“Sundin ang mga Kautusan,” Ang Aking Landas ng Tipan (2020)
“Sundin ang mga Kautusan,” Ang Aking Landas ng Tipan
Sundin ang mga Kautusan
Kapag sinusunod mo ang mga kautusan, makadarama ka ng kapayapaan at kagalakan at mapapasaiyo sa tuwina ang Espiritu (tingnan sa Mosias 2:41).
-
Alamin ang kahalagahan ng pagsunod sa mga kautusan. Lalo na, talakayin sa iyong mga ministering brother o sister o sa mga missionary ang mga kautusang nakabalangkas sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo. (Ang kautusan na panatilihing banal ang araw ng Sabbath ay tinalakay sa karanasang “Panatilihing Banal ang Araw ng Sabbath.”) Isaalang-alang ang paggamit ng:
-
Ikapu at mga Handog-ayuno (buklet, 2007).
-
Ang Word of Wisdom (buklet, 2007).
-
Kalinisang-puri (buklet, 2007).
-
-
Patuloy na sundin ang mga kautusang ito. Kung nahihirapan ka sa isa o mahigit pa sa mga ito, kausapin ang iyong bishop. Nariyan siya para tulungan ka.