Pagpapalakas ng mga Bagong Miyembro
Tumanggap ng Temple Recommend para sa Proxy na mga Binyag at Kumpirmasyon


“Tumanggap ng Temple Recommend para sa Proxy na mga Binyag at Kumpirmasyon,” Ang Aking Landas ng Tipan (2020)

“Tumanggap ng Temple Recommend para sa Proxy na mga Binyag at Kumpirmasyon,” Ang Aking Landas ng Tipan

Larawan
dalaga at binatang nakatingin sa mga temple card

Tumanggap ng Temple Recommend para sa Proxy na mga Binyag at Kumpirmasyon

Sa templo, matutulungan mo ang iyong mga ninuno na matanggap ang mga pagpapala ng ebanghelyo ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapabinyag para sa kanila. Para makapasok sa templo, kailangan mo ng temple recommend, na makukuha sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa bishop.

  • Alamin ang kahalagahan ng mga templo at ng pagkakaroon ng temple recommend. Isaalang-alang ang paggamit ng:

  • Kausapin ang bishop o ang kanyang executive secretary para magpaiskedyul ng interbyu para matanggap ang iyong temple recommend para sa proxy na mga binyag at kumpirmasyon. Sa interbyu, itatanong sa iyo ang mga bagay na katulad ng itinanong sa iyo bago ka nabinyagan. Kahit na hindi ka nakatira malapit sa templo, ang pagkakaroon ng recommend ay makatutulong sa iyo na maghanda para sa panahon na pupunta ka. Alamin mula kay Pangulong Russell M. Nelson kung ano ang mga tanong na ito (tingnan sa “Pangwakas na Mensahe,” Liahona, Nob. 2019, 121).

  • Kung maaari, magtakda ng petsa ng pagbisita sa templo para magsagawa ng mga binyag para sa iyong mga yumaong ninuno.

Print