Lesson 169—Pagtuon kay Jesucristo sa mga Banal na Kasulatan: Pag-aaral ng mga Pangalan, Titulo, at Katangian ng Tagapagligtas
“Lesson 169—Pagtuon kay Jesucristo sa mga Banal na Kasulatan: Pag-aaral ng mga Pangalan, Titulo, at Katangian ng Tagapagligtas,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Pagtuon kay Jesucristo sa mga Banal na Kasulatan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 169: Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Pagtuon kay Jesucristo sa mga Banal na Kasulatan
Pag-aaral ng mga Pangalan, Titulo, at Katangian ng Tagapagligtas
Ang isa sa mga pangunahing layunin ng mga banal na kasulatan ay tulungan tayong matutuhan ang tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Kapag mas marami tayong natututuhan tungkol sa Kanila, mas lalong lumalaki ang ating pananampalataya sa Kanila. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kayong tumuon sa Tagapagligtas habang pinag-aaralan ninyo ang mga banal na kasulatan, lalo na ang Doktrina at mga Tipan.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ano ang nakikita ninyo?
Tingnan ang sumusunod na malabong larawan at subukang ilarawan kung ano sa palagay ninyo ang nangyayari.
Pagkatapos, tingnan ang parehong larawan na inayos ang focus o pinalinaw.
Anong mga detalye ang napansin ninyo ngayong malinaw na ang larawan?
Habang tinitingnan ninyo ang larawang ito, ano ang naiisip o nadarama ninyo tungkol sa Tagapagligtas?
Ang ibig sabihin ng salitang ipokus ay gawing mas malinaw ang isang bagay, gawin itong sentro ng interes, o lalo pang bigyang-pansin.
Ano ang ilang paraan na mapagsisikapan nating magpokus o magtuon sa Tagapagligtas habang pinag-aaralan natin ang mga banal na kasulatan?
Bakit kaya natin gugustuhing tumuon sa Kanya?
Sa pag-aaral ninyo ng lesson na ito, humingi ng patnubay mula sa Espiritu Santo at alamin ang mga dahilan kung bakit maaaring isang pagpapala para sa inyo na magtuon sa Tagapagligtas sa inyong pag-aaral ng banal na kasulatan. Pag-isipan ang mga paraan na mapagtutuunan ninyo Siya sa inyong pag-aaral.
Ipaliwanag: Tukuyin ang mga pangalan at titulo ni Jesucristo
Ipakita
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 6:21 at hanapin ang isa o mahigit pang mga pangalan o titulo na ginamit ni Jesus para ilarawan ang Kanyang sarili.
Ano ang nahanap ninyo?
Ano ang matututuhan natin tungkol kay Jesus mula sa iba’t ibang pangalan o titulo na ito?
Bakit makabuluhan sa inyo ang titulong iyon? Sa anong mga paraan makatutulong sa inyo ngayon sa inyong buhay ang pagkaunawang ito tungkol kay Jesucristo?
Para matulungan kayo na pag-isipan ang kahalagahan ng mga pangalan at titulo, panoorin ang video na “‘Nombre’—What Should We Name Him?” (1:47) matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.
1:47
Magsanay
Patuloy na magsanay na tumukoy ng iba’t ibang pangalan at titulo ni Jesus sa Doktrina at mga Tipan. Ang ilang talata na pinag-aaralan ninyo ay maaaring maglaman ng mahigit sa isang pangalan o titulo. Kung kailangan ninyo ng tulong para maunawaan ang kahulugan ng isang pangalan o titulo, isipin ang resources na tulad ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan, na matatagpuan sa scriptures.ChurchofJesusChrist.org.
Basahin ang ilan o lahat ng sumusunod na scripture passage at isulat sa inyong study journal ang anumang pangalan o titulo na natuklasan ninyo. Pag-isipan kung ano ang matututuhan ninyo tungkol kay Jesus mula sa pangalan o titulo at kung paano Niya kayo matutulungan sa inyong buhay.
Ipaliwanag: Alamin ang mga banal na katangian ng Tagapagligtas
Ang isa pang paraan para makatuon sa Tagapagligtas habang pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan ay hanapin ang Kanyang mga banal na katangian. Ang katangian ay uri ng pag-uugali o katauhan na angkin o tinaglay ng isang tao, tulad ng katapatan o kabaitan.
Ipakita
Magsanay
Basahin ang ilan o lahat ng sumusunod na scripture passage at alamin ang mga banal na katangian ng Tagapagligtas. Pumili ng isang katangian na makabuluhan sa inyo at maikling ipaliwanag kung paano makatutulong sa inyo ang pagtukoy sa katangiang iyon ng Tagapagligtas para lalo ninyo Siyang mahalin at pagkatiwalaan.