Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Marso 31–Abril 6: “Titipunin ni Jesucristo ang Kanyang mga Tao”: Doktrina at mga Tipan 29


“Marso 31–Abril 6: ‘Titipunin ni Jesucristo ang Kanyang mga Tao’: Doktrina at mga Tipan 29,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Doktrina at mga Tipan 2025 (2025)

“Doktrina at mga Tipan 29,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: 2025

si Jesucristo na napapalibutan ng mga mananampalataya

Marso 31–Abril 6: “Titipunin ni Jesucristo ang Kanyang mga Tao”

Doktrina at mga Tipan 29

Bagama’t naorganisa ang Simbahan ni Jesucristo noong 1830, maraming katotohanan ng ebanghelyo ang hindi pa rin naihahayag, at may mga katanungan ang ilang naunang miyembro ng Simbahan. Nabasa na nila ang mga propesiya sa Aklat ni Mormon tungkol sa pagtitipon ng Israel at pagtatayo ng Sion (tingnan sa 3 Nephi 21). Paano mangyayari iyon? Ang mga paghahayag na sinabi ni Hiram Page na natanggap niya ay nagpanukala tungkol sa paksang iyon, na lalo lamang nagpatindi sa pagkamausisa ng mga miyembro (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 28). Nagtanong ang ibang mga tao tungkol sa Pagkahulog nina Adan at Eva at sa espirituwal na kamatayan. Malugod na tinanggap ng Panginoon ang mga tanong na ito noong 1830, at malugod Niyang tinatanggap ang ating mga tanong ngayon. “Anuman ang inyong hihilingin nang may pananampalataya,” sabi Niya sa mga Banal, “na nagkakaisa sa panalangin alinsunod sa aking utos, kayo ay makatatanggap” (Doktrina at mga Tipan 29:6). Sa katunayan, tulad ng ipinapakita sa paghahayag na sagana sa doktrina sa Doktrina at mga Tipan 29, kung minsa’y tumutugon ang Panginoon sa ating mga tanong sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng katotohanan at kaalaman na higit pa sa ating itinatanong.

icon ng pag-aaral

Mga Ideya para sa Pag-aaral sa Tahanan at sa Simbahan

Doktrina at mga Tipan 29

May plano ang Ama sa Langit para sa kaligtasan ng Kanyang mga anak.

Ang Doktrina at mga Tipan 29 ay nagtuturo ng maraming katotohanan tungkol sa plano ng Diyos para sa iyo. Habang nagbabasa ka, hanapin ang mga katotohanang natutuhan mo tungkol sa bawat isa sa sumusunod na mga bahagi ng Kanyang plano:

Anong mga kabatiran ang iyong natamo? Kung makakatulong sa iyo, maaari mong isulat ang mga iyon sa espasyong nakalaan na may kasamang mga larawang nasa dulo ng outline na ito. Paano naiimpluwensyahan ng mga katotohanang ito ang iyong buhay?

Tingnan din sa Mga Paksa at Tanong, “Plano ng Kaligtasan,” Gospel Library.

Lumapit Kayo sa Akin

Detalye mula sa Come Unto Me [Lumapit Kayo sa Akin], ni Jenedy Paige

Doktrina at mga Tipan 29:1–28

icon ng seminary
Inaanyayahan ako ni Jesucristo na tumulong na tipunin ang Kanyang mga tao bago ang Kanyang Ikalawang Pagparito.

Nagsalita si Jesucristo tungkol sa pagtitipon ng Kanyang mga tao na “tulad ng isang inahing manok na nagtitipon ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak” (Doktrina at mga Tipan 29:2). Ano ang itinuturo sa iyo ng pagkukumparang ito tungkol kay Jesucristo? Anong mga karagdagang ideya o impresyon ang dumarating sa iyo habang pinag-aaralan mo ang paglalarawan sa isang inahin at mga sisiw sa outline na ito? Pag-isipan kung paano mo nadama na tinitipon at pinoprotektahan ka ni Jesucristo.

Habang binabasa mo ang Doktrina at mga Tipan 29:1–11, maghanap ng mga kabatiran tungkol sa:

  • Kung sino ang titipunin.

  • Kahulugan ng “magtipon” kay Cristo.

  • Kung bakit tayo nagtitipon sa Kanya.

Pagnilayan kung bakit gusto mong matipon ang iba pang mga tao kay Jesucristo. Ano ang nahihikayat kang gawin para makatulong?

Maaari mo ring itanong sa iyong sarili ang mga bagay na ito habang pinanonood mo ang video na “A Witness of God” (Gospel Library) o habang nagbabasa o nakikinig ka sa isang himno tungkol sa pagtitipon, tulad ng “Israel, Diyos ay Tumatawag” (Mga Himno, blg. 6). Ano sa palagay mo ang sinisikap ng Panginoon na ituro sa iyo tungkol sa Kanyang gawain ng pagtitipon?

2:40

A Witness of God

Sabi ni Pangulong Russell M. Nelson: “Ang pagtitipon ay ginagawa [na ngayon] sa bawat bansa. Ipinahayag [na] ng Panginoon ang pagtatatag ng Sion sa bawat lugar kung saan isinilang at naninirahan ang Kanyang mga Banal” (“Ang Pagtitipon ng Ikinalat na Israel,” Liahona, Nob. 2006, 81). Paano tayo tinutulungan ng pagtitipon sa ganitong paraan na “maging handa sa lahat ng bagay” para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas? (talata 8; tingnan din sa mga talata 14–28).

Tingnan din sa Russell M. Nelson at Wendy W. Nelson, “Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018), Gospel Library; D. Todd Christofferson, “Ang Doktrina ng Pagiging Kabilang,” Liahona, Nob. 2022, 53–56; Mga Paksa at Tanong, “Gathering of Israel [Pagtitipon ng Israel],” Gospel Library.

Doktrina at mga Tipan 29:31–35

“Lahat ng bagay sa akin ay espirituwal.”

Habang pinag-aaralan mo ang Doktrina at mga Tipan 29:31–35, itanong sa iyong sarili, “Sa anong paraan naging espirituwal ang lahat ng kautusan?” Maaari kang maglista ng ilang kautusan at isipin ang mga espirituwal na katotohanang nauugnay sa bawat isa. Ang pagrerebyu ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili ay maaaring makatulong—itinuturo nito ang ilan sa mga walang-hanggang katotohanan sa likod ng ilan sa mga utos ng Diyos.

Paano nakakaapekto ang kaalaman na “lahat ng bagay … ay espirituwal” sa paraan ng pagtingin mo sa mga utos ng Diyos? Isiping maghanap ng espirituwal na kahulugan o layunin sa iba pang mga aspeto ng iyong buhay.

Tingnan din sa 2 Nephi 9:39.

Magtuon kay Jesucristo. “Bawat paksa ng ebanghelyo [ay isang] pagkakataong magturo at matuto tungkol kay Jesucristo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 6). Ano ang natutuhan mo tungkol sa Kanyang mga katangian, Kanyang mga tungkulin, at Kanyang halimbawa habang binabasa mo ang Doktrina at mga Tipan 29?

Doktrina at mga Tipan 29:36–50

Tinutubos tayo ni Jesucristo mula sa Pagkahulog.

Paano mo magagamit ang Doktrina at mga Tipan 29:36–50 para maipaliwanag kung bakit kailangan natin ang pagtubos sa pamamagitan ni Jesucristo?

Ang Pagkahulog nina Adan at Eva ay naghatid ng kamatayan at kasalanan sa mundo, ngunit inihanda rin nito ang daan para sa pagtubos at kagalakan sa pamamagitan ni Cristo. Nasasaisip ito, basahin ang mga talata 39–43 at pansinin ang mga salita at parirala na naghahatid sa iyo ng kagalakan. Ano ang hinahangaan mo tungkol sa sinabi nina Adan at Eva tungkol sa Pagkahulog sa Moises 5:10–12?

Tingnan din sa “Why We Need a Savior” (video), Gospel Library.

2:15

Why We Need a Savior

Para sa iba pang mga ideya, tingnan ang mga isyu ng mga magasing Liahona at Para sa Lakas ng mga Kabataan sa buwang ito.

Mga Tao, Lugar, Pangyayari

Magklik para makita pa ang iba

icon 02 ng bahaging pambata

Mga Ideya para sa Pagtuturo sa mga Bata

Doktrina at mga Tipan 29

May plano ang Ama sa Langit para sa kaligtasan ng Kanyang mga anak.

  • Para makapagsimula ng pag-uusap tungkol sa plano ng Ama sa Langit para sa atin, maaari ninyong pag-usapan ng iyong mga anak ang isang pagkakataon na gumawa kayo ng isang plano, tulad ng isang paglalakbay o para magsakatuparan ng isang gawain. Maaari ka ring magbahagi ng mga halimbawa ng mga plano, tulad ng isang kalendaryo na may nakasulat na mga aktibidad o mga tagubilin sa paggawa ng isang bagay. Bakit nakakatulong ang mga plano? Pagkatapos ay maaari ninyong pag-usapan kung ano ang gustong isakatuparan ng Ama sa Langit at kung paano tayo tinutulungan ng Kanyang plano na maisakatuparan ito.

  • Maaari mong gamitin ang mga larawan sa dulo ng outline na ito para matulungan ang iyong mga anak na makahanap ng mga talata sa Doktrina at mga Tipan 29 na nagtuturo tungkol sa iba’t ibang bahagi ng plano ng Ama sa Langit. Maaari mo ring gupitin ang mga larawan at hilingin sa iyong mga anak na pagsunud-sunurin ang mga ito. Bakit tayo nagpapasalamat na malaman na may plano ang Ama sa Langit para sa atin? Paano nakakaimpluwensya sa ating pang-araw-araw na buhay ang pagkaalam tungkol dito?

Doktrina at mga Tipan 29:1–2, 7–8

Tinitipon ni Jesucristo ang Kanyang mga tao bago Siya muling pumarito.

  • Ang paglalarawan sa ibaba tungkol sa inahing manok na tinitipon ang kanyang mga sisiw o ang video na “Chicks and Hens” (ChurchofJesusChrist.org) ay makakatulong sa iyong mga anak na ilarawan sa kanilang isipan ang analohiya sa Doktrina at mga Tipan 29:1–2. Pagkatapos ay maaari ninyong sama-samang basahin ang mga talatang ito at pag-usapan kung paano pinoprotektahan ng inahin ang kanyang mga sisiw at kung paano ito natutulad sa magagawa ng Tagapagligtas para sa atin.

    1:27

    Chicks and Hens

    isang inahing manok na may mga sisiw na nakatipon sa ilalim ng kanyang mga pakpak

    I Would Gather Thee [Titipunin Ko Kayo], ni Liz Lemon Swindle

  • Ano ang makakahikayat sa iyong mga anak na naising tulungan ang Tagapagligtas na tipunin ang Kanyang mga tao? Gusto nila sigurong marinig ang karanasan ng isang taong “natipon” sa Kanya sa pamamagitan ng pagsapi sa Kanyang Simbahan. Halimbawa, sino ang nagpakilala sa inyong pamilya sa Simbahan? Paano tayo napagpala ng pagtanggap sa panawagan ng Tagapagligtas na matipon sa Kanya? Paano natin matutulungan ang iba na matipon sa Kanya? (Tingnan sa “A Message for Children from President Russell M. Nelson” [video], ChurchofJesusChrist.org.)

    3:30

    Video: A Message for Children from President Russell M. Nelson

Doktrina at mga Tipan 29:11

Si Jesucristo ay muling paparito.

  • Ang isang larawan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas (tulad ng Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 66) o isang awitin tungkol dito (tulad ng “Sa Kanyang Pagbabalik,Aklat ng mga Awit Pambata, 46–47) ay makakatulong sa inyo ng iyong mga anak na talakayin ang Doktrina at mga Tipan 29:11. Tulungan ang iyong mga anak na mapansin ang mga parirala sa banal na kasulatan na nauugnay sa isang bagay na nasa larawan o awitin. Ibahagi sa isa’t isa ang nadarama mo tungkol sa muling pagparito ni Jesucristo sa lupa.

The resurrected Jesus Christ (wearing white robes with a magenta sash) standing above a large gathering of clouds. Christ has His arms partially extended. The wounds in the hands of Christ are visible. Numerous angels (each blowing a trumpet) are gathered on both sides of Christ. A desert landscape is visible below the clouds. The painting depicts the Second coming of Christ. (Acts 1:11)

Para sa iba pang mga ideya, tingnan ang isyu ng magasing Kaibigan sa buwang ito.