Pagpapalakas ng mga Bagong Miyembro
Alamin ang tungkol sa Melchizedek Priesthood


“Alamin ang tungkol sa Melchizedek Priesthood,” Ang Aking Landas ng Tipan (2020)

“Alamin ang tungkol sa Melchizedek Priesthood,” Ang Aking Landas ng Tipan

mga lalaking nag-uusap

Alamin ang tungkol sa Melchizedek Priesthood

Sa pamamagitan ng Melchizedek Priesthood, lahat ng miyembro ng Simbahan ay mas napapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga ordenansa ng priesthood.

Tinutulungan ka ng mga ordenansang ito na gumawa ng mga sagradong tipan sa Diyos. Bagama’t kapwa kumikilos ang kalalakihan at kababaihan sa ilalim ng kapangyarihan ng Melchizedek Priesthood sa kanilang paglilingkod sa Simbahan, ang mga karapat-dapat na lalaking adult ay inoorden sa Melchizedek Priesthood at nangangasiwa sa mga ordenansa ng priesthood.

  • Alamin ang tungkol sa Melchizedek Priesthood at kung paano nito pinagpapala ang lahat ng miyembro. Isaalang-alang ang paggamit ng:

    • What Does It Mean to Be Ordained to the Priesthood?” sa Families and Temples, 5–6.

  • Kung isa kang lalaking adult, kausapin ang bishop o ang kanyang executive secretary para magpaiskedyul ng interbyu para maghanda at matanggap ang Melchizedek Priesthood.

  • Ang mga Melchizedek Priesthood holder ay maaaring magbigay ng mga basbas ng kapanatagan at maaaring basbasan ang mga maysakit. Kung maysakiat ka o kailangan mo ng basbas ng kapanatagan at nais mong tumanggap ng pagpapala, humiling ng basbas mula sa Melchizedek Priesthood holder na malapit sa puso mo.