Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Marso 16–22. Jacob 5–7: “Gumagawa ang Panginoon na Kasama Natin”


“Marso 16–22. Jacob 5–7: ‘Gumagawa ang Panginoon na Kasama Natin,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Aklat ni Mormon 2020 (2020)

“Marso 16–22. Mga Gawa 5–7,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2020

mga lalaking nagtatrabaho sa isang olibohan

Allegory of the Olive Tree, ni Brad Teare

Marso 16–22

Jacob 5–7

Gumagawa ang Panginoon na Kasama Natin

Ang pagbabasa ng mga banal na kasulatan ay nag-aanyaya ng paghahayag. Kaya habang binabasa mo ang Jacob 5–7, hangarin ang patnubay ng Espiritu para tulungan ka at ang pamilya mo. Ano ang mga mensahe ng Panginoon para sa iyo?

Itala ang Iyong mga Impresyon

Napakaraming taong hindi pa nakarinig sa ebanghelyo ni Jesucristo. Kung nahihirapan ka sa laki ng gawaing tipunin sila sa Simbahan ng Panginoon, ang alegorya ng mga punong olibo sa Jacob 5 ay may paalalang muling nagbibigay ng katiyakan: ang olibohan ay sa Panginoon. Binigyan na Niya ang bawat isa sa atin ng isang maliit na lugar para tumulong sa Kanyang gawain—ang ating pamilya, ang ating mga kaibigan, ang saklaw ng ating impluwensya. At kung minsan ang unang taong tinitipon natin ay ang ating sarili. Ngunit hindi tayo kailanman nag-iisa sa gawaing ito, sapagkat ang Panginoon ng olibohan ay gumagawang kasama ng Kanyang mga lingkod (tingnan sa Jacob 5:72). Kilala at mahal ng Diyos ang Kanyang mga anak, at maghahanda Siya ng paraan para marinig ng bawat isa sa kanila ang Kanyang ebanghelyo, maging ng mga taong tumanggi sa Kanya noong araw (tingnan sa Jacob 4:15–18). At pagkatapos, kapag tapos na ang gawain, lahat ng “naging masigasig … sa paggawa na kasama [Niya] … ay magkakaroon … ng kagalakan kasama [Niya] dahil sa bunga ng [Kanyang] olibohan” (Jacob 5:75).

icon ng personal na pag-aaral

Mga Ideya para sa Personal na Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

Jacob 5–6

Ano ang isang alegorya?

Ang mga alegorya ay mga kuwentong nagtuturo ng mga espirituwal na katotohanan sa pamamagitan ng mga simbolo. Sa alegorya ng mga puno ng olibo, halimbawa, ang isang olibohan ay kumakatawan sa mundo, ang isang likas na punong olibo ay kumakatawan sa Israel (mga taong nakipagtipan sa Diyos), at ang mga ligaw na punong olibo ay kumakatawan sa mga bansang Gentil (mga taong hindi nakipagtipan sa Diyos).

Habang pinag-aaralan mo ang alegorya sa Jacob 5, hanapin ang iba pang mga simbolo at pagnilayan kung ano ang kahulugan ng mga ito. Halimbawa, ano sa palagay mo ang kinakatawan ng mabuting bunga? Ano kaya ang isinisimbolo ng masamang bunga?

Jacob 5; 6:3–5

Si Jesucristo ang Panginoon ng olibohan.

Bago mo simulang pag-aralan ang alegorya ng mga puno ng olibo sa Jacob 5, maaaring makatulong na rebyuhin ang Jacob 4:10–18 upang malaman kung bakit nahikayat si Jacob na ibahagi ang alegoryang ito sa kanyang mga tao. Sa Jacob 6:3–5, makikita mo ang ilang karagdagang mensahe na gustong bigyang-diin ni Jacob; hanapin ang mga mensaheng ito sa alegorya. Anong mga mensahe ang nakikita mo para sa iyong sarili sa Jacob 5?

Ang Jacob 5 ay isang mahabang kabanata—ang pinakamahaba sa Aklat ni Mormon. Marahil ay makakatulong na hatiin ito sa sumusunod na mga bahagi, na naglalarawan sa mga panahon ng kasaysayan ng mundo:

Mga talata 3–14:Ang pagkalat ng Israel bago dumating si Cristo

Mga talata 15–28:Ang ministeryo ni Cristo at ng mga Apostol

Mga talata 29–49:Ang Malawakang Apostasiya

Mga talata 50–76:Ang pagtitipon ng Israel sa mga huling araw

Mga talata 76–77Ang Milenyo at ang katapusan ng mundo

Para sa karagdagang mga ideya tungkol sa alegorya, tingnan ang diagram na kasama sa outline na ito.

matatandang mag-asawa sa isang computer kasama ang iba pa

Lahat tayo ay makapaglilingkod sa Diyos sa pagtulong sa Kanya na tipunin ang Kanyang mga anak.

Jacob 5:61–75

Inaanyayahan ako ng Diyos na tulungan Siyang tipunin ang Kanyang mga anak.

Ang “iba pang mga tagapagsilbi” (Jacob 5:70) na tinawag sa olibohan ng Panginoon ay kinabibilangan ng mga taong katulad mo—bilang mga miyembro ng Simbahan, responsibilidad nating lahat na tulungan ang Diyos na tipunin ang Kanyang mga anak. Anong mga alituntunin ang nakikita mo sa Jacob 5, lalo na sa mga talata 61–62 at 70–75, tungkol sa pagtatrabaho sa olibohan ng Panginoon? Paano mo nadama na tinawag ka Niyang maglingkod sa Kanyang olibohan? Ano ang mga naranasan mo habang nakikibahagi ka sa Kanyang gawain?

Tingnan din sa “Old Testament Olive Vineyard,” “Help the Church Grow” (mga video, ChurchofJesusChrist.org).

6:57

Jacob 7:1–23

Maaari akong manatiling matatag kapag hinahamon ng iba ang aking pananampalataya.

7:33

Ang karanasan ng mga Nephita kay Serem ay madalas maulit ngayon: maaaring may mga taong may pinag-aralan at mahusay magsalita na sinusubukang sirain ang iyong pananampalataya. Ngunit si Jacob ay “hindi … maaaring matinag” (Jacob 7:5). Paano tumugon si Jacob nang tuligsain ang kanyang pananampalataya? Ano ang natututuhan mo mula sa kanyang mga tugon? Ano ang magagawa mo ngayon upang makapaghanda para sa mga panahon na masusubukan ang iyong pananampalataya?

Tingnan din sa Jeffrey R. Holland, “Ang Halaga—at mga Pagpapala—ng Pagkadisipulo,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 6–9.

icon ng pag-aaral ng pamilya

Mga Ideya para sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan ng Pamilya at Family Home Evening

Habang binabasa ninyo ng pamilya mo ang mga banal na kasulatan, matutulungan kayo ng Espiritu na malaman kung anong mga alituntunin ang bibigyang-diin at tatalakayin upang matugunan ang mga pangangailangan ng inyong pamilya. Narito ang ilang ideya.

Jacob 5

Nakatulong sa ilang pamilya ang idrowing ang mga simbolo mula sa alegorya ng mga puno ng olibo habang binabasa nila ito. Maaaring masiyahan ang pamilya mo sa gayong paraan, o maaaring may iba pang paraan para matulungan mo ang mga miyembro ng pamilya na ilarawan sa isipan ang mga simbolo sa alegorya. Maaari siguro ninyong markahan ang isang lugar sa mesa o sahig para kumatawan sa olibohan (o sa mundo) at ilarawan ang likas na punong olibo (o sambahayan ni Israel) gamit ang isang bagay, tulad ng isang puzzle, na mapagpipira-piraso (para kumatawan sa pagkalat ng Israel) at pagkatapos ay pagsama-samahing muli (para kumatawan sa pagtitipon ng Israel). Ano ang itinuturo sa atin ang alegoryang ito tungkol sa Panginoon? tungkol sa Kanyang mga lingkod?

Jacob 5:70–77

Habang binabasa mo ang tungkol sa “huling pagkakataon” na gumagawa ang Panginoon sa Kanyang olibohan, ano ang naghihikayat sa iyo at sa pamilya mo na maglingkod sa Panginoon “nang buong lakas”? (Jacob 5:71). Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng pamilya na gawing personal ang talata 75 sa pagdaragdag ng kanilang pangalan sa talatang ito—halimbawa, “Pinagpala ka [pangalan].” Maaari siguro silang magbahagi ng mga karanasan na nagalak sila habang naglilingkod sa Panginoon ng olibohan, halimbawa’y sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo, paglilingkod sa templo, o pagpapalakas sa mga miyembro ng Simbahan. (Tingnan din sa M. Russell Ballard, “Magtiwala Kayo sa Panginoon,” Ensign o Liahona, Nob. 2013, 43–45.)

Jacob 6:4–7

Paano naiunat sa atin ng Panginoon ang Kanyang bisig ng awa? Ano ang ibig sabihin ng salitang “mangunyapit” sa mga talatang ito? Paano nangungunyapit ang Panginoon sa atin? Paano tayo maaaring mangunyapit sa Kanya?

Jacob 7:1–12

Ano ang natututuhan natin mula sa mga talatang ito kung paano sinisikap ng mga tao na iligaw ang iba? Paano tayo makakasunod sa halimbawa ni Jacob at magiging matatag sa ating pananampalataya kay Cristo?

Para sa iba pang mga ideya sa pagtuturo sa mga bata, tingnan ang outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Isaulo ang isang talata sa banal na kasulatan. Pumili ng isang talata na lalong makabuluhan sa pamilya mo, at sama-sama ninyong isaulo ito. Itinuro ni Elder Richard G. Scott, “Ang isinaulong talata ay nagiging kaibigang palaging nariyan na hindi nanghihina sa paglipas ng panahon” (“Ang Bisa ng Banal na Kasulatan,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 6).