Seminary
Lesson 172: Mga Tool sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan: Paggamit ng mga Tulong sa Pag-aaral


“Mga Tool sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan: Paggamit ng mga Tulong sa Pag-aaral,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Mga Tool sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 172: Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Tool sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Paggamit ng mga tulong sa pag-aaral

estudyante na nagmamarka ng mga banal na kasulatan

Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mapagbuti ang iyong personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan at mapalakas ang iyong kaugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng paggamit ng mga tool sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng mga kasangkapan o tool na maaaring makuha at makatutulong sa atin sa mundo ngayon na wala sa atin noong nakaraang 50 taon. Sabihin sa kanila na maging handang ipaliwanag kung ano ang kaibhang nagagawa ng mga kasangkapan o tool na ito sa ating buhay.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga Kasangkapan o Tool

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na larawan (o iba pang mga katulad na larawan) at anyayahan ang mga estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong.

kabayo at araro
traktora
isang taong nakasakay sa kabayo
eroplanong lumilipad
  • Paano nakaimpluwensya ang mga kasangkapan o tool na ito sa kakayahan nating maglakbay at magtrabaho?

  • Ano pang ibang kasangkapan o tool ang nabuo sa paglipas ng mga taon na nakadagdag sa kakayahan nating gumawa ng mga bagay-bagay?

  • Paano maiiba ang buhay kung hindi natin alam ang mga kasangkapan o tool na ito o kung paano gamitin ang mga ito?

Tulad sa paglalakbay at pagtatrabaho, may mga kasangkapan o tool na makatutulong sa atin na pag-aralan ang mga banal na kasulatan at mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Ibinahagi ni Brother Tad R. Callister, dating Sunday School General President, ang sumusunod:

Pangulong Tad R. Callister

Ang kasalukuyang henerasyon ay tumutuklas ng mga katotohanan, ideya, at karagdagang pagpapatibay na hindi alam ng marami sa mga ninuno nito—hindi dahil ang kasalukuyang henerasyon ay talagang mas matuwid, at hindi rin dahil mas matalino sila, kundi dahil mas maganda ang kanilang mga kasangkapan o tool. Ang pinakamaalam na magsasaka na may kabayo at araro ay walang sinabi sa isang magsasaka na kasinggaling niya na may high-tech na traktor na magagamit. Ang mathematician na may slide rule ay walang panama sa kanyang kasamahan na may mabilis na computer. Hinding-hindi matutuklasan ng isang Galileo na may hawak na teleskopyo ang sansinukob tulad ng Galileo na may pinakamakabagong teleskopyo na magagamit niya kung paano niya gusto. Kailangang asahan ng Panginoon ang marami pa sa atin sa pag-aaral ng ebanghelyo kaysa noong nakaraang mga henerasyon, dahil mas marami tayong magagamit. (Tad R. Callister, The Infinite Atonement [2000], 21)

Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Gaano mo nalalaman ang tungkol sa mga tool sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na makatutulong sa iyong makahanap ng mga sagot sa iyong mga tanong at mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

  • Sa iyong palagay, gaano kahusay mo nagagamit ang mga ito?

Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, hangaring mas maunawaan ang mga tool sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan at kung paano makatutulong sa iyo ang mga ito.

Bigyang-kahulugan: Paggamit ng mga tool sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan

Gawin ang mga sumusunod upang matulungan ang mga estudyante na malinaw na maunawaan kung ano ang mga tool sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip at sumulat ng anumang tool sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na alam nila na inilaan ng Panginoon para tulungan tayong masagot ang ating mga tanong at mas mapalapit sa Kanya. Maaari mong idagdag ang alinman sa mga sumusunod na kasangkapan o tool na hindi nabanggit ng mga estudyante.

Mga Footnote

Gabay sa mga Banal na Kasulatan

Mga Mapa

Mga Larawan ng Kasaysayan ng Simbahan

Ituro ang iba’t ibang kasangkapan o tool sa pisara at itanong sa mga estudyante kung ano ang mga ito at saan nila makikita ang mga ito. Kung hindi pamilyar ang mga estudyante sa alinman sa mga ito, maaari mong gamitin ang mga sumusunod na paliwanag at ipakita sa mga estudyante kung nasaan ang mga ito.

Mga footnote—Ang mga footnote ay natutukoy sa pamamagitan ng maliliit na lowercase na letra sa isang talata na nagtuturo sa iyo sa ibaba ng page kung saan ka makakakita ng mga karagdagang scripture reference o paksa na may kaugnayan sa talata. Sa Gospel Library app, ang pag-tap sa footnote ay magpapakita ng parehong impormasyon.

Gabay sa mga Banal na Kasulatan—Ang resource na ito ay naglalaman ng maikli at simpleng kahulugan ng mga salita sa banal na kasulatan kasama ang ilang scripture reference na may kaugnayan sa bawat kataga. Makikita ito sa dulo ng Aklat ni Mormon o sa Gospel Library app sa ilalim ng Mga Banal na Kasulatan, pagkatapos ay sa Mga Tulong sa Pag-aaral.

Mga Mapa at Mga Larawan ng Kasaysayan ng Simbahan—Ang resources na ito ay makikita sa dulo ng triple combination o sa Gospel Library app sa ilalim ng Mga Banal na Kasulatan, pagkatapos ay sa Mga Tulong sa Pag-aaral.

Ipakita

Para maipakita ang paggamit ng mga tool sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan bilang isang klase, gawin ang sumusunod na aktibidad:

Isipin ang nalalaman mo at ang gusto mong malaman tungkol sa kapatawaran.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 64:9–11, at maghanap ng mga katotohanan tungkol sa kapatawaran.

  • Ano ang natutuhan mo? Ano ang mas nauunawaan mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa tulong ng mga talatang ito?

    Ngayon, sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung anong mga tool ang posible nilang gamitin para mapalalim ang kanilang pang-unawa. Habang nagbabahagi ng tool ang isang estudyante, itanong sa kanya kung paano ito gamitin, at sabihin sa lahat ng estudyante na sundin ang kanyang itinuturo. Halimbawa, maaari niyang hanapin ang mga banal na kasulatan na nasa mga footnote sa mga talatang ito. Maaari din nilang hanapin ang “Jesucristo” o “Tubos, Tinubos, Pagtubos” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

    Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila at kung bakit ito makabuluhan sa kanila.

  • Paano nakatulong sa iyong pag-aaral ang mga tool na ito sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan?

Magsanay

Sabihin sa mga estudyante na lumapit at isulat sa pisara ang mga paksa ng ebanghelyo o mga tanong na nais nila o ng ibang taong kilala nila na mas malaman pa o masagot. Bilang alternatibo, maaari kang gumamit ng anonymous polling tool para makuha ang kanilang mga sagot.

Kung nahihirapan ang mga estudyante na mag-isip ng mga ideya, maaari mong isulat sa pisara ang mga sumusunod na paksa. Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa mga paksang ito (o iba pang paksang pipiliin nila) kung saan sila may mga tanong o sa palagay nila ay mas maglalapit sa kanila kay Jesucristo kapag pinag-aralan nila:

  • Kapatawaran

  • Pagtanggap ng paghahayag

  • Ama sa Langit

  • Bakit natin kailangan si Jesucristo

  • Buhay bago tayo isinilang

  • Daigdig ng mga espiritu

  • Huling Paghuhukom

  • Pag-aasawa at pamilya

  • Ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Bilang alternatibo, maaaring isadula ng mga estudyante ang tungkol sa isang kaibigan na gustong malaman pa ang tungkol sa isa sa mga paksa sa itaas.

Gamit ang mga tool sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan, maglaan ng ilang minuto para pag-aralan ang paksa o tanong na ito. Maghanap ng mga katotohanang makabuluhan sa iyo, sumasagot sa iyong mga tanong, o mas naglalapit sa iyo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Pagkalipas ng sapat na oras, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi sa ka-partner o sa maliliit na grupo ang natutuhan nila at kung paano sila natuto. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na sagutin ang sumusunod na tanong sa pagtatapos ng klase:

  • Paano nakakaimpluwensya ang patuloy na paggamit ng mga tool na ito sa iyong personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa iyong kaalaman at kaugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?