Pagpapalakas ng mga Bagong Miyembro
Makipagkaibigan sa mga Miyembro ng Iyong Ward


“Makipagkaibigan sa mga Miyembro ng Iyong Ward,” Ang Aking Landas ng Tipan (2020)

“Makipagkaibigan sa mga Miyembro ng Iyong Ward,” Ang Aking Landas ng Tipan

Larawan
mga babaeng magkakasamang nagtatawanan

Makipagkaibigan sa mga Miyembro ng Iyong Ward

Itinuro ni Apostol Pablo na kapag sumapi ka sa isang kongregasyon ng mga Banal, hindi ka na “dayuhan at banyaga, kundi [ikaw ay] kapwa mamamayan ng mga banal” (Efeso 2:19).

Bawat kongregasyon ng mga miyembro ng Simbahan ay parang isang malaking pamilya kung saan magkakaroon ka ng mga kaibigan at suporta. Mag-ukol ng oras na makipagkaibigan sa ilan sa mga miyembro!

  • Kung mayroon kang mobile device, i-download ang Member Tools app. Kung gumagamit ka ng Android device, maaari mong i-download ang app mula sa Google Play store. Kung gumagamit ka ng iOS device, maaari mong i-download ang app mula sa Apple App Store. Matapos i-download ang Member Tools app, mag-log in gamit ang iyong Church account. Sa app, maaari mong hanapin ang contact information ng mga tao sa inyong ward.

  • Mula sa Member Tools app, hanapin ang iyong account, i-update ang iyong contact information, at idagdag ang retrato mo. Tiyaking rebyuhin at i-update ang nilalaman ng Covenant Path Progress.

  • Mas kilalanin ang iyong mga lider (ang bishop, elders quorum president, Relief Society president, Primary president, at mga lider ng Aaronic Priesthood quorum at Young Women) at ang mga miyembro ng iyong klase o korum. Kausapin sila tungkol sa paparating na mga aktibidad, mga lesson sa hinaharap, at mga pagkakataong maglingkod.

Print