Pagpapalakas ng mga Bagong Miyembro
Tumanggap ng Iyong Endowment


“Tumanggap ng Iyong Endowment,” Ang Aking Landas ng Tipan (2020)

“Tumanggap ng Iyong Endowment,” Ang Aking Landas ng Tipan

Larawan
mga tao sa labas ng templo

Tumanggap ng Iyong Endowment

Kung ikaw ay adult, at kapag isang taon ka nang miyembro, maaari ka nang makakuha ng temple recommend na bibigyang-daan kang makabahagi sa mga karagdagang ordenansa sa templo. Sa templo tatanggap ka ng isang ordenansang tinatawag na endowment. Sa seremonya ng endowment, mas malalaman mo ang tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo at aanyayahan kang gumawa ng mga sagradong tipan sa iyong Ama sa Langit. Ang pagtupad sa mga tipang ito ay maghahatid ng higit na kagalakan at banal na kapangyarihan sa iyong buhay. Matapos mong matanggap ang iyong endowment, maaari mong tanggapin ang ordenansang ito sa pamamagitan ng paghalili sa iyong mga ninuno.

  • Alamin ang tungkol sa endowment at kahalagahan ng mga templo. Isaalang-alang ang paggamit ng:

    • About the Temple Endowment,” temples.ChurchofJesusChrist.org.

    • How Can My Family Return to Live with God?,” “What Is the Purpose of the Temple?,” at “What Is the Temple Endowment?” sa Families and Temples, 2–5, 9–10, 21.

    • Prepare for the House of the Lord,” temples.ChurchofJesusChrist.org.

  • Habang nalalapit ang isang taong anibersaryo ng iyong binyag, magsimulang dumalo sa klase sa paghahanda para sa templo. Magpaiskedyul ng interbyu sa bishop para tumanggap ng temple recommend.

  • Magtakda ng petsa sa templo para matanggap ang iyong endowment.

Print