“Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Buod
Ang mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay makatutulong sa atin na magkaroon ng mas magandang karanasan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan at tutulong sa atin na mas mapalapit sa Tagapagligtas na si Jesucristo. Ang pagtuon kay Jesucristo, paglalagay ng anotasyon, paghahanap ng mga katotohanan, paggamit ng mga tool sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan, at pag-unawa sa konteksto ay makatutulong para maging mas makabuluhan ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.
Pagtuon kay Jesucristo sa mga Banal na Kasulatan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na tumuon sa Tagapagligtas habang pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan, lalo na ang Doktrina at mga Tipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng pangalan o titulo ni Jesucristo sa Doktrina at mga Tipan na makabuluhan sa kanila at pumasok sa klase na handang ibahagi ang natuklasan nila.
-
Mga item na ipapakita: Malabong larawan ng Tagapagligtas at isang malinaw na kopya nito
-
Video: “‘Nombre’ – What Should We Name Him?” (1:47)
Paghahanap ng mga Katotohanan ng Ebanghelyo sa mga Banal na Kasulatan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapahusay ang kakayahan nila na mahanap ang mga katotohanan ng ebanghelyo sa mga banal na kasulatan at mas mapalapit sa Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Bilang bahagi ng kanilang araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan, sabihin sa mga estudyante na magsikap na hanapin ang mga katotohanan ng ebanghelyo na tutulong sa kanila sa kanilang buhay at isipin ang ginawa nila para mahanap ang mga ito.
-
Video: “Parable of the Gems” (6:47; panoorin mula sa time code na 2:13 hanggang 4:20)
-
Mga item na ipapakita: Isang larawan ng isang dalagitang naghahanap ng mamahaling bato at nakahanap nito sa buhanginan sa dalampasigan
-
Handout: “Paghahanap ng mga Katotohanan sa mga Banal na Kasulatan”
-
Mga Materyal: Mga piraso ng papel para sa bawat estudyante
Paglalagay ng Anotasyon sa mga Banal na Kasulatan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magmarka at magdagdag ng mga tala sa kanilang mga banal na kasulatan sa paraang nagiging mas makabuluhan ang kanilang pag-aaral at mas maglalapit sa kanila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Bilang bahagi ng kanilang araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan, sabihin sa mga estudyante na markahan kung ano ang makabuluhan sa kanila, lalo na ang mga salita o parirala na tumutulong sa kanilang maunawaan o madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Maaari silang dumating sa klase na handang ibahagi ang minarkahan nila at kung bakit.
-
Mga item na ipapakita: Ilang halimbawa kung paano maaaring markahan ng mga tao ang kanilang mga banal na kasulatan (Gayundin, kung kapaki-pakinabang, maghanda ng paraan para maipakita kung paano markahan ang mga banal na kasulatan sa Gospel Library app.)
-
Mga Video: “A Marking System That Works for You” (1:56); “Marking Scriptures” (1:45)
Mga Tool sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapagbuti ang kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan at mapalakas ang kanilang kaugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng paggamit ng mga tool sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng mga tool na makatutulong sa atin sa kasalukuyang panahon na wala noong 50 taon na ang nakararaan. Sabihin sa kanila na maging handang ipaliwanag kung ano ang kaibhang nagagawa ng mga tool na ito sa ating buhay.
-
Mga item na ipapakita: Mga larawan ng isang lalaking may araro, isang makabagong makinang pang-ani, isang taong nakasakay sa kabayo, at isang eroplano
Pag-unawa sa Konteksto ng mga Banal na Kasulatan.
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano nagagawang mas makabuluhan ng konteksto ng mga banal na kasulatan ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanda para sa lesson na ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng section heading bago pag-aralan ang isang bahagi ng Doktrina at mga Tipan. Sabihin sa kanila na alamin ang kaibhang nagagawa nito sa pag-unawa sa nilalaman ng bahagi.
-
Mga item na ipapakita: Larawan ng isang lalaking itinutulak ang isa pang lalaki at isang larawan ng isang lalaki na itinutulak ang isa pang lalaki palayo sa kotse (Kung kapaki-pakinabang, maghanda rin ng paraan para maipakita ang karagdagang resources para sa konteksto ng Gospel Library app.)