Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Mga Tagubilin para sa Oras ng Pag-awit


“Mga Tagubilin para sa Oras ng Pag-awit at Pagtatanghal ng mga Bata sa Sacrament Meeting,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Aklat ni Mormon (2020) (2018)

“Mga Tagubilin para sa Oras ng Pag-awit,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2020

mga bata at guro na kumakanta

Mga Tagubilin para sa Oras ng Pag-awit at Pagtatanghal ng mga Bata sa Sacrament Meeting

Mahal naming mga Primary Presidency at Music Leader,

Ang mga awitin sa Primary ay mabisang kasangkapan upang matulungan ang mga bata na matutunan ang tungkol sa plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit at ang mga pangunahing katotohanan ng ebanghelyo ni Jesucristo. Habang kumakanta ang mga bata tungkol sa mga alituntunin ng ebanghelyo, sasaksihan ng Espiritu Santo ang katotohanan ng mga ito. Ang mga salita at musika ay mananatili sa puso at isipan ng mga bata sa buong buhay nila.

Hangarin ang tulong ng Espiritu habang naghahanda kayo na ituro ang ebanghelyo sa pamamagitan ng musika. Ibigay ang inyong patotoo tungkol sa mga katotohanang inaawit ninyo. Tulungan ang mga bata na makita kung paano nauugnay ang musika sa kanilang natututunan at nararanasan sa tahanan at sa mga klase sa Primary. Ang mga bata at ang kanilang mga pamilya ay pagpapalain dahil sa inyong mapagmahal na pagsisikap.

Mahal namin kayo at ipinaaabot namin ang aming pasasalamat sa inyong tapat na paglilingkod upang palakasin at protektahan ang mga pinakamamahal nating mga anak.

Ang Primary General Presidency

Mga Patnubay sa Pagtatanghal sa Sacrament Meeting

Sa ilalim ng patnubay ng bishop, ang pagtatanghal ng mga bata sa sacrament meeting ay karaniwang idinaraos sa ikaapat na kwarter ng taon. Bilang Primary presidency at music leader, kausapin sa simula ng taon ang tagapayo sa bishopric na namamahala sa Primary upang masimulan na ang pagtalakay sa mga plano para sa pagtatanghal. Kapag nakumpleto na ninyo ang mga plano, hingin ang kanyang pagsang-ayon sa mga ito.

Ang pagtatanghal ay dapat na magbigay ng pagkakataon sa mga bata na maitanghal kung ano ang mga natutuhan nila at ng kanilang mga pamilya mula sa Aklat ni Mormon sa tahanan at sa Primary, kabilang na ang mga awitin sa Primary na kinanta nila sa buong taon. Mapanalanging pag-isipan kung aling mga alituntunin ng ebanghelyo at awitin ang sumusuporta sa mga natutunan nila. Sa buong taon, itala ang mga mensahe at mga personal na karanasan ng mga bata na maaaring magamit sa pagtatanghal. Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga banal na kasulatan, mga kuwento, at ng kanilang mga patotoo sa pagtatanghal. Habang pinagpaplanuhan ninyo ang pagtatanghal, mag-isip ng mga paraan para matulungan nito ang kongregasyon na magtuon sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga turo.

Ang mga unit na may maliliit na bilang ng mga bata ay maaaring umisip ng mga paraan para makalahok ang mga kapamilya kasama ng kanilang mga anak. Maaaring tapusin ng isang miyembro ng bishopric ang miting sa isang maikling mensahe.

Habang inihahanda ninyo ang pagtatanghal, tandaan ang sumusunod na mga gabay:

  • Hindi dapat gamitin sa pag-eensayo ang oras na para sa klase ng Primary o sa pamilya.

  • Ang mga larawan, costume, at media presentation ay hindi angkop sa sacrament meeting.

Tingnan sa Handbook 2: Administering the Church, 11.5.4.

Mga Tagubilin para sa Oras ng Pag-awit

5 minuto (Primary presidency): Pambungad na panalangin, mga banal na kasulatan o saligan ng pananampalataya, at isang mensahe

20 minuto (music leader): Oras ng pag-awit

Pumipili ang Primary presidency at music leader ng mga awitin para sa bawat buwan upang pagtibayin ang mga alituntuning natututunan ng mga bata sa kanilang mga klase at tahanan. Kasama sa gabay na ito ang isang listahan ng mga awiting nagpapatibay sa mga alituntuning ito. Ang mga awiting ito ay iminungkahi rin sa mga outline sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.

Habang itinuturo ninyo ang mga awitin sa mga bata, anyayahan silang ibahagi kung ano ang natutunan nila tungkol sa mga kuwento at alituntunin ng doktrina na itinuturo ng mga awitin. Maaari ninyong repasuhin ang mga outline sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary na pinag-aaralan ng mga bata sa kanilang mga klase. Tutulungan kayo nitong malaman ang mga kuwento at alituntunin na natututunan nila para mapag-isipan ninyo kung paano masusuportahan ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng musika.

Sa oras ng pag-awit, maaari rin ninyong pag-aralan muli ang mga awiting natutunan na ng mga bata at ang mga awiting nasisiyahan silang kantahin. Habang nagrerebyu ka, anyayahan ang mga bata na ibahagi ang kanilang mga naiisip at nadarama tungkol sa mga katotohanang nabanggit sa mga awitin.

Ang Aklat ng mga Awit Pambata ang pangunahing sanggunian para sa musika sa Primary. Ang mga himno mula sa himnaryo at mga awitin mula sa Friend at Liahona ay naaangkop din. Ang mga bata ay maaaring kumanta paminsan-minsan ng mga makabayan o pang-okasyong awitin na angkop sa araw ng Linggo at sa edad ng mga bata. Ang paggamit ng anumang iba pang musika sa Primary ay dapat aprubahan muna ng bishopric (tingnan sa Handbook 2: Administering the Church, 11.2.4).

mga batang kumakanta

Overview ng Primary

Bawat linggo, kabilang sa Primary ang:

Oras ng pag-awit25 minuto

Paglipat5 minuto

Mga klase20 minuto

Maaaring hatiin ng mga lider ng mas malalaking grupo ng mga Primary ang mga bata sa dalawang grupo at magkaroon ng isang grupo na nagkaklase sa Primary habang ang kabilang grupo ay nasa oras ng pag-awit. Pagkatapos ay magpapalitan ang dalawang grupo. Sa gayong mga pagkakataon, maaaring baguhin ng mga lider ng Primary ang mga oras na makikita sa itaas upang maging angkop sa kanilang mga sitwasyon.

Musika para sa Oras ng Pag-awit

Enero

Pebrero

Marso

Abril

Mayo

Hunyo

Hulyo

Agosto

Setyembre

Oktubre

Nobyembre

Disyembre

Paggamit ng Musika upang Maituro ang Doktrina

Ang oras ng pag-awit ay naglalayong tulungan ang mga bata na matutunan ang mga katotohanan ng ebanghelyo. Ang mga sumusunod na ideya ay makapagbibigay sa inyo ng inspirasyon sa inyong pagpaplano ng mga paraan upang maituro ang mga alituntunin ng ebanghelyo na matatagpuan sa mga himno at mga awitin sa Primary.

Basahin ang mga kaugnay na banal na kasulatan. Marami sa mga awitin sa Aklat ng mga Awit Pambata at himnaryo ay may nakalistang mga sanggunian ng mga kaugnay na banal na kasulatan. Tulungan ang mga bata na basahin ang ilan sa mga talatang ito, at pag-usapan kung paano nauugnay ang mga banal na kasulatan sa awitin. Maaari rin kayong maglista sa pisara ng ilang scripture reference at anyayahan ang mga bata na itugma ang bawat sanggunian sa isang awitin o sa isang taludtod mula sa isang awitin.

Punan ang patlang. Magsulat ng isang taludtod ng isang awitin sa pisara na hindi isinasama ang ilang mahahalagang salita. Pagkatapos ay hilingin sa mga bata na kantahin ang awitin habang pinakikinggan ang mga salita na pupuno sa mga patlang. Habang pinupunan nila ang bawat patlang, talakayin kung anong mga alituntunin ng ebanghelyo ang natutunan ninyo mula sa mga nawawalang salita.

Mga sipi mula sa mga lider ng Simbahan. Anyayahan ang mga bata na makinig sa isang sipi mula sa isang lider ng Simbahan na nagtuturo ng alituntunin ng ebanghelyo na katulad ng itinuturo ng awitin sa Primary. Hilingin sa kanila na itaas ang kanilang kamay kapag nakarinig sila ng isang bagay na tumutulong sa kanila na maunawaan ang katotohanan sa kanilang inaawit. Hilingin sa kanila na ibahagi ang narinig nila.

lider sa oras ng pag-awit

Magpatotoo. Magbahagi ng maikling patotoo sa mga bata tungkol sa mga katotohanan ng ebanghelyo na matatagpuan sa awitin sa Primary. Ipaunawa sa mga bata na ang pagkanta ay isang paraan na makapagpapatotoo sila at madarama nila ang Espiritu.

Tumayo bilang isang saksi. Anyayahan ang mga bata na magsalitan sa pagtayo at pagbabahagi ng natutunan nila mula sa awiting kinakanta nila o kung ano ang nadarama nila tungkol sa mga katotohanang itinuturo sa awitin. Tanungin sila kung ano ang nadarama nila habang sila ay umaawit, at tulungan silang tukuyin ang impluwensya ng Espiritu Santo.

Gumamit ng mga larawan. Hilingin sa mga bata na tulungan kayong maghanap o lumikha ng mga larawan na tugma sa mahahalagang salita o parirala sa awitin. Anyayahan silang ibahagi kung paano nauugnay ang mga larawan sa awitin at kung ano ang itinuturo ng awitin. Halimbawa, kung itinuturo mo ang awitin na “Ang Bakal na Gabay” (Mga Himno, blg. 174), maaari kang maglagay sa buong silid ng mga larawan na nagpapakita ng mahahalagang salita mula sa awitin (tulad ng bakal, salita ng Diyos, gabay, tukso, at langit). Hilingin sa mga bata na tipunin ang mga larawan at itaas ang mga ito ayon sa tamang pagkakasunud-sunod habang kinakanta ninyo nang sama-sama ang awitin.

Magbahagi ng isang object lesson. Maaari kayong gumamit ng isang bagay upang mahikayat ang talakayan tungkol sa isang awitin. Halimbawa, binanggit ang isang maliit na binhi sa awitin na “Pananalig” (Aklat ng mga Awit Pambata, 50–51). Maaari ninyong ipakita sa mga bata ang isang binhi at pag-usapan kung paano natin ipinapakita ang ating pananampalataya kapag nagtatanim tayo ng isang binhi; maaari itong humantong sa isang talakayan tungkol sa mga paraan ng pagpapakita natin ng pananampalataya kay Jesucristo, tulad ng inilarawan sa awitin.

Mag-anyaya ng pagbabahagi ng mga personal na karanasan. Tulungan ang mga bata na iugnay ang mga alituntuning itinuturo sa awitin sa mga karanasan nila sa mga alituntuning iyon. Halimbawa, bago awitin ang “Templo’y Ibig Makita” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99), maaari mong hilingin sa mga bata na itaas ang kanilang mga kamay kung nakakita na sila ng isang templo. Anyayahan silang isipin, habang kumakanta, kung ano ang nararamdaman nila kapag nakakakita sila ng isang templo.

Magtanong. Marami kang maaaring itanong habang umaawit kayo. Halimbawa, maaari ninyong itanong sa mga bata kung ano ang natutunan nila mula sa bawat taludtod sa awitin. Maaari rin ninyong hilingin sa kanila na mag-isip ng mga tanong na sinasagot ng awitin. Maaari itong humantong sa isang talakayan tungkol sa mga katotohanang itinuturo sa awitin.

Makinig para sa mga sagot. Hilingin sa mga bata na makinig para sa mga sagot sa mga tanong na tulad ng “sino?” “ano?” “saan?” “kailan?” o “bakit?” Halimbawa, sa awit na “Ang Katapangan ni Nephi” (Aklat ng mga Awit Pambata, 64–65), maaari nilang pakinggan kung sino ang inutusang kumuha ng mga lamina at saan, kailan, paano, at bakit niya sinunod ang Panginoon. Maaari rin ninyong hilingin sa mga bata na makinig para sa mga pangunahing salita o magbilang sa kanilang mga daliri kung ilang beses nila inawit ang isang partikular na salita.

Pagtulong sa mga Bata na Matutunan at Maalala ang mga Awitin sa Primary

Natututunan ng mga bata ang isang awitin sa pamamagitan ng paulit-ulit na pakikinig at pagkanta nito. Palaging kantahin sa mga bata ang mga salita ng isang bagong awitin—huwag itong basta basahin o bigkasin lamang sa kanila. Nakatutulong ito para maiugnay ng mga bata ang tono sa mga salita. Matapos ituro ang isang awitin, pag-aralan itong muli sa iba’t ibang masasayang paraan sa buong taon. Nasa ibaba ang ilang ideya upang matulungan ang mga bata na matutunan at pag-aralang muli ang mga awitin.

Gumawa ng mga karatula. Magpakita ng mga karatula na may mga salita mula sa bawat taludtod o mga larawan na kumakatawan sa mga salita. Habang kumakanta ang mga bata, takpan ang ilan sa mga salita o larawan hanggang sa makanta na nila ang buong taludtod nang wala ang karatula. Maaari rin ninyong anyayahan ang mga bata na tulungan kayong gumawa ng mga poster.

Gumalaw ayon sa tono. Upang matulungan ang mga bata na matutunan ang tono ng isang awitin, itaas ang inyong kamay sa pahalang na posisyon, at habang inaawit ang mga salita, itaas ang inyong kamay upang ipahiwatig ang matataas na tono, at ibaba ito upang ipahiwatig ang mabababang tono.

Alingawngaw. Anyayahan ang mga bata na maging alingawngaw ninyo sa pamamagitan ng pag-uulit ng mga kinakanta ninyo. Kantahin sa mga bata ang isang maikling parirala o isang linya, at pagkatapos ay ipakanta ito sa kanila.

Gumamit ng iba’t ibang paraan. Awitin ang mga kanta sa iba’t ibang paraan, tulad ng pagbulong, paghuni, pagpalakpak sa tempo, pagbabago ng bilis, o pagkanta habang nakaupo at nakatayo. Maaari rin kayong gumawa ng isang cube na yari sa papel at, sa bawat panig ng cube, sumulat ng iba’t ibang paraan ng pagkanta. Anyayahan ang isang bata na pagulungin ang cube upang malaman kung paano kakantahin ng mga bata ang awitin.

Grupu-grupong pag-awit. Bigyan ang bawat klase o ang bawat indibiduwal ng isang parirala na kakantahin nang nakatayo, at pagkatapos ay sabihin sa kanila na makipagpalitan ng mga parirala hanggang sa ang bawat klase o indibiduwal ay nagkaroon ng pagkakataon na kantahin ang bawat parirala.

Gumamit ng mga paggalaw ng mga kamay. Anyayahan ang mga bata na mag-isip ng mga simpleng galaw ng mga kamay na tutulong sa kanilang matandaan ang mga salita at mensahe ng isang awitin. Halimbawa, kapag kinanta ninyo ang ikalawang taludtod ng “Ako ay Mahal ng Ama sa Langit” (Aklat ng mga Awit Pambata, 16–17), maaari ninyong anyayahan ang mga bata na ituro ang kanilang mga mata, kumilos na parang paruparo, at ilagay ang kanilang kamay sa likod ng kanilang mga tainga. Hilingin sa kanila na ilagay ang kanilang mga kamay sa tapat ng kanilang mga puso habang kinakanta nila ang, “Ako ay mahal ng Ama sa Langit.”

Sama-samang kumanta ang mga babae, sama-samang kumanta ang mga lalaki. Magdrowing ng larawan ng isang lalaki at ng larawan ng isang babae, at idikit o iteyp ang mga ito sa magkahiwalay na patpat. Habang pinag-aaralang muli ang isang awitin, itaas ang isa sa mga larawan upang maipahiwatig kung sino ang dapat kumanta ng bahaging iyon ng awitin.

Pag-itsa sa basket. Maglagay ng mga basket o ibang lalagyan na may numero sa harap ng silid—kasing dami ng lalagyan ang mga taludtod ng isang partikular na awitin. Anyayahan ang isang bata na mag-itsa ng isang beanbag o nilukot na papel sa loob ng o malapit sa lalagyang mayroong numero. Ipakanta sa mga bata ang taludtod na pareho ang numero ng nasa lalagyan.

Itugma ang isang larawan sa isang parirala. Isulat ang bawat linya ng isang awitin sa iba’t ibang piraso ng papel, at maghanap ng larawan na kumakatawan sa bawat linya. Ilagay ang mga larawan sa isang panig ng silid at ang mga papel sa kabilang panig. Kantahin ang awitin, at hilingin sa mga bata na itugma ang mga larawan sa mga salita.

Paalala: Ang pagbanggit sa mga ward at bishopric ay tumutukoy rin sa mga branch at branch presidency.