Seminary
Doktrina at mga Tipan 84: Buod


“Doktrina at mga Tipan 84: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 84,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 84

Doktrina at mga Tipan 84

Buod

Pagkauwi mula sa kanilang mga misyon, isang grupo ng mga Elder ang nakipagpulong kay Propetang Joseph Smith. Habang sama-samang nagdarasal, ang Propeta ay nakatanggap ng paghahayag na nagbigay ng mga kabatiran tungkol sa kapangyarihan ng kabanalan na maaaring matamo ng kababaihan at kalalakihan sa pamamagitan ng mga ordenansa ng priesthood. Ipinaliwanag din ng Tagapagligtas ang sumpa at tipan na naaangkop sa Kanyang kapangyarihan ng priesthood, at iniutos sa Kanyang mga disipulo na patotohanan ang Kanyang ebanghelyo sa buong mundo.

icon ng training Magtanong ng mga bagay na nag-aanyaya ng introspeksyon: Ang personal na introspeksyon at pagsusuri sa sarili ay maaaring makapag-anyaya sa Espiritu Santo na tulungan ang bawat estudyante na makita ang mga bagay sa “kung ano talaga ang mga ito, at … kung ano talaga ang kahahantungan nito” (Jacob 4:13). Ang epektibong pagsusuri sa sarili ay nakatutulong sa mga estudyante na pag-isipan ang kasalukuyang nauunawaan nila at ang pagiging nauugnay ng mga katotohanan ng ebanghelyo, gayundin kung paano ipapamuhay ang mga ito. Para sa karagdagang impormasyon sa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Ang Tagapagligtas ay Nagbigay ng mga Pagkakataon sa mga Tao na Maturuan ng Espiritu Santo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 84:1–32.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 84:1–32

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pagtanggap ng kapangyarihan ng kabanalan na ibinibigay ni Jesucristo sa pamamagitan ng Kanyang mga ordenansa ng priesthood.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan kung ano ang alam nila tungkol sa mga ordenansa ng priesthood at kung bakit mahalaga ang mga ito sa kanilang buhay bilang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Doktrina at mga Tipan 84:33–44

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pag-unawa sa sumpa at tipan ng priesthood.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin kung paano sila pinagpala sa pamamagitan ng paggawa at pagtupad ng mga tipan sa Diyos. Hilingin sa kanila na maghandang magbahagi kung paano nag-ibayo ang kapangyarihan ng Diyos sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pagsisikap nilang tuparin ang kanilang mga tipan.

  • Handout: “Palalimin ang Iyong Pag-unawa sa Sumpa at Tipan ng Priesthood (Bahagi 1 at Bahagi 2)”

Doktrina at mga Tipan 84:49–102

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang pagnanais na tulad ng kay Cristo na ibahagi ang ebanghelyo sa lahat ng tao sa mundo.

  • Paghahanda ng estudyante Anyayahan ang mga estudyante na magtanong sa isang tao tungkol sa mga pagpapala ng pagtanggap sa Panginoong Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo. Kung maaari, anyayahan sila na magtanong sa isang taong nabinyagan matapos siyang maturuan ng mga missionary.

  • Larawang ipapakita: Mapa ng mundo

  • Mga Video:A Change of Heart“ (4:39)

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 6

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga katotohanang itinuro sa mga doctrinal mastery passage at matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na magtanong sa isang nakatatandang kapamilya o lider ng Simbahan kung bakit pinipili nila na manatiling aktibo sa Simbahan at maging tapat sa ebanghelyo ni Jesucristo.