“Panatilihing Banal ang Araw ng Sabbath,” Ang Aking Landas ng Tipan (2020)
“Panatilihing Banal ang Araw ng Sabbath,” Ang Aking Landas ng Tipan
Panatilihing Banal ang Araw ng Sabbath
May pagkakataon ka tuwing Linggo na ipakita ang iyong pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng ginagawa mo sa araw na iyon. Naipakikita mo ang pagmamahal na ito sa pagsisimba, pagtanggap ng sakramento, at paglilingkod sa iba. Kapag tumatanggap ka ng sakramento, inaalala mo ang sakripisyo ni Jesucristo at pinaninibago ang mga sagradong tipang ginawa mo sa binyag.
-
Alamin ang kahalagahan ng pagtanggap ng sakramento linggu-linggo, pagbabahagi ng iyong patotoo, at pagpapanatiling banal ng araw ng Sabbath. Isaalang-alang ang paggamit ng:
-
3 Nephi 18:1–12 (tingnan din sa Mateo 26:26–28; Marcos 14:22–25; Lucas 22:19–20; Doktrina at mga Tipan 20:77, 79).
-
Mga Paksa at Mga Tanong, “Patotoo,” topics.ChurchofJesusChrist.org.
-
“Sabbath Day Worship” sa Learning and Serving in the Church (buklet, 2016), 5–9.
-
-
Ang pagbabahagi ng iyong patotoo ay tutulong sa iyo na mapalakas ito! Isaalang-alang ang pagbabahagi ng iyong patotoo sa darating na testimony meeting.