Karagdagang mga Tulong para sa Pag-unlad ng mga Guro
Learning Experience 1: Pamumuhay at Pagtuturo Ayon sa Pamamaraan ng Tagapagligtas


Learning Experience 1

Pamumuhay at Pagtuturo Ayon sa Pamamaraan ng Tagapagligtas

Buod

Kabilang sa learning experience na ito ang mga sumusunod na konsepto:

  • Pagtuturo, ang iyong dakilang responsibilidad

  • Si Jesus, ang Dalubhasang Guro

  • Pamumuhay at pagtuturo tulad ng Tagapagligtas

seminary class

Mga Pangunahing Konsepto

Malugod na pagbati mula sa Seminaries and Institutes of Religion (S&I). Sa mga seminary at institute program sa iba’t ibang dako ng mundo, libo-libong titser at lider ang tumutulong sa mga kabataan at young adult ng Simbahan na matutuhan at maipamuhay ang doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo ni Jesucristo. Nagpapasalamat kami sa inyong pagnanais na maglingkod sa Panginoon sa mahalagang tungkuling ito.

Ang Dakilang Responsibilidad ng Pagtuturo sa mga Anak ng Diyos

Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang sumusunod tungkol sa responsibilidad ng pagtuturo sa mga anak ng Diyos:

Elder Jeffrey R. Holland

“Kami ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nagtuturo. Mahal namin kayo at pinasasalamatan kayo nang higit sa aming masasabi. Malaki ang tiwala namin sa inyo. [Ang] makapagturo nang mabisa at madamang nagtatagumpay kayo ay [talagang mahirap na gawain]. Gayunpaman [sulit] ito. Makatatanggap tayo ng ‘walang higit na dakilang tungkulin’ [Pagtuturo, Walang Higit na Dakilang Tungkulin (mapagkukunang gabay sa pagtuturo ng ebanghelyo, 2000)]. …

“Ang ‘makalapit kay Cristo’ ang bawat isa sa atin [D at T 20:59], sundin ang Kanyang mga kautusan at tularan ang Kanyang halimbawa pabalik sa Ama, ang siyang tunay na pinakadakila at pinakabanal na layunin ng buhay ng tao. Ang tulungan ang iba na gawin din ang gayon—ang magturo, maghikayat, at akayin din sila nang may panalangin na lumakad sa landas na iyon ng pagtubos—ay siyang tunay na pangalawang pinakamahalagang gawain sa ating buhay. Kaya marahil sinabi minsan ni Pangulong David O. McKay, ‘Walang higit na dakilang tungkulin ang maiaatang sa kahit sinong lalaki [o babae] kaysa sa pagiging guro ng mga anak ng Diyos’ [David O. McKay, sa Conference Report, Okt. 1916, 57]” (“A Teacher Come from God,” Ensign, Mayo 1998, 25).

Si Cristo na nagtuturo sa sinagoga

Si Jesus, ang Dalubhasang Guro

Makatatanggap ka ng tulong mula sa langit sa iyong pagnanais na umunlad at humusay bilang titser ng mga anak ng Diyos at sa iyong pagsisikap na tularan ang Tagapagligtas sa iyong buhay at pagtuturo.

video iconMaglaan ng oras na mapanood ang video na “Ang Dalubhasang Guro” (3:51), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, inilalahad ni Pangulong Boyd K. Packer (1924–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol ang ilang aspeto sa pagtuturo ng ebanghelyo.

3:51

share iconHabang pinanonood mo ang video, pakinggan ang mahahalagang dahilan kung bakit dapat kang mamuhay at magturo tulad ng Tagapagligtas. Itala ang iyong mga pananaw at impresyon sa iyong study journal o sa ibang lugar kung saan maaari mo itong mahanap agad at matingnan muli at maibahagi sa iyong inservice leader o grupo.

Aktibidad sa Gospel Teaching and Learning Handbook

handbook cover

Tungkol sa pagiging huwaran ng Tagapagligtas para sa mga titser, itinuro ni Pangulong Boyd K. Packer ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Pangulong Boyd K. Packer

“Sino pang mas mabuting huwaran ang mahahanap natin? Ano pang mas mainam na pag-aaral ang magagawa natin kaysa suriin ang ating mga mithiin at layunin at mga pamamaraan at ikumpara ang mga ito kay Jesucristo?” (Teach Ye Diligently, rev. ed. [1991], 22).

Ang sumusunod na aktibidad ay makapagpapalalim ng iyong pang-unawa kung paano tinuruan at inimpluwensyahan ng Tagapagligtas ang iba at kung paano Niya tinulungan sila na matuto, espirituwal na umunlad, at lubos na magbalik-loob at maniwala sa Kanyang ebanghelyo.

Pag-aralan ang paunang salita sa mga pahina v-vii sa Gospel Teaching and Learning: A Handbook for Teachers and Leaders in Seminaries and Institutes of Religion (2012). Markahan o salungguhitan ang mga salitang nagsasaad ng kilos na naglalarawan sa iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo at paglilingkod ng Tagapagligtas.

Pagkatapos mong mabasa ang mga pahinang ito sa Gospel Teaching and Learning, isulat ang iyong mga sagot sa sumusunod na mga tanong sa margin ng iyong hanbuk. (Ikaw ay hinihikayat na magsulat ng notes sa margin ng iyong hanbuk sa lahat ng mga lesson na ito.)

  • Ano ang napansin mo tungkol sa paraan ng pamumuhay, pagtuturo, at pamumuno ng Tagapagligtas?

  • Paano Niya tinulungan ang iba na matuto, umunlad sa espirituwal, at lubos na magbalik-loob at maniwala sa Kanyang ebanghelyo?

Buod at Pagsasabuhay

Mga Alituntuning Dapat Tandaan

  • Walang higit na dakilang tungkulin ang maiaatang sa sinumang tao kaysa sa pagiging titser ng mga anak ng Diyos.

  • Si Cristo ang Dalubhasang Guro. Dapat natin sikaping mamuhay at magturo tulad Niya.

  • Itinuturo natin kung ano tayo, na ang ibig sabihin ay maaaring makaimpluwensya sa iba ang pagiging disipulo natin, ang ating mga katangian, patotoo, at pamumuhay ayon sa ebanghelyo at gayon din ang ating mga salita.

Pangulong Boyd K. Packer

“Ang kaloob na magturo ay nararapat na pagsumikapan, at kapag ito ay natamo, ito ay dapat paghusayin kung nais itong mapanatili” (Boyd K. Packer, Teach Ye Diligently, 345).

“Ano Ngayon ang Gagawin Natin?”

Kilala si Pangulong Boyd K. Packer sa pagtatanong ng, “Ano ngayon ang gagawin natin?” sa pagtatapos ng mga miting kasama ang Korum ng Labindalawa upang pag-usapan nila kung paano isasabuhay ang mga tinalakay para mabago ang buhay ng mga tao (tingnan sa Jefferey R. Holland, “Therefore, What?” [CES Conference on the New Testament, Ago. 8, 2000], si.lds.org). Sa pagtatapos ng bawat learning experience, tanungin ang iyong sarili, “Ano ngayon ang gagawin?” at isipin kung paano mo maaaring personal na maisabuhay ang mga paksa at mga alituntuning tinalakay.

Upang tapusin ang learning experience na ito, isulat ang ilang bagay na gagawin mo ayon sa mga alituntuning natutuhan mo sa araw na ito.