“Pagbutihin ang Pag-aaral ng Ebanghelyo,” Ang Aking Landas ng Tipan (2020)
“Pagbutihin ang Pag-aaral ng Ebanghelyo,” Ang Aking Landas ng Tipan
Pagbutihin ang Pag-aaral ng Ebanghelyo
Mahalagang manalangin at pag-aralan nang madalas ang mga banal na kasulatan, nang mag-isa at kasama ang iyong pamilya (kung maaari). Kapag ginawa mo ito, madarama mo ang Espiritu at mapapatnubayan ka sa iyong pang-araw-araw na buhay.
-
Matuto tungkol sa pagiging mas malapit sa Tagapagligtas sa araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan at pagdarasal. Isaalang-alang ang paggamit ng:
-
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan. Ang sanggunian na ito ay maaaring maging gabay sa iyong araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan.
-
“Manalangin nang Madalas” at “Pag-aralan ang mga Banal na Kasulatan” sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo (2023), 90–92.
-
-
Kung hindi mo pa nagagawa, i-download ang Gospel Library app o magpunta sa ChurchofJesusChrist.org upang makahanap ng mga mensahe, artikulo, video, at iba pa. Kung Android device ang gamit mo, maaari mong i-download ang app mula sa Google Play store. Kung iOS device ang gamit mo, maaari mong i-download ang app mula sa Apple App Store.
-
Matutulungan ka ng mga magasin ng Simbahan na sundin ang Tagapagligtas bilang miyembro ng Kanyang Simbahan.
-
May tatlong magasin ang Simbahan: ang Liahona para sa mga adult, Para sa Lakas ng mga Kabataan para sa mga kabataan, at ang Kaibigan para sa mga bata. Maaari mong ma-access nang digital ang mga ito nang walang bayad sa bahaging “Mga Magasin” ng Gospel Library. Kung ikaw ay bagong miyembro at mas gusto mo ng nakalimbag na kopya, kontakin ang iyong bishop o branch president para sa libreng isang taong suskrisyon.
-
-
Kung ikaw ay young adult sa pagitan ng edad 18 at 30, matuto tungkol sa Institute sa pamamagitan ng pagbasa sa “The Purpose of Institute” sa ChurchofJesusChrist.org at matuto tungkol sa Lingguhang YA sa Gospel Library.
-
Mangakong pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw, lalo na ang Aklat ni Mormon, at manalangin (tingnan sa Mga Gawa 17:11).