“Alamin ang tungkol sa Aaronic Priesthood at sa Young Men Program,” Ang Aking Landas ng Tipan (2020)
“Alamin ang tungkol sa Aaronic Priesthood at sa Young Men Program,” Ang Aking Landas ng Tipan
Alamin ang tungkol sa Aaronic Priesthood at sa Young Men Program
Ang priesthood ay ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos na ibinibigay sa Kanyang mga lingkod sa lupa at ginagamit para pagpalain ang lahat ng Kanyang mga anak, kapwa ang kababaihan at kalalakihan. Ang mga karapat-dapat na lalaking edad 11 pataas ay maaaring tumanggap ng Aaronic Priesthood sa loob ng isang linggo matapos ang kumpirmasyon ng miyembro. Habang sumusulong sila sa landas ng tipan, matatanggap ng karapat-dapat na kalalakihan ang Melchizedek Priesthood.
-
Alamin ang tungkol sa awtoridad ng priesthood at kung paano pinagpapala ng priesthood ang lahat ng mga miyembro. Kung ikaw ay lalaki, pagtuunang mabuti ang mga tipan at tungkuling nauugnay sa Aaronic Priesthood at kung ano ang ginagawa sa Young Men program. Isaalang-alang ang paggamit ng:
-
“What Does It Mean to Be Ordained to the Priesthood?” sa Families and Temples (buklet, 2016), 5–6.
-
“The Oath and Covenant of the Priesthood Is Relevant to Women,” ChurchofJesusChrist.org.
-
“Mga Aaronic Priesthood Quorum,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 10.1, ChurchofJesusChrist.org.
-
Ang Pagpapanumbalik ng Ebanghelyo ni Jesucristo (buklet, 2008)
-
Panimulang Gabay para sa Mga Bata at Kabataan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2019), kung angkop.
-
Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili (2022).
-
-
Kung ikaw ay lalaki at edad 11 pataas, kausapin ang bishop o ang kanyang executive secretary para magpaiskedyul ng interbyu upang matanggap ang Aaronic Priesthood.