Pagpapalakas ng mga Bagong Miyembro
Alamin ang tungkol sa Primary—Paglilingkod sa mga Bata


“Alamin ang tungkol sa Primary—Paglilingkod sa mga Bata,” Ang Aking Landas ng Tipan (2021)

“Alamin ang tungkol sa Primary—Paglilingkod sa mga Bata,” Ang Aking Landas ng Tipan

Larawan
mga batang nakaupo sa klase

Alamin ang tungkol sa Primary—Paglilingkod sa mga Bata

Tinutulungan ng Primary ang mga batang edad 18 buwan hanggang 11 taon na matuto tungkol sa Ama sa Langit, sa Kanyang Anak na si Jesucristo, at sa Kanilang plano ng kaligayahan. Sa Primary, natututo ang mga bata tungkol sa pagmamahal ng Diyos para sa kanila at kung paano madama ang Kanyang pagmamahal kapag gumagawa sila ng mga tipan sa pamamagitan ng binyag, sakramento, at mga ordenansa sa templo. Tinuturuan sila sa pamamagitan ng musika, mga simpleng laro, at iba pang mga aktibidad. Tinuturuan at tinutulungan ng mga adult na guro at lider na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanila ang mga bata.

  • Alamin kung paano pinalalakas ng mga bata sa Simbahan ang isa’t isa sa pagiging higit na katulad ni Cristo. Isaalang-alang ang paggamit ng:

  • Kung ikaw ay edad-Primary, makipagkita sa Primary president at sa iyong guro sa klase.

  • Kung hindi ka edad-Primary, makipag-usap sa Primary presidency upang makapag-obserba sa oras ng pag-awit sa araw ng Linggo.

Print