Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Disyembre 16–22. Pasko: ‘Mabubuting Balita ng Malaking Kagalakan’


“Disyembre 16–22. Pasko: ‘Mabubuting Balita ng Malaking Kagalakan’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Disyembre 16–22. Pasko,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

ang sanggol na si Jesus sa sabsaban

Ligtas sa Kuwadra, ni Dan Burr

Disyembre 16–22.

Pasko

“Mabubuting Balita ng Malaking Kagalakan”

Ang lesson na ito ay isang pagkakataon para tulungan ang mga batang tinuturuan mo na ipagdiwang ang pagsilang, buhay, at misyon ng Tagapagligtas sa Kapaskuhan. Isaisip ang ideyang ito habang naghahanda kang magturo.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Ipakita ang larawan mula sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya, at anyayahan ang mga bata na ibahagi ang alam nila tungkol sa pagsilang ng Tagapagligtas.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Nakababatang mga Bata

Mateo 2:1–12; Lucas 2:1–14

Pumarito si Jesucristo sa lupa bilang isang sanggol.

Ang kuwento ng pagsilang ni Jesucristo ay nakakawili sa mga bata. Anong mga katotohanan sa doktrina ang nakikita mo sa kuwentong ito na sa tingin mo ay dapat maunawaan ng mga bata?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Basahin ang Lucas 2:1–14 sa mga bata, o ilarawan ang mga kaganapan sa mga talatang ito sa pamamagitan ng pagsangguni sa “Kabanata 5: Isinilang si Jesucristo,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 13–15. Anyayahan ang mga bata na idrowing ang mga kaganapang ito at gamitin ang mga drowing para ikuwento nila ito mismo. Bakit ka masaya na naparito sa lupa si Jesus bilang isang sanggol?

  • Hilingin sa mga bata na magkuwento sa iyo tungkol sa mga Pantas na sumunod sa bituin upang hanapin si Jesus. Kung kailangang ipaalala sa kanila ang kuwento, tingnan sa Mateo 2:1–12 o sa “Kabanata 7: Ang mga Pantas na Lalake,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 18. Magtago ng isang larawan ni Jesus sa silid. Magdrowing o gumupit ng isang bituing papel at itaas ito sa hangin. Anyayahan ang mga bata na magkunwaring mga pantas na lalaki na may dalang mga regalo, at gabayan sila sa paligid ng silid para hanapin si Jesus. Ano ang ilang regalong maibibigay natin kay Jesus sa ating buhay ngayon?

  • Kumanta kayo ng mga bata ng ilang awiting Pamasko, tulad ng “O Magsaya” at “Kay Tahimik ng Paligid” (Mga Himno, blg. 121, 125) o “Nagniningning ang mga Tala,” “Doon sa May Sabsaban,” at “Tahan na, Anak Ko” (Aklat ng mga Awit Pambata, 24, 26–27, 30).

Juan 3:16

Ginawang posible ni Jesucristo na makapiling kong muli ang Ama sa Langit balang araw.

Nauunawaan ba ng mga batang tinuturuan mo kung bakit naparito sa lupa si Jesucristo? Maglaan ng oras para pagnilayan kung ano ang nagawa ng Tagapagligtas para sa iyo mismo at kung paano mo maipapaunawa sa mga bata ang nagawa Niya para sa kanila.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Magdala ng isang nakabalot na regalo sa klase na may larawan ni Jesucristo sa loob. Lagyan ng etiketa ang regalo na may nakasulat na “Juan 3:16,” at sabihin sa mga bata na ito ay isang clue tungkol sa nilalaman ng regalo. Basahin ang Juan 3:16 sa mga bata, at anyayahan silang hulaan ang nasa loob ng regalo at buksan ito. Bakit isinugo sa atin ng Diyos ang Kanyang Anak?

  • Pumili ng mga larawan mula sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo (tulad ng blg. 1, 30, 35–6684) na naglalarawan ng ilan sa mga paraan na pinagpala ni Jesus ang ibang mga tao noong nabubuhay Siya sa lupa. Hayaang hawakan ng mga bata ang mga larawan habang ikinukuwento mo ang mga ito. Maaari kang pumili ng mga larawan na nauugnay sa mga titik ng “Isinugo, Kanyang Anak” at “Ang mga K’wento kay Jesus” (Aklat ng mga Awit Pambata, 20–21, 36) at hayaang itaas ng mga bata ang mga larawan habang kinakanta nila ang mga awiting ito.

  • Anyayahan ang mga bata na isalaysay ang paborito nilang kuwento tungkol kay Jesus. Pagkatapos ng bawat kuwento, tulungan ang mga bata na tapusin ang pangungusap na ito: “Si Jesucristo ay naparito sa lupa upang .” Pagkatapos ay magpakita ng mga larawan na may kaugnayan sa nagbabayad-salang sakripisyo, kamatayan, at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 56, 57, 58, 59) at ikuwento nang kaunti ang tungkol sa mga pangyayaring ito. Magpatotoo na naparito si Jesucristo sa lupa upang mamatay para sa atin at mabuhay na mag-uli upang makabalik tayo sa Ama sa Langit.

    si Jesus na nakaluhod sa Halamanan ng Getsemani

    Getsemani, ni J. Kirk Richards

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Nakatatandang mga Bata

Mateo1:18–25; 2:1–12; Lucas 1:26–38; 2:1–20

Pumarito si Jesucristo sa lupa bilang isang sanggol.

Paano mo matutulungan ang mga bata na magtuon kay Jesucristo sa araw ng Pasko?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Anyayahan ang isa sa mga bata na basahin ang mga kaganapang may kaugnayan sa pagsilang ng Tagapagligtas sa Mateo 1:18–25; 2:1–12; Lucas 1:26–38; 2:1–20. Hilingin sa iba pang mga bata na maghalinhinan sa pagdodrowing sa pisara ng inilalarawan ng mga talata sa banal na kasulatan. Ano ang itinuturo sa atin ng mga kuwentong ito tungkol kay Jesucristo?

  • [NO TRANSLATION] Ipasulat sa mga bata ang anumang magagawa nila na makakatulong sa kanila na magtuon kay Jesucristo sa Kapaskuhan. Anyayahan silang ibahagi ang kanilang isinulat.

  • Anyayahan ang mga bata na isulat sa ilang piraso ng papel ang mga bagay na maaari nilang gawin para makatuon sila sa Tagapagligtas sa Kapaskuhan. Ilagay ang kanilang papel sa mga supot o iba pang mga lalagyan para maiuwi ng mga bata. Maaaring ibilang sa ilang ideya ang magbasa ng mga banal na kasulatan, kumanta ng mga himnong Pamasko, at gumawa ng mga bagay na nagpapakita ng taos-pusong pagmamahal.

  • Kumanta ng mga awiting Pamasko tungkol sa Tagapagligtas (tingnan sa Aklat ng mga Awit Pambata, 20–32; Mga Himno, blg. 121–131), at anyayahan ang mga bata na magbahagi ng paborito nilang linya o mga kataga mula sa mga awitin.

Juan 3:16

Ginawang posible ni Jesucristo na makapiling kong muli ang Ama sa Langit balang araw.

Paano mo matutulungan ang mga bata na repasuhin ang natutuhan nila ngayong taon at maunawaan kung bakit kailangan nila si Jesucristo sa kanilang buhay?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Isulat sa dalawang piraso ng papel ang Sino si Jesucristo? at Bakit Siya pumarito sa lupa? at idikit ang mga ito sa magkaibang dingding ng silid-aralan. Anyayahan ang bawat bata na basahin ang isa sa sumusunod na mga talata: Mateo 16:15–16; Juan 3:16; 1 Nephi 10:4; Mosias 3:8; Alma 7:10–13; 3 Nephi 27:14–15. Ipahanap sa mga bata ang mga sagot sa dalawang tanong na nasa mga dingding sa mga talatang binasa nila. Anyayahan silang isulat ang mga sagot sa mga piraso ng papel at idikit ang mga ito sa dingding sa tabi ng angkop na tanong. Paano natin maipapakita ang ating pasasalamat sa nagawa ng Tagapagligtas para sa atin?

  • Anyayahan ang mga bata na ilista sa pisara ang lahat ng pangalan o titulo ni Jesus na maiisip nila. Ano ang itinuturo sa atin ng mga pangalang ito tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang misyon? Bakit natin kailangan si Jesucristo sa ating buhay? [NO TRANSLATION]

icon ng pag-aaral

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na maghanap ng kahit isang paraan para mapaglingkuran ang ibang tao o mas mapalapit kay Jesucristo ngayong Pasko.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Gusto ng mga bata na ibinabahagi ang natututuhan nila. Kahit ang mga bata ay mapapalakas ang mga miyembro ng kanilang pamilya. Hikayatin ang mga batang tinuturuan mo na ibahagi sa kanilang pamilya ang isang bagay na natutuhan nila sa Primary. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas 30.)