Learning Experience 2
Ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion
Buod
Kabilang sa learning experience na ito ang mga sumusunod na konsepto:
-
Pag-unawa sa Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion
-
Pag-unawa sa iyong layunin bilang titser
-
Pagtulong sa mga estudyante na tunay na magbalik-loob
Mga Pangunahing Konsepto
Pag-unawa sa Iyong Layunin
Upang maituon ang ating pagsisikap na tumulong sa gawain ng Panginoon, ang mga titser ng S&I ay binigyan ng malinaw na layunin. Ang layuning ito ay tinatawag na Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion. Mahalagang naunawaan mo nang malinaw ang layuning ito at kung paano ka magagabayan nito sa iyong pang-araw-araw na gawain bilang titser.
Ano ang Ating Layunin?
“Ang ating layunin ay tulungan ang mga kabataan at mga young adult na maunawaan ang mga turo at Pagbabayad-sala ni Jesucristo at umasa dito, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo, at ihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at iba pa para sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit” (Gospel Teaching and Learning: A Handbook for Teachers and Leaders in Seminaries and Institutes of Religion [2012], x).
Panoorin ang video na “Ang Ating Layunin” (1:32), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, binibigkas ng ilang titser ang layunin ng Seminaries and Institutes of Religion.
Matapos mong panoorin ang video, itala ang iyong mga pananaw at mga impresyon sa iyong study journal o sa ibang lugar kung saan maaari mo itong mahanap agad at matingnan muli at maibahagi sa iyong inservice leader o grupo.
Itimo ang Ebanghelyo sa Puso ng mga Estudyante
Sa broadcast para sa ika-isang daang taon ng seminary noong 2012, nagbahagi si Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan ng ilang impresyon tungkol sa pinagmulan at mga layunin ng seminary.
Panoorin ang video na “Isang Saligan ng Pananampalataya: Isandaang Taon ng Seminary” (7:36), isang bahagi mula sa mensahe ni Pangulong Eyring, na makukuha sa LDS.org. Sa iyong panonood, hanapin ang katibayan kung paano nakatutulong ang seminary na maitimo ang ebanghelyo sa puso ng mga estudyante.
Matapos mong panoorin ang video, itala ang iyong mga pananaw at mga impresyon sa iyong study journal o sa ibang lugar kung saan maaari mo itong mahanap agad at matingnan muli at maibahagi sa iyong inservice leader o grupo.
Buod at Pagsasabuhay
Mga Alituntuning Dapat Tandaan
-
Ang malinaw na pagkaunawa sa Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion ay gagabay sa ating pang-araw-araw na gawain bilang mga titser.
-
Ang epektibong pagtuturo ay makatutulong upang maitimo nang malalim ang ebanghelyo sa puso ng mga estudyante.
-
Ang dapat na maging layunin natin ay tulungan ang mga estudyante na maranasan ang tunay na pagbabalik-loob at lubos na paniniwala sa ebanghelyo.
“Sa pagtuturo natin sa mga kabataan na mahalin ang Tagapagligtas na si Jesucristo, sila ay magiging mga tunay na disipulo ng Panginoon. Ito ay tutulong sa kanila na maghandang maging … mga lider ng mga walang hanggang pamilya. Ang templo ay magiging tunay at importanteng bahagi ng kanilang buhay. (Dieter F. Uchtdorf, “A Teacher of God’s Children” [evening with President Dieter F. Uchtdorf, Ene. 28, 2011], 5, si.lds.org).
“Ano Ngayon ang Gagawin Natin?”
Tapusin ang learning experience na ito sa pagsulat ng ilang bagay na gagawin mo ayon sa mga alituntunin na natutuhan mo sa araw na ito.