Ebanghelyo, “Ministering as the Savior Does [Pagmiministeryo na Tulad ng Tagapagligtas],” Gospel Library.

1:20

Come and See

People like being included. They just need to be invited. (Asia Area)

1:16

Come and Help

People naturally want to help. They just need to be invited. (Asia Area)

2:22

Come and Belong

Elder Uchtdorf extends an invitation to all to come and belong in the Lord's Church.

Gumamit ng mga object lesson. Anumang oras na nakikita o nahahawakan ng mga tao ang isang bagay na may kaugnayan sa natututuhan nila, malamang na maalala nila ito nang mas matagal. Kung nagtuturo ka tungkol sa Alma 17:11, halimbawa, isiping magpakita ng mga instrumentong pangmusika o panulat para makahikayat ng talakayan tungkol sa pagiging kasangkapan sa mga kamay ng Diyos.

Alma 17–19

Kapag nagpapakita tayo ng pagmamahal sa iba, matutulungan natin silang tanggapin ang ebanghelyo ni Jesucristo.

Maghanap ng mga talata sa Alma 17–19 na nagpapakita kung paano nahikayat ng pagmamahal ni Ammon sa mga Lamanita ang kanyang mga pagsisikap na ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo. Anong iba pang mga katotohanan tungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo ang matututuhan mo mula sa kanyang halimbawa?

Tingnan din sa “Si Ammon ay Nagsilbi at Nagturo kay Haring Lamoni” (video), Gospel Library.

23:4

Si Ammon ay Nagsilbi at Nagturo kay Haring Lamoni | Alma 17–19

Itinuro ni Ammon at ng mga anak ni Mosias sa mga Lamanita ang salita ng Diyos. Naging tagapagsilbi si Ammon ni Haring Lamoni at iniligtas niya ang mga tupa nito. Tinuruan ni Ammon si Lamoni tungkol sa Diyos, kay Jesucristo, at sa plano ng pagtubos.

si Ammon na inililigtas ang mga tupa ng hari

Minerva Teichert (1888–1976), Ammon Saves the King’s Flocks [Iniligtas ni Ammon ang mga Kawan ng Hari], 1949–1951, oil sa masonite, 35 15/16 × 48 pulgada. Brigham Young University Museum of Art, 1969.

Alma 19:36

Tutulungan ako ng Panginoon na magsisi.

Matapos ikuwento ang pagbabalik-loob ni Lamoni at ng kanyang mga tao, ibinuod ni Mormon ang salaysay nang may obserbasyon tungkol kay Jesucristo. Ano ang itinuturo sa iyo ng Alma 19:36 tungkol sa pagkatao ng Panginoon? Ano pa ang itinuturo sa iyo ng salaysay sa Alma 19:16–36 tungkol sa Kanya? Kailan mo nadama na nakaunat ang bisig ng Panginoon sa iyo?

Alma 20:23; 22:15–18

Ang pagkilala sa Diyos ay karapat-dapat sa anumang sakripisyo.

Ikumpara ang handang talikuran ng ama ni Lamoni para iligtas ang kanyang buhay (tingnan sa Alma 20:23) sa kung ano ang handa niyang talikuran kalaunan para matanggap ang kagalakan ng ebanghelyo at makilala ang Diyos (tingnan sa Alma 22:15, 18). Pagnilayan kung ano ang handa mong isakripisyo upang mas lubos na makilala ang Diyos.

Para sa iba pang mga ideya, tingnan sa mga isyu ng mga magasing Liahona at Para sa Lakas ng mga Kabataan sa buwang ito.

Mga Ideya para sa Pagtuturo sa mga Bata

Alma 17:2–3

Lumalago ang aking patotoo kapag nagbabasa ako ng mga banal na kasulatan, nagdarasal, at nag-aayuno.

  • Paano matutulungan ng mga halimbawa ng mga anak ni Mosias ang iyong mga anak na palakasin ang kanilang patotoo kay Jesucristo? Matutulungan mo ang iyong mga anak na hanapin kung ano ang ginawa ng mga anak ni Mosias para magkaroon ng espirituwal na lakas sa Alma 17:2–3. Pagkatapos ay maaari silang magdrowing ng mga larawan o maghanap ng mga bagay na kumakatawan sa mga bagay na ito. Tulungan silang magplano kung ano ang kanilang gagawin para mapalakas ang kanilang patotoo tungkol sa Tagapagligtas.

Alma 17–19

Maaari kong ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa iba.

  • Para malaman ang tungkol sa pagiging kasangkapan sa mga kamay ng Diyos, tulad ng mga anak ni Mosias, maaari kayong tumingin ng iyong mga anak sa isang instrumento o kagamitan at pag-usapan kung saan ito ginagamit. Pagkatapos ay maaari ninyong basahin ang Alma 17:11 at pag-usapan kung ano ang ibig sabihin ng maging mga kasangkapan ng Ama sa Langit para matulungan ang mga tao na malaman ang tungkol kay Jesucristo.

  • Ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito ay may mga larawang kumakatawan sa mga katotohanang itinuro ni Ammon kay Haring Lamoni. Maaari mong tulungan ang iyong mga anak na hanapin ang mga katotohanang ito sa Alma 18:24–40. Anyayahan ang iyong mga anak na magkunwaring mga missionary at ibahagi sa isa’t isa ang nalalaman nila tungkol sa mga katotohanang ito.

  • Matapos ninyong basahin ng iyong mga anak ang tungkol kay Abis (tingnan sa Alma 19:16–20, 28–29), maaari silang magkunwaring katulad ni Abis sa pamamagitan ng pagtakbo sa kinatatayuan nila, pagkatok sa mga pinto, at pagsasabi kung ano ang nangyari sa Alma 19:1–17. Paano natin matutularan si Abis at maibabahagi ang nalalaman natin tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo? Maaaring idrowing ng iyong mga anak ang kanilang sarili na nagbabahagi ng ebanghelyo sa isang tao o sama-samang kantahin ang isang awitin tungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo, tulad ng “Tinawag Upang sa Diyos Maglingkod” (Aklat ng mga Awit Pambata, 94–95).

Alma 17:21–25; 20:8–27; 22:1–3

Maaari kong tulungan ang iba na lumapit kay Cristo sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal ko sa kanila.

  • Noong una, matigas ang puso kapwa ni Haring Lamoni at ng kanyang ama sa ebanghelyo. Kalaunan, lumambot ang kanilang puso, at naniwala sila kay Jesucristo. Paano ito nangyari? Tulungan ang iyong mga anak na matuklasan ang mga sagot sa tanong na ito habang nirerebyu ninyo ang mga karanasan ni Ammon. Maaari nilang isadula ang “Kabanata 23: Si Ammon: Isang Dakilang Tagapaglingkod” at “Kabanata 24: Nakilala ni Ammon ang Ama ni Haring Lamoni” (Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon, 64–68, 69–70). O marahil ay gustong idrowing ng iyong mga anak ang iba’t ibang bahagi ng kuwento at gamitin ang mga drowing para ikuwento ang mga ito. Ano ang ginawa ni Ammon para matulungan si Lamoni at ang kanyang ama na buksan ang kanilang puso sa ebanghelyo ni Jesucristo? (tingnan sa Alma 17:21–25; 20:8–27; 22:1–3).

    4:10

    Chapter 23: Ammon: A Great Servant

    1:54

    Chapter 24: Ammon Meets King Lamoni’s Father

  • Marahil ay maaari kayong mag-isip ng iyong mga anak ng isang taong kailangang makaalam tungkol kay Jesucristo. Tulungan silang mag-isip ng mga paraan na maaari silang maging mabubuting halimbawa at magpakita ng pagmamahal sa taong iyon, tulad ng ginawa ni Ammon para kay Lamoni at sa ama nito.

Para sa iba pang mga ideya, tingnan sa isyu ng magasing Kaibigan sa buwang ito.

paglalarawan kay Abis

Isang paglalarawan kay Abis, na iginuhit ni Dilleen Marsh