Lesson 171: Paglalagay ng Anotasyon sa mga Banal na Kasulatan: Pagmamarka at Pagdaragdag ng mga Tala
“Paglalagay ng Anotasyon sa mga Banal na Kasulatan: Pagmamarka at Pagdaragdag ng mga Tala,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Paglalagay ng Anotasyon sa mga Banal na Kasulatan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 171: Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Paglalagay ng Anotasyon sa mga Banal na Kasulatan
Pagmamarka at Pagdaragdag ng mga Tala
Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magmarka at magdagdag ng mga tala sa kanilang mga banal na kasulatan sa paraang magiging mas makabuluhan ang kanilang pag-aaral at mas mapapalapit sila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Gawing mas makabuluhan ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan
Iniutos sa atin ng Tagapagligtas na huwag basta basahin ang mga banal na kasulatan kundi “saliksikin,” “pag-aralan,” at “magpakabusog” sa Kanyang mga salita (Doktrina at mga Tipan 1:37; 11:22; 2 Nephi 32:3). Sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan, makikilala natin Siya at madarama ang Kanyang pagmamahal (tingnan sa Juan 5:39; Jacob 3:2).
Ano ang ilan sa mga bagay na nagawa (o magagawa) mo para maging mas makabuluhan sa iyo ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan?
Bigyang-kahulugan: Pagmamarka ng mga banal na kasulatan
Ang isang paraan para maging makabuluhan ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay magmarka at magdagdag ng mga tala sa iyong mga banal na kasulatan. Sa pag-aaral mo ng lesson na ito, maghanap ng mga paraan na maaari mong markahan ang iyong mga banal na kasulatan para matulungan kang mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Ipakita: Pagmamarka ng mga banal na kasulatan
“A Marking System That Works for You” (1:56). Sa video na ito, inilalarawan ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paano niya minamarkahan ang mga banal na kasulatan.
1:58
“Marking Scriptures” (1:45). Sa video na ito, ipinapakita ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan kung paano niya minamarkahan ang mga banal na kasulatan.
2:3
Ano ang ilang dahilan kung bakit minamarkahan ng mga tao ang kanilang mga banal na kasulatan?
Sa iyong palagay, paano makatutulong sa iyo ang pagmamarka ng iyong mga banal na kasulatan?
Magsanay: Pagmamarka ng mga banal na kasulatan
Para magsanay magmarka, basahin ang Doktrina at mga Tipan 68:5–6 at markahan kung ano ang makabuluhan sa iyo. Maaari mong bigyan ng partikular na pansin ang natutuhan mo tungkol sa Tagapagligtas at kung ano ang nadarama Niya tungkol sa iyo.
Anong mga salita o parirala ang minarkahan mo? Bakit pinakamahalaga ang mga ito sa iyo?
May iba ka bang nadama tungkol sa iyong mga banal na kasulatan matapos mong markahan ang mga ito? Nakaapekto ba ito sa nadarama mo para sa Tagapagligtas? Kung oo, bakit?
Bigyang-kahulugan: Pag-uugnay o paggrupo ng mga talata
Makatutulong din na pag-aralan ang mga karagdagang talata tungkol sa isang paksa at iugnay o igrupo ang mga talatang ito nang sama-sama.
Ipakita: Pag-uugnay o paggrupo ng mga talata
Ano ang ilang paraan na maaari mong pag-ugnayin o paggrupu-grupuhin ang mga talata tungkol sa pagmamahal ng Tagapagligtas sa iyo?
Isulat ang mga reference sa mga blangkong pahina sa simula o katapusan ng iyong mga banal na kasulatan, o sa isang scripture journal.
Sa tabi ng isang talata sa margin, isulat ang (mga) reference sa isang kaugnay na talata.
Kapag gumagamit ng Gospel Library app, gamitin ang feature na pag-link o pag-tag.
Ang isa pang paraan para mas mapalapit sa Panginoon sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay magdagdag ng mga tala tungkol sa natutuhan mo.
Ipinaliwanag ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kahalagahan ng pagsusulat kapag pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan:
Ang pagsusulat ng ating natututuhan, naiisip, nadarama sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay isa pang uri ng pagninilay-nilay at malakas na paanyaya sa patuloy na pagtuturo ng Espiritu Santo. (“Dahil Nasa Harapan Natin ang mga Ito,” Liahona, Abril 2006, 20–1)
Ipakita: Pagdaragdag ng mga Tala
Magsanay: Pagdaragdag ng mga Tala
Tapusin ang lesson na ito sa pagsulat ng iyong mga naiisip at nadarama tungkol sa kahit isa sa mga passage na pinag-aralan mo ngayon.