“Doktrina at mga Tipan 88: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 88,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 88
Doktrina at mga Tipan 88
Buod
Noong huling bahagi ng Disyembre ng 1832 at sa unang bahagi ng Enero ng 1833, naghayag ang Panginoon ng isang mensahe na tinawag ni Joseph Smith bilang “dahon ng olibo.” Ang mensaheng ito ng kapayapaan mula sa Panginoon ay naghayag ng maraming katotohanan ng walang hanggang kahalagahan, kabilang na ang kapangyarihang ginagamit Niya upang pamahalaan ang Kanyang mga nilikha at ang katotohanan tungkol sa Kanyang walang hanggang batas. Itinuro ng Tagapagligtas ang tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli at na itinatakda ng batas na sinusunod natin ang kaluwalhatiang matatanggap natin kapag tayo ay nabuhay na mag-uli. Inanyayahan Niya ang Kanyang mga tagasunod na magsilapit sa Kanya. Siya ay nag-utos sa Kanyang mga tao na magtayo ng templo at nagbigay ng mga tagubilin na itatag ang Paaralan ng mga Propeta.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Doktrina at mga Tipan 88:1–13, 41–50
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas mapahalagahan ang impluwensya ng Liwanag ni Cristo sa kanilang buhay.
Doktrina at mga Tipan 88:14–41
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang kumpiyansa na matatanggap nila ang kaluwalhatiang selestiyal.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng maikling listahan ng kung paano kapaki-pakinabang ang mga batas sa ating buhay. Hikayatin silang maging handa na ibahagi ang kanilang mga naisip.
Doktrina at mga Tipan 88:51–95
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matanggap ang mga pagpapala ng paglapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na manalangin at itanong sa Ama sa Langit kung ano ang magagawa nila para mas mapalapit sa Kanya at kay Jesucristo.
-
Video: “How I #HearHim: Elder Dale G. Renlund” (3:00)
Doktrina at mga Tipan 88:76–80, 117–141
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matuto sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa iba’t ibang sitwasyon.
-
Paghahanda ng estudyante: Hikayatin ang mga estudyante na pagnilayan ang anumang ginagawa nila para malaman ang tungkol kay Jesucristo at mapalakas ang pananampalataya sa Kanya. Hikayatin sila na maghandang magbahagi sa klase ng mga ideya at progreso.
-
Video: “Yakapin ang Bukas nang may Pananampalataya” (16:24; panoorin mula sa time code na 10:28 hanggang 11:20)
-
Mga Item: Isang bag na ginagamit sa paaralan at ilang piraso ng papel