“Tulungan ang mga Ninuno na Tumanggap ng mga Sagradong Ordenansa,” Ang Aking Landas ng Tipan (2020)
“Tulungan ang mga Ninuno na Tumanggap ng mga Sagradong Ordenansa,” Ang Aking Landas ng Tipan
Tulungan ang mga Ninuno na Tumanggap ng mga Sagradong Ordenansa
Mahal ng Ama sa Langit ang mga miyembro ng iyong pamilya na pumanaw na at naghanda Siya ng paraan upang matanggap nila ang mga pagpapala ng ebanghelyo sa pamamagitan ng templo.
-
Alamin ang kahalagahan ng mga pamilya at templo. Isaalang-alang ang paggamit ng:
-
“What Is Family History?,” “How Can I Start My Family History and Temple Service?,” at “My Ancestor” sa Families and Temples, 15–19.
-
-
Mapanalanging tukuyin ang isa o higit pang mga ninuno na kapareho ng iyong kasarian na gusto mong gawan ng mga ordenansa sa templo.
-
Matuto kung paano madaling makapaghahanda at makapagpi-print ng family name card na maaari mong dalhin sa templo. Isaalang-alang ang paggamit ng:
-
Family Name Assist (familysearch.org/family-name-assist). Upang magamit ang tool na ito, kakailanganin mo ang iyong Church membership record number. Ang iyong record number ay matatagpuan sa iyong temple recommend, o maaari mong kunin ang iyong record number mula sa iyong ward clerk.
-
-
Kung maaari, gumawa ng appointment upang makadalo sa templo kasama ang ilang kapamilya, kaibigan, at miyembro ng ward nang makapagsagawa ng mga binyag para sa iyong mga yumaong ninuno. Maaari kang pumunta sa ChurchofJesusChrist.org/temple/schedule/appointment at mag-sign in gamit ang iyong Church account upang mag-iskedyul ng appointment.